WE WERE SO caught up in the moment that I was close to losing my sanity. Perfect ang setting at ang kaalaman na kami lang dalawa ang nandito sa dagat, saksi ang bilog at maliwanag na buwan ay nakapagdala sa akin ng kakaibang excitement. Nang bigla siyang tumigil sa paghalik sa akin at mahigpit na yumakap ang braso sa baywang ko ay naghintay ako ng sunod niyang gagawin. Pero wala. Kinapa niya ang sabog na buhok sa aking mukha at hinalikan ang noo ko. “Aaron…” “It’s not right. Ayaw kong sirain ang pangako ko sa Tatay mo. Kahit pa sabihin niya na huwag na kita iuwi, alam ko sa loob niya bilang ama, gusto niyang iharap kita sa dambana nang malinis,” bulong niya sa akin habang nakakulong ako sa bisig niya. “Pero—” “If you marry me now, hindi mo na ako mapipigilang gawin ang ginagawa lang