NGAYON LANG AKO nakapag-swimming nang naka-shorts. It wasn’t so bad but it did feel weird for me. Sino ba naman ang gustong maligo nang naka-shorts kung puwede namang naka-swimsuit? But I didn’t want to go there, balewala rin ang bakasyon na ito kung masama ang mood ng kasama ko. Nang sulyapan ko siya habang naglalakad kami ay nakakunot na naman ito. So what I did next, stunned him. I put my arms around him and stole a kiss from his lips. ’Yon ang plano ko pero hindi ako kaagad nakawala dahil pinalalim niya ang halik. I should have expected that. “A-Aaron,” saway ko. I even tapped his shoulder lightly. Tatawa-tawa itong tumigil sa paghalik. “Marunong ka nang maglambing sa akin. Mahal mo na rin ba ako?” Napalabi ako. “Nagkusa na nga akong halikan ka, tinatanong mo pa?” “Gusto kong mar