MAAGA AKONG NAGISING kinabukasan para ayusin ang sarili ko. Tulog na tulog pa si Aaron. Malaya kong tinanaw ang paghampas ng alon sa batuhan mula rito sa balkon at hindi alintana ang kaunting lamig na dulot ng hangin. Nakasuot ako ng isang bestidang kulay puti at manipis ang tirante no’n. Papasok na sana ako sa loob ng kuwarto nang may mainit na brasong pumulupot sa akin. “Good morning,” bati ko sa kaniya. “Morning, hindi kita nakapa sa tabi ko. Akala ko ay iniwan mo na ako,” sabi niya at isinandal ako sa dibdib niya. “Saan naman ako pupunta?” Tiningala ko siya at buong lambing niyang hinalikan ang tungki ng aking ilong. He had been doing that everyday. And call me crazy, but I found that very romantic. Para bang mahal na mahal niya ako. Mahirap para sa akin na marinig ang tatlong kat