Chapter 1
TAPOS na akong mag-empake at nagpaalam na ako sa hari at reyna na uuwi muna sa Pilipinas. Kinakabahan man ay kailangan kong kayanin. Binigyan lang ako ng walong buwan para sa preparasyon ng kasal sa isang prinsipe na sa picture ko pa lang nakikilala. I have always been a good daughter. Kung bakit ako kailangang ipakasal ng aking ama sa isang estranghero ay hindi ko alam.
Gusto ko munang mapag-isa. At kung sa pagsapit ng ika-walong buwan ay wala akong makikilala na magpapabago ng sitwasyon, wala na akong magagawa kung hindi ang magpakasal kay Leopoldo. Nang makita ko s'ya sa litrato ay kaaya-aya naman s'yang tingnan. Matangkad, maamo ang mukha. Sa sobrang amo ng mukha n'ya, pakiramdam ko ay isa akong demonyita kapag nagkatabi kami sa personal -- may sungay na, may buntot pa. Nakakapanghina ang plano ko pero kakayanin ko. Isang buwan din kaming nagturuan ni Leonora.
"Princess, sigurado ka na ba sa plano mo?" nag-aalalang tanong nito sa akin.
Tagalog ang usapan namin kapag kami lang dito sa loob ng kwarto at walang ibang nakakarinig. Bilang isang prinsesa, isang magandang katangian ang mag-aral ng maraming lenggwahe. At dahil may talento ako dito, madali akong natuto. Pati nga ang primerang lenggwahe nila sa Iloilo ay alam ko rin, Hiligaynon. Nakahinga lang ako ng maluwag noong sabihin n'ya na mas madaming nagsasalita ng Tagalog doon at English. At least, hindi ako mamumukod tangi sa kanila.
"Don't call me that. Baka may makarinig sa 'yo. Remember, ikaw ang prinsesa ngayon," sabi ko sa kanya.
Suot n'ya ang pantulog kong silk. Mabuti na lang at hindi s'ya maselan. Ang ibang tao kasi ay hindi nagsusuot ng damit ng iba. Pero iba si Leonora, mabait s'ya. At s'yempre, maganda -- magkamukha kaya kami.
"Ay oo nga pala. Medyo natatakot pa rin ako. Paano kung mabuko ako?"
Napatawa ako. "Alalahanin mo lang ang lahat ng itinuro ko sa 'yo. Kapag nakalimutan mo, kunin mo ang kopya sa safe. Alam mo naman ang kombinasyon noon. Personal ko 'yon at walang ibang nakakaalam kung hindi tayong dalawa lang. Saka may telepono naman sa bahay n'yo, pwede kang tumawag doon at hanapin ako."
Napangiwi ito. "Sa tingin mo ba, hindi ako mabobosesan ni Inay? Bumili ka kaagad ng simcard doon at i-text mo ako. Mag-iingat ka ha. At huwag kang masyadong sosyal manamit," bilin n'ya.
"Bakit naman?"
Natapos ko ng i-check ang lahat ng dadalhin ko. Hindi naman ito marami. Ilang pares lang ng t-shirt at pantalon, shorts, sweater at... madaming sapatos. Naisip ko kasi, pwede naman akong bumili ng ilang damit pagdating ko doon. May usapan na kami ni Leonora na papadalhan n'ya ako ng pang-gastos kung sakaling kulangin ako. Hindi ako pwedeng magdala ng malaking cash.
"Baka ma-kidnap ka!"
Napatawa ako sa kanya. "Kidnap? Ang mapapala lang nila ay ang sampung libong cash na dala ko remember? Lugi pa sila sa pamasahe. Bago pa nila ako makidnap ay naibili ko na ito ng pagkain. Isang oras lang ang flight mula sa Maynila hanggang Iloilo so it's not that bad. Nai-book ko na ito online. Naramdaman ko ang pagdantay ng kamay n'ya sa kamay ko.
"Zia, mag-iingat ka ha. First time mo sa Pilipinas. Matagal na rin akong hindi umuuwi sa amin. Halos mag-sasampung taon na kaya hindi ko alam kung ano na ang bago doon. Basta anuman ang mangyari, tawagan mo ako at nakahanda akong magpaliwanag kay Inay at Tatay," halos mangiyak ngiyak na ito.
Pinispis ko ang kamay n'ya para pakalmahin s'ya. "Ano ka ba, magiging okay ako. Ikaw ang alalahanin mo lahat ng tinuro ko sa 'yo. Ituwid mo 'yang likod mo kahit ngalay na ngalay ka na. Diretso ang tingin at huwag kang tawa ng tawa."
"Para mo na ring sinabi na huwag na lang akong huminga!" bumungisngis kaming dalawa.
"Len, I hope you know you're one of my most favorite people in the world. Kung wala ka, hindi magiging masaya ang pagdadalaga ko. You were barely twenty one when you arrived here. Kung hindi lang nila alam na mas matanda ka ng dalawang taon sa akin ay iisipin talaga nila na kambal tayong dalawa."
"Hindi lang 'yon, hindi ba at may mar--"
"Ssh! Baka may makarinig sa 'yo, sige ikaw rin titingnan nila 'yan."
"Oo na. Basta talasan mo ang pakiramdam mo ha."
"Paulit ulit?"
Inirapan n'ya ako. "Nagpapaalala lang. Ate mo ako."
"Yes, po."
"Ano ang pangalan ng magulang ko at mga kapatid?"
"Si Mila at Tino, bunso mo si Junjun at Maya."
"Sino ang long time crush ko?"
"Artista ba o 'yong tunay na tao?"
Napanganga ito sa akin. "Parehong tao 'yon, ano ka ba?"
"Joooke! Grabe naman, ang seryoso mo kasi. S'yempre crush na crush mo si James Reid tapos 'yong medyo kaluluwa eh si Aaron Syjuco," tatawa tawa kong sabi sa kanya.
Kaya heto s'ya, nanlilisik ang mata sa akin. "Kaluluwa talaga?"
"Eh hindi ba at sabi mo, noong high school kayo -- nilalampasan ka lang n'ya? Kaluluwa. Ghost. Teka, mahal mo ba 'yon? Baka hindi lang crush 'yan ha! Uy! Sumisinta na si Ate Len."
"Gaga! Crush lang kasi sobrang pogi n'ya. At isa pa, hindi lang s'ya campus crush, as in crush ng buong bayan 'yon ha!"
Napailing iling ako. "Sus! Wala ng gagandang lalake pa kay Jacob Elordi."
"Hindi ka naman kilala ni Jacob eh. Isa pa, si Leopoldo ang nakatakda hindi ba?"
Umasim ang mukha ko. "Huwag mo ng ipaalala."
"In fairness, ano na kayang hitsura ni Aaron ngayon. Nakakamukha 'yon ng crush mo eh, pero payatot pa s'ya noon at may brace. Alon alon rin ang buhok n'ya na hindi purong itim. Kapag may pagkakataon ka, picturan mo s'ya ha tapos i-send mo sa akin. Curious ako."
"Oo na. Kahit hindi ko alam kung paano magpicture ng kalulu-- aray!" Ganito kami, normal n'ya akong ituring kapag kami lang dalawa. Kahit saglit, gumagaan ang pakiramdam ko at parang hindi ako nabibilang sa royal family. Ang sarap sigurong mamuhay ng normal lang at hindi kilala.
Hinampas n'ya ako ng mahina sa may punong braso.
"Kaluluwa ka d'yan. Baka mamaya ma-in love ka sa kaluluwa, alayan mo ng kung ano anong prutas katulad sa ginagawa ng mga intsik. Hindi ba at nag-aalay ng prutas ang mga 'yon -- yung mga orange."
"Ah ewan. Basta, pipicturan ko na lang s'ya at kung hindi madevelop walang sisihan ha!"
Nagyakap kami at palabas na ako ng pinto ng magpahabol s'ya.
"Kakanin."
"Ha?"
"Kakanin. Mahilig s'ya doon."
Tumango kahit hindi ko alam kung para saan 'yon. I love sticky rice but I needed to watch my weight too. Sa sobrang sarap, ang bilis din magpataba. So here I go, I'm off to Iloilo for a new adventure, wish me luck!