SANDRA VILLA AMOR
Hindi ko na napigilan ang sakit ng aking nararamdaman kaya napaiyak na ako at napatakbo papunta rito sa banyo. Gusto ko lang ilabas ang lahat ng hinanakit na naipon sa puso ko. Tumingin ako sa salamin at tinitigan ang sarili ko. Maaaring tama si Kenjie. Nakakadiri talaga tingnan ang isang babaeng katulad ko, pero kaya ko lang naman ito ginagawa para matakpan ang totoong ako; iyong Sandra na takot makita ng karamihan na mahina, iyong Sandra na takot ng ma-bully muli, iyong Sandra na ginagawang katatawanan ng karamihan, iyong Sandra na never tiniratong tao at palaging pinagtatawan ng lahat. Sa totoo lang, ayaw ko nang maulit ang nangyari sa akin noong high school days. Sobrang ayaw ko na. Sobrang takot na ako! At kaya ko nagawang magbago ng anyo kasi sa palagay ko kapag maglalagay ako ng eyeliner sa mata at pulang lipstick sa labi ay kahit papaano 'NO ONE WILL SEE ME WEAK'. Pero nagkamali ako kasi mahina pa rin ang tingin ng iba sa akin at hindi lang iyon, inaapakan nila ang p********e ko.
Napaluha naman ako nang maalala ko iyong sinabi ni Kenjie sa akin na mukha raw akong isang bayaran. Ganoon na kababa ang tingin niya sa akin. Pinunasan ko na ang mukha ko at tinanggal iyong mascara at eyeliner sa mga mata ko. Kumuha naman ako ng wipes sa bag para tanggalin ang red lipstick sa labi ko. Bumuntonghininga ako at pagkatapos ay pilit na ngumiti sabay sabi sa sarili habang hawak-hawak ang lipstick sa kamay ko, 'Akala ko'y matakpan mo ang totoong ako, pero hindi pala. Salamat na lang kasi you taught me a lesson at napagtanto ko ngayon na mas masaya kung magpakatotoo na ako sa sarili ko'. Bahala na ang mga taong mapanakit sa mundo. If they will bully me, let them be and I will accept it. Hindi ko naman hawak ang puso nila para pigilan ang panlalait nila.
"Thanks, red lipstick," nakangiti kong sabi.
Matapos kong maglabas ng sama ng loob sa banyo, lumabas na ako nang magaan na ang loob at nakangiti. Pero napahinto ako nang makita sa harapan ng pinto si Dave Monte Claire.
Bakit siya nandito?
Inaabangan niya ba ako?
May gagawin ba siya sa akin?
Babastusin niya rin ba ako?
Inutusan ba siya ni Kenjie na awayin ako?
Maraming katanungan ang pumasok sa aking isipan nang makita ko ang lalaking nasa harapan ko. Sana huwag muna. Pagod pa akong masaktan.
DAVE MONTE CLAIRE
Sa totoo lang, nagulat ako sa paglabas ni Sandra mula sa banyo. Wala na kasi siyang nilagay sa mukha niya. She looks so pretty and her bare face. At aaminin kong mas lalo siyang gumanda sa natural look niya. Tinawag ko siya kasi dinaanan niya lang ako, pero 'di niya ako pinansin at inirapan lang. Ang ginawa ng isang gwapong katulad ko? Hinabol lang naman siya.
"Hoy!" sigaw ko.
Humarap ito sabay turo sa akin. Nakataas pa ang kilay nito. "Hoy ka rin! Close ba tayo?"
"H-hindi!" Nag-iisip pa ako ng sasabihin. Nang may pumasok na isipan ko. Nagawa ko na siyang tingnan nang diretso. "Pero bakit may pa iyak-iyak ka kanina? Ang oa mo kaya."
"Pake mo sa tears ko? Mata kita?" pagtataray nito.
Sinamaan ko rin ito ng tingin. "May pakialam ako kasi may payakap-yakap ka sa akin. You're so touchy and I don't like it. It looks like you kinda abused me."
Umismid ito, "Baka gusto mong yakapin pa kitang muli? Nang mahigpit? Hanggang sa hindi ka makahinga."
"No, thanks," sagot ko. Nakakatakot din pala talaga ang babaeng ito.
Napangiti siya at lumapit papunta sa akin. Pagkatapos, she hugs me so tightly. Pero kaagad ko namang tinanggal ang mga kamay niya sa pagyakap sa akin at tinitigan ito. Sa oras na ito, kailangan ko munang magseryoso. Mukhang iyon kasi ang kailangan naming dalawa. Hindi iyong bangayan lang kami nang bangayan.
"Alam kong hindi ka okay kaya sumama ka sa akin para gumaan 'yang loob mo," sabi ko.
"Ayoko," sagot niya.
"'Wag kang maarte. Hindi bagay."
Pinilit kong isinama ito at hinila papunta sa parking lot at isinakay sa kotse ko. Kahit nagmamatigas siyang sumama, napilit ko pa rin siya. Wala rin naman siyang laban sa akin dahil mahina siya. Wala siyang lakas. Nang tagumpay ko siyang napaupo sa loob, pumasok na rin ako. Pagkaupo ko pa lang sa driver's seat ay pinaghahampas na niya ako ng dala niyang bag.
"Aray ko, suntukin kita riyan ngayon," pagbabanta ko.
"Grabe ito! Magagawa mo talaga iyon sa isang babae!? Grabe siya!" Nakasimangot siya ihininto ang ginagawa niya. Pagkatapos, tiningnan niya ako. "Pero, hoy! Saan mo ba talaga ako dadalhin?"
"Sa puso kung nagliliyab sa 'yo," pagbibiro ko.
"Baliw ka ba?" inis nitong sagot habang tinititigan ako nang masama. Ang laki pala ng mga mata niya, pero maganda. Bagay sa matambok niyang mukha. Para nga siyang manika. Iyong mumurahin.
"Biro lang. Ssh, tahimik na at paandarin ko na ang sasakyan," sabi ko.
Sa kalagitnaan ng biyahe habang nagmamaneho ako. Naiilang ako. Alam ko kasing tinitingan ako ng babaeng kasama ko at hindi ako komportable rito.
"'Wag mo akong titigan ng ganyan Sandra, baka matunaw ako. Oo, alam kong sobrang gwapo ko, pero please stop staring at me like that. Nakakasawa na, e. Sobrang dami niyo na, 'di ko na kayo mabilang," pagmamayabang kong sagot para mainis ito. Ang saya lang kasi niyang tignan kapag galit.
"Ang kapal mo talaga Dave, hindi rin halatang hambog ka! Magkaibigan nga kayo ng Kenjie na 'yon! Hambog at halimaw!" sigaw nito, 'tapos bumuntonghininga.
Tumawa ako at hininto ang sasakyan. Nakakatawa kasi iyong reaksyon niya dahil alam mong sobrang naiinis na talaga ito. Kiniliti ko ito para tumawa naman, mabuti na lang at effective iyong ginawa ko. Kiniliti niya rin ako hanggang sa nagkilitian kaming dalawa at nagtatawanan.
"Dave, tama na!"sigaw nito habang walang tigil sa katatawa.
I don't mind her at ipinagpatuloy ko pa rin ang pagkikiliti ko sa kanya para tumawa na siya hanggang sa may pumutok na sounds so awkward. Goosebumps.
"Hoy, Sandra! Kababae mong tao! Ang baho!" pandidiri kong sigaw. Ang baho talaga. Umutot ba naman sa loob ng sasakyan ko.
Binuksan ko agad ang sasakyan para lumabas ito. Ang baho kasi at hindi ko ma-take iyong amoy. Para kasing isang patay na hayop, kadiri talaga! Kababaeng tao.
To be continued...