DAVE MONTE CLAIRE
Ano raw!? Second kiss niya raw ako next to her mother's dede? Ang weird. Grabe iyong babae na 'yon! Ninakawan pa talaga ako ng halik? Pumunta lang naman sana ako sa room nila para puntahan si Kathrina. Ipinagkalat kasi nito na naging sila ni Kenjie. Kahit ang totoo ay 5 minutes dare lang naman 'yon namin kay Kenjie kasi talo siya sa laro namin. Kami tuloy ang sinisisi nito sa lahat. Asar talo pa naman iyon. Gusto ko lang sana pagsabihan si Kathrina na ihinto na niya ang ilusyon niya. Sobrang tigas din kasi ng ulo. Nakakainis din! Pero mabalik ang usapan sa babaeng nagnakaw ng halik sa akin. Humanda talaga siya bukas 'pag nakita ko siya. Sisingilin ko siya sa ginawa niya sa akin. Alam kong nakakatakam ako dahil masarap ako, pero mali iyong ginawa niya.
"Bakit ba kayo nag-away ng babaeng 'yon?" tanong ko sa nakasimangot na si Kathrina. Hindi maipinta ang mukha nito ngayon. Magkasalubong pa ang kilay nito. Makikita sa itsura nito na pikon na pikon siya.
"Nakikipag-usap kay Kenjie, e. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko, Dave. Kumukulo tuloy ang AB+ na dugo ko. Tsk!" gigil nitong sabi. Bumuntonghininga pa ito na para bang pinakawalan nito ang itim niyang ispirito.
"Wow, ha? Iyon lang ang dahilan mo? Ang babaw mo talaga. Kaya ka 'di magawang mahalin ni Kenjie, e. Anyway, dare lang naman lahat 'yon no'ng naging kayo Kathrin, kaya 'wag mong seryosohin na naging kayo kasi naiinis si Kenjie. Kami tuloy ang inaaway niya. At isa pa, 5 minutes lang naman naging kayo at hiniwalayan ka na niya agad, 'di ba? Kailangan ko pa bang ipaalala iyon sa iyo? Kaya 'di 'yon pang for keeps iyong relasyon niyo, ha?" paliwanag ko sa kanya habang nagpipigil sa pagtawa. Pero totoo naman talaga na dare lang ang lahat ng 'yon. At kahit alam niya ang totoo, paniwalang-paniwala pa rin siya sa ilusyon niya. Hays! Kinain kasi ng pag-ibig.
"Sssh! Kahit na! Basta I really hate that girl named Sandra the b*tch! Periodt. No erase." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko. "Dave, tulungan mo naman akong magkabalikan kami ni Kenjie please, I'm begging," pagmamakaawa nito sa akin.
Tinanggal ko ang kamay nito sa balikat ko. "Diyan ka na nga. Honestly, Kathrina, 'di ka naman talaga mahal no'n at alam mo 'yon at the first place. Dare lang nga 'yon, 'di ba? Dare!? Hays, grabe ka naman kung umasa," sagot ko rito.
"Grabe ka, Dave! Pero baka magawan mo ng paraan. Best friend mo naman siya," sabi niya.
Napakamot na lang ako sa ulo habang napailing-iling. "Ang tigas nito. Sige na, paalam na may practice pa kami."
Umalis na ako at 'di pa rin mawala sa isip ko ang ginawa ng Sandra na iyon. Imposibleng magawa ng isang normal na babae ang bagay na 'yon. Hayop kaya iyon? Hmm. Kakasuhan ko siya ng pagnanakaw ng halik ng isang inosenteng g'wapong nilalang.
KATHRINA VILLA AMOR
Aaminin kong napahiya ako kanina dahil sa ginawa ng pobreng Sandra na iyon. Gumaya pa talaga ng linya sa Teleseryeng The Legal Wife ni Angel Locsin. What a poor copycat! Napatigil naman ako at napangiti nang may pumasok sa aking isipan, masubukan nga next time, pero dapat manunood muna ako sa YouTube ng best lines sa mga teleserye ng ABS-CBN baka may magamit ako sa kanya at mapahiya rin siya. Dapat maranasan niya rin ang ginawa niyang panghihiya sa akin. Nakarami na siya at hindi ko hahayaang madagdagan pa ang mga iyon. Never again.
Napatawa naman ako dahil sa excitement na mangyari 'yon. Lagot ka sa 'kin Sandra 'The Poor' Villa Amor. Luluhod ka rin sa akin.
Sa gagawin ko, baka makaranas ka ng depression and you will attempt suicide. Mamatay ka at lalamayan ka ng mga kauri mong mababaho. Pobre.
"Ano na naman ang tinatawa mo riyan, Kath?" tanong ni Sabrina sa akin. Napakunot-noo pa ito habang tinitingnan ako.
I smirked, "May gagawin lang naman ako sa Sandra na iyon. Just wait and relax and you will see the bolder and fiercer revenge of Kathrina Villa Amor s***h The School Campus Queen."
"'Wag na, Kath. Walang-wala ka roon. Idol ko iyon, e..."
"W-what!?" sigaw ko.
"I mean idol kita. Ikaw pa! Ikaw na si Kathrina Villa Amor as what you've said, The School Campus Queen," marahan niyang sabi.
Tinaasan ko ito ng kaliwang kilay. "Akala ko kung ano na."
"Tara na nga Kath, manood na lang tayo ng practice ni Kenjie nang gumaan na 'yang pakiramdama mo," pag-aya nito.
"Mabuti pa," irap kong sagot.
Papunta na kami ngayon sa gymnasium para manood ng practice ni Kenjie. Baka sa pagpunta ko, lalo pa siyang gagaling sa paglalaro. Lahat ng shuttle c**k ay matatamaan niya. Iyong energy niya ay aapaw. You know I am the ex-girlfriend and I still feel na mahalaga pa rin ako sa kanya. Kaya nga may past, 'di ba? Dahil may something kaming dalawa! We love each other. Indeed.
SANDRA VILLA AMOR
Nakakahiya iyong ginawa ko kanina kay Dave sa classroom namin, pero wala na kasi talaga akong choice at dahil lang din naman sa katigasan ng ulo niya kaya nagawa ko iyon. At kahit ganoon ang nangyari hindi ko napigilang hindi mapangiti kasi napakaguwapo niyang lalaki. Parang iyong supladong kaibigan niya lang na si Kenjie. Kung hindi lang mayabang ang mga iyon baka stalker nila ako.
Nasa bahay ako ngayon at humihiga na sa aking malambot na kama. Sinubukan ko nang umidlip, pero hindi naman ako makatulog. Bumabalik kasi lahat nang nangyari kanina sa school. Una sa listahan ay iyong kay Dave Monte Claire at ang pangalawa naman ay iyong kay Kenjie Del Pilar, iyong mga panghuhusga niyang sobrang sakit sa puso. Bumuntonghininga na lang ako at pagkatapos, nag-isip ng dapat gawin para naman madapuan na ako ng antok. What if magbasa na lang kaya ako ng libro? Or surfing the internet? Pero tinatamad naman ako kaya pipilitin ko na lang talaga ang sarili na makatulog.
•••
Umaga na at papasok na ako sa gate ng school. Pagkapasok ko, unang nakita ng dalawang mga mata ko ay ang magkaibigang sina Kathrina at Sabrina na naglalakad sa may pathway. Tumaas ang kilay ko kasi hindi lang basta simpleng lakad ang ginawa nila kundi rumampa ala Miss Universe. Madami ang nakatingin sa kanila kaya ganadong-ganado ang mga ito. At dahil palaban ako, hinding-hindi ako magpapatalo sa mga maldita na iyon. Gusto silang sagadin sa inis. Ang ginawa ko, nag-tsunami walk ako sa pathway at binilisan ang pagrampa para makasabay sa kanila. Nang magkasabay na kaming tatlo, nagulat naman ang dalawa at kitang-kita iyon sa mga mata nila. Napahinto naman sila sa pagrampa kaya nag-slow mo turn ako at dinilaan ang mga ito. Nang matapos ko ng asarin ang dalawa ay tumalikod na ako para umalis, pero pagharap ko ay napatigil ako. Muntikan pa ako mawalan ng balanse. Nasa harapan ko kasi ang tatlong sikat at tinitilian ng mga babae sa campus; sina Kenjie, Dave, at Steve.
Nang magtama ang mga mata namin ni Steve, may kakaiba akong naramdaman. Hindi ko lang mapaliwanag kung ano talaga iyon. Magaan ang loob ko sa kanya. Kahit dati pa noong una ko siyang nakita. Siya lang kasi 'yong tahimik sa kanilang tatlong magkakaibigan. At isa pa, kapag nagkasalamuha kami sa pathway. Palagi niya akong binibigyan nang matamis na ngiti. Ano kaya itong nararamdaman ko sa kanya? Sobrang kakaiba. Everytime I see him, I want to hug him. Mga gano'n klaseng pakiramdam. Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot.
Inakbayan ni Steve si Kenjie. "Siya iyong babaeng tinatanong mo sa amin, maganda, 'di ba? Kaya pala sobrang interasado ka. Hi, Sandra," pagbati ni Steve sa akin.
"Tumahimik ka nga, Steve. Never akong papatol sa pokpok este bayaran. Mangarap siya!" pagsusungit ng supladong si Kenjie.
Kumirot ang puso ko nang marinig kong muli iyon sa kanya. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Pero kaya mo ito, Sandra. Huwag mong ipakitang mahina ka. Ngumiti ka na riyan. Pagpapalakas loob ko sa sarili ko.
Tiningnan ko si Steve at nginitian ito. "Hello rin, Steve." Tinuro ko naman si Kenjie na masama ang tingin sa akin. "Hoy! Mangarap ka rin! Magunaw man ang mundo! Bumerde man ang buwan! Umulan man ng pera! Never akong papatol sa 'yo! Sa ugali mong 'yan!? Baliw lang ang magkakagusto sa 'yo katulad ng ex mong mukhang kuko. Si Kathrina?"
"Ano!?" sigaw ni Kathrina na nasa likuran ko.
Nilingon ko ito. "Bingi-bingihan?" Ibinalik ko na kay Kenjie ang tingin ko at dinuro ito. "Sa palagay mo? Sa pangbabastos mo sa akin? Sa pangyuyurak mo sa pagkatao ko? Sa panghuhusga mo sa akin? Ikinagwapo mo 'yan? You are such a disappointment."
Matapos kong masabi iyon ay tinulak ko si Kenjie na nasa harapan ko at nagsimula ng humakbang. Kahit nasasaktan na ako sa ginawa niya sa akin kahapon at ngayon, hindi mo makikita sa mga mata niya na nagsisisi siya sa nagawa niya. Kahit ganito kasakit ang nararamdaman ko. Hindi ko pa rin ipinapakita na nasasaktan ako sa kanila dahil ayaw kong makita nilang mahina ako. Ang ginawa ko, huminto ako sa paglalakad at muling lumingon sa kanilang tatlo.
Tiningnan ko si Kenjie. "Kung kasing hot mo lang si DAVE MONTE CLAIRE! Crush na sana kita." Ibinaling ko ang tingin kay Dave. "I LOVE YOU, DAVE! Ikaw lang at ako ang magsasabi ng I LOVE YOU!"
DAVE MONTE CLAIRE
Ang lakas talaga maka-badtrip ng babaeng 'yon. Isinigaw pa talaga? Alam ko namang gwapo ako, pero dapat ligawan niya muna ako sa tamang proseso para legal, 'di ba? Tumakbo ako at hinabol siya. Gusto ko lang itong pagsabihan.
Nang naabutan ko na ito, hinawakan ko ang kamay niya. Pagtitig ko sa mga mata niya, 'di ko alam kung ano ang gagawin ko kasi ang lungkot-lungkot nito. Para bang may malaking problemang kinikimkim sa kanyang puso. Natahimik naman ako at nag-isip, I should comfort her ba? Tanong ko sa sarili ko, pero 'di ko rin naman alam kung paano gagawin iyon.
"May problema ka ba, Sandra?" takang tanong ko.
"Wala," mabilisang sagot nito habang nakayuko. Hindi man lang ako magawang tingnan sa mata.
Wala raw siyang problema, pero kitang-kita naman sa mga mata niya na malungkot siya at isa pa hindi ako manhid para hindi mararamdaman iyon. Napa-isip naman ako bigla kasi ang saya niya lang kanina. Inaasar pa nga niya sina Kathrina at Sabrina at kitang-kita iyon ng mga mata ko, namin. Pero ano ang nangyari? Ang bilis naman ng pagbabago. May regla? Parang apektado tuloy ako. Mali. Naapektuhan talaga.
"Bitawan mo na ako, Dave," mahina niyang sabi.
"Hoy! Anong problema mo? Sandra, sabihin mo. Makikinig ako," sabi ko.
"Wala nga, alis na. Male-late na ako."
"Sabihin mo muna kasi kung ano ang problema mo," pangungulit ko sa kanya.
"Wala nga! Ang tigas ng ulo mo! Sige, hahalikan kitang muli kung hindi mo ako bibitawan!" pagbabanta niya.
Tinitigan niya ako at sinubukang halikan muli, pero hindi niya itinuloy. Ang ginawa niya, yumuko lang siya at bigla na lang niya akong niyakap nang mahigpit. Umiiyak siya at naramdaman ko iyon habang nakayakap siya sa akin. Hihimasin ko sana ang likod niya pero bigla siyang tumakbo kaya hinabol ko ito, pero dumiretso siya sa comfort room ng mga babae kaya hindi na ako pumasok.
Hinintay ko siyang lumabas, pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Wala na yatang balak na lumabas pa. Tiningnan ko ang relo ko and it's already 8:30 AM. Sobrang late na ako kaya 'di na lang ako papasok sa first subject namin at piniling hintayin si Sandra na lumabas. Gusto ko lang siyang tanungin kung ano talaga ang nangyari sa kanya. Hindi kasi ako mapakali. And to be honest, sobrang nangamba na ako ngayon baka kung ano na ang ginagawa niya sa loob. Magpapakamatay kaya iyon? Hindi naman yata gagawin niya iyon. Matalino siya kaya alam ko na alam niya ang tama sa mali.
Pero bakit 'di pa siya lumabas? Hays! Pasukin ko kaya? Huwag na nga lang. I trust her naman. Alam kong wala talaga siyang gagawin na ipapangamba ng pamilya niya. As I have said, matalino siyang babae.
Dalawang oras ang lumipas, lumabas na si Sandra sa banyo, pero nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Ibang Sandra na ang lumabas.
One word... WOW!
~~~