KABANATA 3.1: THE REAL SANDRA

2141 Words
Continuation... SANDRA VILLA AMOR Grabe! Nakakahiya iyong ginawa ko. Pero hindi ko naman sinadyang mapautot nang wala sa oras. At nakakainis lang iyong reaksyon ni Dave. Nakalimutan niya yatang walang mabangong utot sa mundong ito. Ang sarap lang itulak para mabunggo ng papalapit na 10 wheelers sa gilid namin. "Sorry na, Dave. Ang arte mo, ha? Hindi ba sabi ko tama na? Ganito kasi iyon, napapautot ako kapag kinikiliti. Kahinaan ko iyon kaya hawag kanang oa riyan," pagpapaliwanag ko. Kahit hindi naman dapat. Pero wala na, nasabi ko na. Tumawa ito kaya tumawa na rin ako hanggang sa tinanong ko na siya kung saan niya na ba talaga ako dadalhin. Pinapatay na kasi ako ng curiousity ko. Pero kasalanan ko rin naman dahil sumama pa ako. Kainis! "Dave, saan ba talaga tayo? I really need a serious answer from you," seryoso kong sabi. "Sa bahay namin. Ipatitikim ko lang sa 'yo ang langit," nakangiting sabi nito. "Bw*sit ka, Dave! Kadiri ka! Ibaba mo na ako, maniac ka! Ano'ng gagawin mo sa akin? Help! Rape!" pagsisigaw ko. "Ang oa mo, Sandra! Anong baba pinagsasabi mo? E, nandito tayo sa labas ng sasakyan. Nakalimutan mo yata na lumabasa ka nang sinabi mong I really need a serious answer," anito at ginaya pa talaga ang boses ko. Bading! "Sorry, eksaherada lang. Anyway, bakit kilala mo ako?" "Why can't I? First, ikaw ang pinakamatalino sa batch natin at panghuli, sa identity mo. The red lipstick girl." "Ahh," sabi ko. Nang kumalma na ang lahat. Pumasok na kaming muli sa sasakyan at umalis na. Minuto ang lumipas, nakarating na kami sa bahay nila at sobrang nanlaki ang mga mata ko kasi ang laki ng bahay nila at ang ganda pa. Nakakatawa mang aminin, pero parang kulungan lang ng aso ang bahay namin sa bahay nila. "Baba na tayo, Sandra," wika nito. "Ang ganda naman ng bahay niyo. Ilan ba kayo rito? Ba't sobrang laki?" Ngumiti lang ito at hindi na sumagot. Habang papasok na kami sa sala nila, hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan si Dave. Ang guwapo niya talaga lalo na kapag ngumingiti siya. Nawawala kasi ang mga mata niya. Ngayon, pinaupo niya muna ako sa sofa kasi magbibihis lang daw muna siya sa kuwarto niya. Minuto ang lumipas, napatingala ako sa ikalawang palabag ng bahay nila nang may ingay na nagmula kay Dave. Kumakanta kasi ito at sobrang sintunado ng boses niya kaya tawa lang ako nang tawa. Pero nang masilayan ko na siya ay pinagpawisan ako bigla, shirtless kasi ito. Hindi ko mapakaila na ang init niyang tingnan. Maganda kasi ang katawan nito. Halatang babad sa gym. Sa totoo lang, mababaliw na yata ako sa kilig. Nagpapa-fall ba siya? O assuming lang ako? Nang makababa na si Dave rito sa sala, nagpaalam na muna siya na maghahanda ng pagkain sa kusina. At dahil wala naman akong makausap dito. Nabagot ako at dinapuan ng antok. Ano bang gagawin ko ng malibang naman kahit papaano? Napangiti naman ako nang may nakitang photo album sa table sa harapan ko. Kinuha ko ito para tingnan. Napangiti na lang ako bigla kasi ang cute nilang magbabarkada. Napag-alaman ko namang lima silang lahat sa grupo at may isang babae. Sino kaya ito? At itong isang guy? Saan na kaya sila? Bakit kaya hindi sila sa Madrid nag-aaral? Habang nanunood ng mga larawan nilang magbabarkada, nakuha talaga ni Kenjie ang atensyon ko. Wala kasi itong kuha na nakangiti. Lahat ng larawan niya ay nakasimangot. Napaka-moody talaga ng lalaking iyon. Kailan kaya iyon magbabago? "Sandra, halika na," tawag ni Dave. Kaagad akong napatayo sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses ni Dave. "Okay," sagot ko. Pumunta na ako sa kusina nila. Sa totoo lang, ngayon lang ako nakakita nang ganito kagandang kusina. Para itong kumikinang sa aking mga mata. "Umupo ka na rito," sabi ni Dave. Inayos pa niya ang bangko na uupuan ko. "Salamat," sabi ko sabay upo. Nagsimula na kaming kumain. Kahit naiilang akong kasama siya, kailangan kong gumawa ng paraan para maging kumportable sa kanya. Para makakain din ako nang maayos. "Dave," sambit ko. "Yup?" pormal niyang sagot. "Kailan kayo naging magkaibigan nina Kenjie at Steve?" tanong ko. Ngumiti ito. "Simula pa noong mga bata pa kami. Magkakilala na iyong mga parents namin kaya malapit kami sa isa't isa except lang iyong kay Steve. Basta it's confidential. Actually, lima kami," paliwanag nito. "Nakita ko nga sa photo album niyo sa sala. Sorry sa pangingialam ko," nahihiya kong sabi. "Wala lang 'yon, ano ba. Ang gwapo namin, noh? Hmm. Ikaw? Ano ba talaga problema mo? Nag-alala tuloy ako sa iyo," tanong nito sa akin. Kinuwento ko sa kanya lahat-lahat tungkol sa hinanakit ko kay Kenjie at kung bakit ako naglalagay ng mga kaartehan sa mukha. Masaya naman akong nagkukuwento kasi nakikinig talaga siya sa mga sinasabi ko. Ang gaan niya lang kasama. He's a good listener. He understands me. To be honest, I am comportable with his company. We're not close, pero dahil sa pag-uusap namin mas unti-unti ko na siyang nakilala kaya gumaan na rin ang pakiramdam ko sa kanya. "Sandra, 'di naman ganoong tao si Ken. Moody lang iyon, pero mabait iyon. Promise. Kung makilala mo lang ang totoong siya, palabiro rin iyon katulad ko. Siya lang din iyong matured sa aming magkakaibigan..." Napakamot ito sa kanyang ulo. "Dalawa pala sila ni Steve at ako iyong, alam mo na... Cute lang at matinik sa babae," natatawang pagkuwento nito. "Basta ayoko sa kanya. Ang sama ng ugali! Sobrang suplado at higit sa lahat, bastos! Hindi man lang niya iniisip na masasaktan ako sa mga binibitawan niyang salita," inis na sagot ko rito. "Give him a chance and just believe in second chance gaya nina Popoy at Basha." "Iba ang sitwasyon namin, Dave. Wala naman kaming relasyon kahit magkaibigan lang, so walang second chance." Nagkibit-balikat na lang ito at muling ipinagpatuloy ang pagkain. Ako naman, dinamihan ko na rin ang kinain. Nawala kasi iyong hiya ko nang mag-usap kami. ••• Hapon na at nagkukuwentuhan pa rin kami ni Dave. Sa mga oras na nalaan ko na kasama siya, napagtanto kong mabait pala siya at ang saya niyang kasama. Hindi kasi nawawalan ng topic. Palaging may baon. At aaminin kong mali ang pananaw ko sa kanya. Hindi pala siya ganoon sa mga naririnig at pinaniniwalaan ko. Napatingin ako sa relo. "Dave, hapon na pala. Uuwi na ako." "Sige, kukunin ko muna ang susi. Ihahatid na kita sa inyo," anito. "Salamat," nakangiti kong sabi. "Welcome, Sandra..." Tumayo na ito at daliang kinuha ang susi sa kuwarto niya. Pagbaba niya, "Ito na. Ihahatid na kita?" "Sige," tanging sagot ko. Lumipas ang isang oras, nakarating na rin kami sa bahay namin. Binuksan ko na ang pinto ng sasakayan niya at lumabas. Ganoon din ang ginawa ni Dave. Humarap ako kay Dave na papalapit sa akin. "Salamat talaga, Dave. Pinagaan mo ang loob ko," sabi ko. "Sandra?" sambit nito. "Bakit?" "Puwede ko bang hingin ang phone no. mo?" "A-a-ano?" nauutal kong sagot sa hiling niya. Nahihiya kasi ako. "Phone no. mo. Puwede bang hingin?" Ngumiti ito kaya nawala na naman ang mga mata niya. "Pero b-bakit?" utal na tanong ko. "Wala ng tanong-tanong. Pakipot ka pa, e," pagrereklamo nito. Hinablot ba naman nito bigla ang cell phone ko sa kamay ko at may ginawa siya rito. Sa tingin ko, kinuha niya ang number ko. Ibinalik niya na ito. "Thanks, Sandra. Mauna na ako." "Okay, salamat. Ingat ka Dave." Pumasok na ako sa bahay. Nang makita kong wala si Mama sa sala, abot langit ang ngiti ko kaya napa-walling ako sa sobrang kilig. Totoo ba ang lahat ng ito? Sinampal ko sarili ko at nang nakumpirma kong totoo nga at hindi ako nag i-ilusyon ay napasigaw na ako sa sobrang tuwa. Tumunog iyong phone ko kaya napatingin ako, pero pagbasa ko sa text. Napamura ako nang wala sa oras dahil ganito lang naman ang text niya. [Dave: Ang ganda mo, Sandra.] Napasayaw ako habang paakyat papuntang kuwarto. Grabe si Dave Monte Claire magpakilig. Hindi man niya intensyon iyon, pero grabe ang impact niyon sa akin bilang isang babae. KENJIE DEL PILAR Nagbabasa ako ng libro habang naglalakad papuntang classroom nang may tumawag sa akin. Paglingon ko, si Dave. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang kasama niya si Sandra. Close ba sila? Napataas naman ang kaliwang kilay ko nang makita itong walang nilagay na kaartehan sa mukha niya. At aaminin kong mas gumanda siya sa simpleng siya. Maganda naman talaga siya. Hindi ko naman maitatangi iyon. Nang nasa harapan ko na si Sandra, tiningnan ko siya. Pero ang sama lang nitong makatingin sa akin. Akala mo naman talaga kung sino. Gumanda lang nang kunti. Tsk! "Dave, bakit mo siya kasama?" takang tanong ko. "Sinundo ko siya," daliang sagot nito. "Pero, bakit? Ano mo pala siya?" "Kaibigan..." Tiningnan niya si Sandra. "Pero puwede rin, magka-ibigan." Nahampas ko ito dahil sa sinabi niya. Nakakatawa kaya! Mas mukhang matangkad pa nga si Sandra sa kanya. Hindi kaya sila bagay. Tinitigan ko si Sandra at kumulo na naman ang dugo ko. Nakasimangot kasi ito. Nasira tuloy ang araw ko. Nakaka-bad vibes. Tinuro ko ito. "Hoy! Bakit ang laki ng mga mata mo? Saan ka pinaglihi?" "Shut up!" sagot nito. "Crush mo si Sandra Ken, noh? Ayieh," panunukso ni Dave. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya umalis na lang ako. Crush? Never! Pero dahil hindi ako mapakali kaya napahinto ako sa paglalakad at bumalik sa kinaroroonan ni Dave. Sinipa ko ito. Nakakainis kasi! Ang lakas mang-asar! Umagang-umaga. Napipikon tuloy ako. "Kenjie, 'di makasagot! Alam na!" sigaw ni Dave. Patuloy lang ako sa paglalakad na kunwaring walang naririnig. Ako? Crush ang babaeng iyon? Kadiri kaya. Masama mang hilingin, pero sana madapa silang dalawa. "Ouch," inis kong sabi nang madapa ako. Ang bilis naman bumalik ng karma. Kainis! SANDRA VILLA AMOR Nanira na naman ng araw itong hinayupak na Kenjie na ito. Hindi ba kumpleto ang araw niya na hindi ako aawayin? At mabuti na lang talaga na nadapa siya. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. Digital na nga si karma! Deserved mo iyon Kenjie Del Pilar. Napahampas naman ako kay Dave nang muli niyang tinutukso ako sa best friend niyang halimaw. Ewan ko ba rito? Parang timang. "Tumahimik ka nga Dave, never akong magugustuhan ni Kenjie at sobrang imposible talaga ang mga sinasabi mo kasi ang init kaya ng dugo niyon sa akin. Para bang kinamumuhian niya ang kaluluwa ko," sabi ko. "No, Sandra. Trust me. Kilala ko si Ken. Ganoon iyon sa mga babaeng gusto niya lalo na sa first love niya," paliwanag nito. "Hindi nga?" Napa-isip naman ako kung sino iyong first love ni Kenjie? Si Kathrina kaya? Hinampas ko naman ang noo ko dahil bakit ko iniisip iyon na wala naman dapat akong pakialam sa Kenjie na iyon, hindi ba? Ano ba nangyayari sa akin? Nababaliw na yata talaga ako. "Dave, mauna na ako papunta sa classroom. Bye," sabi ko. "Okay, Sandra. Mag-ingat ka. Magkita na lang tayo mamaya." "Sige, paalam." Dumating na ako sa classroom and as expected, nakaabang na naman ang bruhang si Kathrina. Hindi pa rin pala talaga napapagod sa pakikipag-away sa akin kahit palagi naman sanang talo. "Sandra, Sandra, Sandra ang babaeng ipukrita. Kahapon lang si Kenjie 'tapos ngayon naman si Dave? Iyong totoo? Ahas ka ba o linta?" "Teme ne Kathrina wele nemen akong keselenen sa 'ye," pagpapabebe ko. "Ano!? Sagot! Ahas ka ba o linta? Buw*sit!" sigaw nito. Ang sakit sa tenga ng boses niya. "Honestly, I like the choices but if I have given a chance to choose, I'll go for linta..." Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. "Kasi kakapit ako sa kanila at sisipsipin ko ang mga dugo nila." Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Are you satisfied with my answer? O nakulangan ka pa? Sabihin mo ng madagdagan ko? Hindi naman ako maramot lalo na sa babaeng nasa harapan ko na ang utak ay nilulumot." Napa-upo na lang ulit si Kathrina sa upuan niya. As always, palaging talo. Hindi pa nadadala. Pero hayaan na natin. Kaya ko naman siyang labanan. Ako pa? ••• Break time na kaya pumunta ako sa garden ng campus para makapagpahinga. Doon kasi ang favorite place ko sa school dahil peaceful at mahangin. Pagdating ko roon, may bigla akong narinig na isang magandang boses. Kumanta ito ng Sorry ni Justine Bieber. "Yeah, Is it too late now to say sorry, cause I'm, missing just your body, is it too late now to say sorry, yeah I know that I let you down is it too late I'm sorry now." Napangiti naman ako habang pinapakinggan ang boses na alam kong malapit lang dito. Sino kaya iyon? Sinundan ko na kung saan galing ang boses dahil nagagandahan talaga ako, pero nang makita ko kung sino ito, napa nga-nga ako dahil hindi ako makapaniwala na siya iyon. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD