LAHAT AY MAY HANGGANAN...
Darating talaga sa buhay ng tao ang makaramdam ng pagod. Ang iba, gusto ng takasan ang katotohanan na dumurog sa kanilang katauhan. Pero may iba-iba silang paraan kung paano nila ito malagpasan.
Katulad ni Sandra Villa Amor, isang pulang lipstick ang kanyang nakitang paraan para matakpan ang totoong siya; na isang babaeng mahina at hindi marunong lumaban kaya inabuso ang kanyang kabaitan.
Naniniwala siya na kapag naglagay siya nito ay magmumukha na siyang matapang at wala ng sino man ang p'wedeng mang-apak sa kanya nang ganun-ganon lang. Sobrang napagod na siyang pagkaisahan, paglaruan, at ginagawang pulutan para pagtawanan.
Pero ang katanungan? Matatakpan ba ng pulang lipstick ang totoong siya? O wala pa rin itong epekto sa mundong mapanghusga?
Abangan ang kwento ni Sandra kung paano niya lalanguyin ang agos ng buhay.
•••
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.