NIKKO MONTE CLAIRE Matapos kong pagsabihan si Maricar ay hinabol ko si Sandra. Nagbabakasakali lang ako na maabutan ko pa siya. Matagal din ako naghanap kasi kaagad siyang nawala. Nilibot ko pa ang buong campus, pero wala na talaga siya. Hanggang sa napagdesiyunan kong lumabas ng gate baka nandoon siya at hindi nga ako nagkamali, nakita ko siyang umiiyak sa may kalsada. Nilapitan ko siya roon at inabot ang panyo ko sa kanya. "Sana sa pagkakataong ito, 'di mo na ako itataboy palayo. Hindi man tayo magkaibigan, pero nandito ako para damayan ka. Alam kong masakit iyang pinagdadaanan mo," sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin na para bang papatayin niya ako kaya nakaramdam ako ng takot. Iba talaga ang babaeng ito. Halimaw. Titig pa lang, patay ka na. "Hoy! Ba't ganyan ka tumingin!?" sabi