MARIA CASSANDRA DEL MUNDO Pauwi na kami ni Dave at nasa kalagitnaan na kami ng biyahe. Habang nagmamaneho siya, hindi ko mapigilang mapatitig at mag-aalala sa kanya. Makikita kasi sa mukha niya na ang lalim ng iniisip. At alam ko kung ano ang dahilan nito, apektado siya sa hiwalayan nina Kenjie at Sandra. Sobrang malapit kasi siya sa dalawa. Ako nga na si Sandra lang ang kaibigan ay malaki na ang epekto sa akin. Paano na lang kaya si Dave? Na best friend niya ang dalawa. Sana naman magkabalikan ang dalawang iyon. Bumuntonghininga na lang ako. Si Maricar dapat ang sisihin dito. Siya naman talaga ang puno't dulo nito at walang ng iba pa. Naalala ko tuloy iyong reaksiyon niya nang malamang kami na ni Dave. Magaling talaga mang-inis! Ang bitter lang sa buhay! "Cass, bakit ba naghiwalay sin