KENJIE DEL PILAR
Nakatatawa talaga iyong babae na iyon. Parang ewan, pero ano kaya ang pangalan niyon? Matanong nga bukas kina Dave at Steve baka kilala nila. Ang pula pa talaga ng labi, na para bang isang pokpok sa lansangan na mahina ang benta. Pero maganda naman sana, kaso parang walang dignidad, iyong tipong babae na walang respeto sa sarili. Bayaran kung baga? Matawagan nga ang kaibigan kong si Dave.
"Hello?" bungad ko nang sinagot na nito ang tawag ko.
"Bakit, Ken?"
"Sabay tayo papasok sa school bukas."
"Wow! Himala, ah? Nagyaya ang baliw. Ano ang nakain mo, Ken?"
"Basta may sasabihin ako sa inyo ni Steve at may itatanong na rin. Bukas na lang matutulog na ako. Goodnight!"
"Ang weird mo, pero okay! Good night sana bangungutin ka ng 'di ka na magising."
"Sige-sige, pero sana ikaw rin."
Matulog na nga. Ano ba 'yan! Bakit ngumingiti ako mag-isa rito? Nababaliw na ba ako? Kainis!
•••
Pagkagising ko, agad kong binilisan ang pagligo kasi sigurado akong papunta na rin iyon sila Dave rito. May kumatok na sa pinto at alam kong si Manang 'yon kaya inunahan ko na siya.
"Okay po, bababa na ako. Pakisabi na lang po. Salamat."
Tumingin muna ako sa salamin bago lalabas dito sa kuwarto. Napangiwi naman ako nang nakalimutan ko palang ayusin ang buhok ko. Ulyanin na yata ako. Pagkatapos kong mag-ayos, dumiretso na ako sa baba.
"Good morning!" pagbati ko sa kanila. Trip ko lang.
"Ang ganda ng umaga mo Ken, ha? May nililigawan na ba?" tanong ni Steve.
"Bawal na bang ngumiti? Tara na nga!" inis kong sagot. Kung ano na lang kasi ang sinasabi.
"Ken, ano ba ang sasabihin mo? Curious lang ako. Pakiramdam ko, may nililihim ka sa amin," sabi ni Dave.
"G*go! May itatanong lang ako sa inyo. Kilala niyo ba iyong pula masyado ang labi sa school?"
Napatawa ako ng tinanong iyon. Naalala ko kasi iyong babaeng 'yon. Iyong mga expressions niya sa mukha kapag nagagalit. Ang panget.
"Iyon lang pala. Si Sandra Villa Amor iyon, top student sa batch natin at magkaklase sila ng babaeng pinaglaruan mo, iyong ex mong si Kathrina? Hmm? Ba't mo natanong? Gusto mo? Crush mo? Aminin? I saw your smile. That's smile, nakita ko lang iyon noong kayo pa ni..."
Hindi ko na ito pinatapos magsalita. "Baliw ka!? Ilang beses ko bang ulit-ulitin na hindi ko 'yon ex si Kathrina?! Kadiri kayo."
"Crush mo si Sandra, Ken? Ayiehhhh," panunukso nito.
"Yuck! Never! Pokpok kaya 'yon."
Sumabat si Steve sa usapan. "We? Aminin mo na, Ken? She's perfect. Beauty and brain. I know her, magaan ang loob ko sa kanya. Mabait 'yon, nakikita ko. Grabe ka naman makapanghusga sa kanya. Hmmm? It seems you are interested to her. Aren't you?"
"Kaya nga," pagsang-ayon ni Dave.
"F*ck you all."
"Aminin mo na kaya. Lalaki sa lalaki. Tama si Steve, mabait 'yon. Nakikita ko rin at nararamdaman. Hindi mo pa pala siya kilala? Running for summa c*m laude 'yon. Ang talino niyon."
"Hindi nga? Tara na nga! Kainis kayo," sabi ko.
Mabuti pang 'di ko na lang inaya ang dalawang kumag na ito kasi sinira lang nila ang maganda ko sanang araw sa panunukso sa babaeng pokpok na Sandra ang pangalan. How they compliment towards that girl parang mga stalker lang. Honestly, bago ko lang talaga siya nakita at wala akong alam tungkol sa babaeng iyon. Basta ang sigurado ako, malandi siya! Nararamdaman ko.
SANDRA VILLA AMOR
Lunch break na at nandito ako sa bench habang 'di maalis sa isipan ko ang nangyari kahapon. Ang bastos ng Kenjie na iyon. Ano kaya ang ibig sabihin ng kapol? Humanda talaga siya sa akin.
Sa mga oras na ito, nagbabasa na ako ng libro dahil may exam pala kami bukas. Napahinto naman ako nang may biglang tumabi sa akin.
"Ms. Kapol?" sambit ng lalaki.
Pagtingin ko, si Kenjie, kaya mas lalong uminit ang ulo ko kasi sigurado akong aasarin lang ako nito dahil ganoong klase siyang tao.
"Umalis ka nga!" sigaw ko.
"Bakit? Ikaw nagmamay-ari ng Madrid?" tanong nito.
"Hindi!" sagot ko habang inirapan siya.
"Hindi naman pala. Motel tayo mamaya? Payag ka? S*x tayo! For fun? 'Di ba iyon ang gusto mo? K****tan?"
"Ano'ng akala mo sa akin?!" singhal ko. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
Tumatawa ito habang umiiling. "Tinatanong mo pa?! Patawa ka? Ganito lang naman ka simple ang sagot ko, makinig ka. Bayaran, pokpok, bugaw. Hmm, ano pa ba? May kulang pa ba? Sa pula ng labi mo, para kang kung sinong 'di malandi riyan at kung umarte ka naman, akala mo kung sinong birhen. Ilan na ba ang lalaking natikman mo at pang ilan ako kung papayag ka sa alok ko?"
"Tapos ka na? Shall I go?"
Pagtayo ko, napatakbo ako papuntang banyo. Hindi ko naman mapigilang mapa-iyak. Ang sakit pala masabihan ng malandi ng isang lalaki. Tumingin ako sa salamin sabay sabing 'kaya ko ito'. Pinilit kong ngumiti kahit sobrang sakit. Kung alam niya lang ang totoong rason kung bakit ko pinipilit maglagay ng pulang lipstick sa labi ko. Napaka-judgemental niyang tao. Mukha lang ang maganda sa kanya, pero ang ugali niya, sobrang sama. Nang natapos na akong mag-emote, lumabas na ako sa banyo at dumiretso na sa classroom. Pagdating ko, agad akong sinugod ni Kathrina.
"Hoy! Bakit ka nakikipag-usap sa Kenjie ko sa may bench kanina!? Kitang-kita ng dalawang mata ko ang panglalandi mo!" sigaw nito. Makikita mo ang galit sa mga mata niya.
"Ano ngayon?" pagmamaldita ko. Tinaasan ko ito ng kilay habang tinititigan siya.
"Ex ko siya s***h naging kami! We had past!" sigaw niya at kitang-kita mo sa kanyang mga mata ang galit na nararamdaman sa akin. OA.
"Ex? Iyong pinaglumaan, pinagpalit at pinagsawaan? In short, basura? Iyon ba ang definition ng ex, Kathrina? At. Iyon. Ka?"
Sinampal ako nito. "Hayop kang pobre ka! Hindi kayo bagay at remember this, wala kang karapatan na pagsabihan ako ng mga maduduming salita na iyon."
Inhale, exhale. Nagbilang muna ako ng limang segundo at gagayahin ko iyong ginawa ni Monica kay Nicole sa The Legal Wife na one of my favorite lines so far in the Philippine History.
Sinampal ko rin ito nang mas malakas sa ginawa niya. "Walang sa 'yo, Kathrina!" Sinampal ko itong muli, pero this time, aamit naman ang kaliwang kamay ko. "Akin lang si Kenjie! Akin siya! Akin siya! Akin lang siya!" Sinampal ko siyang muli, pero this time ay kanan na naman. "Past ka lang, present ako!"
"WHATTTTTT?!!" sigaw nina Kathrina at Sabrina.
"Joke! Uto-uto?" sagot ko.
Bigla ba namang may tumawag sa akin. Paglingon ko, si DAVE MONTE CLAIRE.
"Bakit?" taas kilay kong tanong dito.
"Pinatawag ka raw ng puso ko," sagot nito habang ang kamay niya ay nasa dibdib.
"Wow, ha? May puso pala ang mayabang na katulad mong walang mata!?"
"Syempree, kahit ganito ako kaguwapong nilalang, may puso pa rin ito, noh? Pero 'wag kang mag assume na iibig to sa iyo. Pero anong walang mata? Chinito ang tawag dito. Grabe ito," anito. Napakamot pa ito sa kanyang ulo. Ang isip-bata.
"Yuck! Kapal mo!" Lalabas na muna ako ng classroom. "Huwag ka ngang humarang sa pintuan, tabi! Dadaan ako."
Paglabas ko ng pinto, tumayo lahat ng balahibo ko dahil hinawakan niya ang bewang ko.
"Sexy mo pala, Sandra," bulong niya.
"Bastos! Bitawan mo 'ko!" sigaw ko.
Pinilit kung tanggalin ang mga kamay niya na nakahawak sa bewang ko, pero ang lakas niya, 'di ko kaya. Nag-isip ako ng dapat gawin para matanggal ang mga kamay nito sa mga bewang ko.
"Sige, 'pag 'di mo tanggalin iyang mga kamay mo, hahalikan talaga kita!" pananakot ko.
"Sounds good. Subukan mo," pagbulong nito. Hilig niya ba talaga ang mangbulong? Tsk!
Wala na talaga akong choice kung hindi gawin iyon kaya kinapalan ko na ang mukha ko at humarap sa kanya at hinalikan ito sa labi. Nabitawan na niya ako kaya napangiti ako.
"Pasalamat ka Dave Monte Claire. Ikaw ang second kiss ko next to my mother's dede!"
Natulala siya kaya tumakbo na ako dahil sa kahihiyan ng ginawa ko. Wala na kasi talaga akong choice kaya nagawa ko iyon.
Anyway, si DAVE MONTE CLAIRE ay ang pinakag'wapong chinito na nag-aaral sa unibersidad na pinapasukan ko. Basketball player at 3 pointer ng team. Mayaman, pero nuknukan sa yabang. Kung umasta parang kung sino. Pareho lang naman sana kaming tao.
~~~