KABANATA 1

2184 Words
SANDRA VILLA AMOR Nang natapos akong maligo, agad akong nagmamadaling magbihis ng aking uniporme. Pagkatapos, dumiretso na sa harap ng salamin para maglagay ng kolorete sa mukha. Hindi ko rin puwedeng kalimutan ang red lipstick na parte na ng buhay ko. Pero pagtingin ko sa lalagyan, nanlaki ang mga mata ko nang nawala ito. "Maaaaaaaaaaa!" sigaw ko. Napatakbo si Mama papunta rito sa kuwarto. Makikita mo sa mga mata niya ang labis na pag-aalala. Ina nga siya na sobrang mahal ang anak niya. "Where's my red lipstick?" palungkot kong tanong. Hindi ko kaya na mawala ito sa buhay ko. "Akala ko kung ano na! Ang landi mo talagang bata ka!" inis na sagot ni Mama. "Magli-lipstick lang? Malandi agad? Grabe ka rin Ma, ah. Judgemental nito. Tsk!" "Ewan ko sa 'yo! Basta kapag mabuntis kang bata ka, 'wag kang iiyak sa harapan ko at magmamakaawang tanggapin ka. Pakatandaan mo 'yan!" pagpapaalala nito. "Ma, paalala lang, ha? Magli-lipstick lang po ako, pagbubuntis agad ang nasa isip mo. Advance rin mag-isip. Oh, siya? Asan na po iyong lipstick ko?" "Nasa drawer. Basta tandaan mo 'yong paalala ko." "Mama, tandaan mo rin itong sasabihin ko, walang mabubuntis 'pag ginalingan," sabi ko sabay kindat. Inaasar ko lang ito. Natutuwa kasi akong inaasar siya. Nakahiligan ko lang. "Poong Maykapal, nawa'y 'di ka magsawang gabayan ang malandi kong anak," ani Mama. Tumayo na ako at niyakap ito. "Biro lang, Ma. Syempree, 'yong paalala mo, nasa isip at puso ko na iyon, 'di ko isusuko ng basta-basta itong bataan ko, noh? Ito kaya ang tanging ginto ko, pero kung 'di ko man matupad ang pangako ko. Sorry. Tao lang ako, babae lang akong marunong bumikaka." Hinampas ang likuran ko nito. "Ewan ko sa 'yong bata ka! Sige na, bilisan mo na riyan. Mag-agahan ka pa sa baba. Nagluto ako ng paborito mo." "Okay po, Ma. I love you. Susunod lang ako. Magpapaganda na muna ako. Para saan pa at mana ako sa iyo." Napailing-iling na lang si Mama habang nagsimula nang humakbang palabas ng kuwarto. Minuto ang lumipas, tapos na akong maglagay ng kolorete sa mukha at dumiretso na sa baba para mag-agahan. Nang natapos, umalis na ako para pumunta ng school. Ayaw kong mahuli kaya kailangan kong magmadali. Nag-aaral ako ngayon sa isang pampribadong unibersidad, nakatanggap kasi ako ng full scholarship noong high school. Sa awa ng Diyos, nakapagtapos ako ng valedictorian. Ako kasi iyong taong ginagawa ang lahat matupad lang ang minimithi sa buhay. Sa totoo lang, hindi kami mayaman at tama lang ang kita ni Papa sa pang araw-araw namin. At kaya ako nagsusumikap sa pag-aaral ay para makabawi ako sa kanila sa hinaharap. Maibigay ko sa kanila lahat ng wants at needs nila sa buhay. Minuto ang lumipas, dumating na ako sa school at agad kong kinuha ang salamin sa bag para tingnan ang mga mata ko. Natatakot kasi ako na magkalat ang eye liner na inilagay ko. Pagtingin ko sa mukha ko, tama nga 'ko kaya dumiretso na muna ako sa banyo para mag-retouch. KENJIE DEL PILAR "Kainis naman, oh! B*wesit!" sigaw ko sa inis habang nagpipigil sa aking ihi. Sa minamalas nga naman! P'wede naman sanang sa bahay, 'di ba? Bakit ngayon pa talaga na nandito na ako sa paaralan. Napatakbo ako dahil hindi kunti na lang, sasabog na. Napahinto ako sa pagtakbo nang mahagilap ng aking mga mata ang banyo ng mga babae. Nagdalawang-isip naman akong pumasok dahil sa mga babae iyon, pero wala akong choice kaya pumasok na lang ako at daliang inilabas ang alaga ko. Laking gulat ko naman nang may sumigaw dahil nang pagkatumba ko. Sino ba ang 'di matatakot doon? Kahit guwapo ako, aaminin kong matatakutin ako. "Manyak!" sigaw ng isang babaeng mukhang pokpok. "Ano ba! Ginulat mo 'ko!? B*wesit!" sigaw ko rito. "Wow lang, ha? Inihian mo ako, 'tapos ikaw pa ang may ganang magalit diyan? Hindi ba uso ang sorry sa village niyo?!" pagmamaldita ng babae sa akin. Hindi ba siya na intimidate sa kaguwapuhan ko? "Hell no! You will never ever hear me sorry! Pakatandaan mo 'yan!" sagot ko rito. Nagmamatigas ako dahil ang guwapo ko. Tinitigan ko ito nang masama kasi naiinis talaga ako sa pagmumukha niya. Bigla ba naman itong tumawa nang sobrang lakas kaya napa-isip ako kung bakit? Tinuro niya ako habang wala pa rin tigil sa katatawa. Nababaliw na yata? Kainis! "Hoy! Baliw ka ba? Ano ang tinuturo mo!?" takang tanong ko. Napayuko at napatingin ako sa alaga ko, hindi ko pa pala isinara ang pantalon ko. Tumayo ako at daliang isinara ito. "Kababaeng tao, manyak! Gusto mo rin naman na nakita ito, noh!?" pasigaw kong tanong. Tinaasan niya ako ng kilay. "Excuse me? Kusang nakita lang 'yan ng mga mata ko. Ku-sa! Gets? At matanong lang, bakit ka ba umaarte na ikaw ang biktima? Eh, ako lang naman 'yong binasa ng mapanghe mong ihi!? B'wesit! At isa pa, bakit ka ba sa girls room umihi?! Girl ka ba? 'Di ka ba marunong magbasa? Sabibin mo ng maturuan kita. Magsimula tayo sa A, Ba, Ka, Da. Ano!? Sagot!" "Shut up!" sigaw ko sa sobrang inis. Ang lakas ng loob niyang maliitin ako. "Shut up ka rin!" Kinabig ako nito para dumaan. "Tabi! Dadaan ang Diyosa," aniya. D-diyosa? Wow na lang. "Manyak!" sigaw ko. Binulungan ba naman ako nito. "Bye, Boy Liit. May sasabihin ako, guwapo mo sana kaso ang liit, I mean sobrang liit. Oops! 'Wag na mag react sa fact. Nakamamatay 'ya." Lumabas na ito at rinig na rinig ko pa rin ang pagtawa niya. Humanda talaga iyon sa akin. Maliit daw? Hindi kaya! Wagas din makapanira. Nakalulungkot isipin na nakita niya ang alaga ko. Dapat sa babaeng mapapangasawa ko lang ito. Nahalayan tuloy ako nang wala sa oras. At ang hindi ko matanggap na sa babae pang iyon. Siya pa talaga iyong matapang! Dapat nga mahiya iyon o kiligin man lang. Sobrang sikat ko kaya rito sa school. And I am sure, kilala niya ako. Tapos nakita pa niya iyong ano ko. Dapat makaramdam iyon nang labis na saya, 'di ba? Pero hindi. Nagtapang-tapangan pa! Akala mo naman kung sino. Hays! Wag ko na muna iyon isipin iyon. Hindi ito nangyari, walang ganitong nangyari. Erase. Erase. Erase. Pero paano kung ipagkalat niya? Na nakita niya ang alaga ko? Paano kung i-describe niya sa mga kaklase niya? Kung ano ang laki, kulay, at porma. Baka pagpapantasyahan na naman ako ng mga babae at bading. Dapat kasi sa boys room na lang ako umihi. Kasalanan ko rin ito. Pero huli na ang lahat. Wala na akong ibang magagawa kung hindi ang mapabuntong hininga na lang. SANDRA VILLA AMOR Nagpunas na ako sa kabilang banyo at nagbihis, mabuti na lang may ekstrang damit akong dala at hindi nabasa itong palda at panty ko. Thank you lord! You're still great in every minute, I salute you. Napanganga ako nang maramdamang basa pala ang bra ko. Patay?! Paano ito? Ano ang gagawin ko? Tiningnan ko ang boobs ko at sabay hawak na rin. Laking ngiti ko nang napagtantong hindi naman pala masyadong malaki. Ang ginawa ko, mermaid style na lang ang buhok ko para hindi mahalata, pero in all fairness, mabigat siya 'pag walang bra. In every move kasi, yumuyugyog kaya dahan-dahan na lang ako sa paggalaw. Nasa classroom na ako then as expected wala pa ang professor namin. Umidlip muna ako sa arm chair para makapagpahinga. Nang bigla kong maalala si KENJIE DEL PILAR. Wala akong iba nagawa kung hindi ang mapangiti. Actually, kilala ko pala siya kasi heartthrob siya rito sa university namin at kilala rin ang pamilya niya dahil sa kanilang yaman. Their family own a resort in palawan even in Boracay at mga hotel din all over the cities here in the Philippines, I would say, I'm not a stalker, sadyang alam ko lang talaga dahil siya ang bukambibig ng buong campus. To be honest, kinilig ako sa nangyari kanina, sobrang g'wapo naman kasi, suplado nga lang, demonyo rather. Minuto ang lumipas, dumating na ang professor namin at nagsimula na agad ang klase. "Ms. Villa Amor?" pagtawag ni Prof.. "Prof.? Who's Villa Amor you calling? The cheaper one or the princess with a royal blood who is standing in front of you with a beautiful smile?" pagmamalditang tanong ni Kathrina sa professor namin at 'di man lang nagawang rumespeto. Ano ba aasahan ko sa babaeng iyon? Dapat nga masanay na ako dahil ganoon siyang klaseng tao. Ang taas ng tingin sa sarili. Tumawa silang lahat. Napataas ang kilay ako. Hindi ako magpapatalo sa kanya dahil wala 'yan sa vocabulary ko. Yes, I may be poor, but I promised myself that I will never be a loser. No one can bring me down here in this school. "Prof.? Sino po iyong Villa Amor ang tinutukoy niyo? Itong maganda at sa hindi nagmamayabang na matalino na nasa harapan niyo o iyong Villa Amor na tres lahat ang grado? Oops. May dos din pala, ang eksaherada ko. My bad," sabi ko. Nagtawanan ang lahat kaya sinuway kami ng professor. Agad naman kami nagsitigil dahil baka kami pa ang bigyan ng tres. Iyong sumabat pala kanina ay si Kathrina Villa Amor, ex girlfriend ni Kenjie. Iyon ang sinabi niya. Pero never ko pa silang nagkita na nagsama nito. Baka gawa-gawa lang din niya. Marami kasing nabaliw sa kagwapuhan ng demonyong Kenjie na iyon. Si Kathrina Villa Amor ay isang mayaman, maganda, at seksing babae, pero sobrang sama ng ugali. She hates me kasi pareho raw kami ng apelyido. Ang babaw, 'di ba? Nahihiya raw siya kasi kami lang daw ang Villa Amor na mahirap. At kasalanan ko ba iyon? 'Di bale ng mahirap basta nagsusumikap. KATHRINA VILLA AMOR Nilabas ko iyong inis ko kay Sandra. I really hate that girl. She's so stupid. Kasing kapal ng pulang lipstick sa labi niya ang mukha niya. Ang mas lalong kinaiinisan ko ay sobrang hindi niya deserve mag-aral dito. She's poor and nothing. Yes, she's smart, but still, she doesn't deserve here. Gagawa talaga ako ng paraan para mapatalsik 'yan dito. At this moment, I can't help myself just to shout, to shout and to shout. "Kath, calm down. Pinagtitinginan tayo, oh?" pagpapa-alala ni Sabrina. "Shut up! Humanda talaga iyon sa akin! Pahihiyain ko talaga 'yon! Hindi man sa ngayon, maaaring bukas! Ako ang bida rito." "Ikaw nga ang napahiya kanina, Kathrina. Wala ka namang laban doon and you already know that at the first place," sabi nito. "Shut up! Gusto mo pa bang mabuhay?!" sigaw ko sa kanya. "Okay." "B*wesit ka talagang babae ka, instead tulungan mo ako sa mga plans ko, pinamumukha mo pa sa akin na talunan ako. W-wait! 'wag ka ng sumagot, you better keep your mouth shut or else, I slap you endlessly until you die!" Isa pa itong Sabrina na ito, 'di man lang ako magawang suportahan. Ang sarap din pag-untugin ng ulo nilang dalawa ni Sandra ng matauhan. May araw ka rin sa akin, Sandra. Just wait, I will make your life here in Madrid University as dirty as you are. Stupid! Poor! Cheap! I hate you! I really do. SANDRA VILLA AMOR Lunch break na at agad akong lumabas para maghanap ng mapaghingaan. Papunta na ako sa garden nang may biglang nakabanggaan kaya natumba kami at nadaganan ako. Dahil natamaan ang dibdib ko ng lalaking hindi ko pa nakita ang mukha. Sinuntok ko ito dahil sa sobrang sakit. Pagtingin ko sa kanyang mukha, si Kenjie. Agad akong napatayo at nag-ayos. "Ikaw na naman?! Kanina ka pa, ha? Don't tell me sinusundan mo ako?" inis niyang sabi. Namumula pa ang mukha niya. Mukhang naiinis talaga siya. Ang kapal, 'di ba? Siya na nga iyong nakabangga. Siya pa ang may ganang magalit. Demonyo talaga. Tsk! Tinaasan ko ito ng kilay. "Wow, ha? Ikaw pa talaga ang may ganang magsabi niyan?! Kanina, baka nakalimutan mo, inihian mo lang naman ako, 'tapos ngayon, binangga mo ako? Ikaw na! Ikaw na talaga ang malas sa buhay ko!" singhal ko. Ang sarap magwala sa sobrang inis ko sa kanya. "Malas bang nakita mo iyong alaga ng crush ng campus?" pagmamayabang nito. Proud pa talaga siya?! Iba rin. Tumawa ako. "Bilib na talaga ako sa kapal mo Kenjie Del Pilar." "Mas makapal 'yang ut*ng mo!" sagot nito. Tinuro niya ito gamit ang nguso niya. Napanganga ako sa sinabi niya kaya tiningnan ko iyong boobs ko at nakakahiya dahil na disarranged pala ang hair ko at wala akong bra na suot ngayon. Pero siya rin naman ang dahilan ng lahat ng ito. Nakahihiya. Nilapitan niya ako at binulungan. "Bra, bra rin 'pag may time, babaeng 'to." Nginitian niya ako nang nakaka-inis. Alam kong ginagalit lang talaga ako nito. "Boy liit!" sigaw ko rito. Napabuntong-hininga na ako dahil sa stress na dulot ng demonyong ito sa akin. "At least may brief at wait lang, hindi ito maliit, sadyang natutulog lang talaga ang alaga ko. Bye, Ms. Kapol." Nakaiinis na Kenjie na iyon! May malas ba na dala iyon sa buhay ko? Bakit pa ba nangyari ang lahat ng ito sa akin? Para tuloy bumalik ang lahat noong nangyayari sa high school. Ang bangungot na ayaw ko nang muling mangyari. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD