PROLOGUE
Simple lang ang pamumuhay namin, nag-aaral nang mabuti kaya naging iskolar sa isang mamahaling akademya.
Ibang-iba ang akademya na 'yon sa pinapasukan ko noon sa elementarya. Kung dati ay masagana, matiwasay, at masaya. Kabaligtaran naman doon; maingay, maraming mapanghusga, walang mga modo, at walang respeto.
Lahat na lang ginagawa nila para madurog ang puso't diwa ko. Lahat ng mga panghuhusga at panlalait, tinanggap ko. Wala akong pagpipilian sa buhay kung hindi ang maging paksa sa tingin nilang biro para sa kanila. Anim na taon din iyon, anim na taon akong nagtiis at lumuluha sa mga pinaggagawa nila.
Pero biglang bukas, nagpagdesisyunan ko ng magbago.
Dahil kailangan.
Sobrang kailangan.
Kailangan na kailangan.
Hindi na puwede!
Pagod na ako!
Pagod na pagod na ako!
At ayaw ko nang maulit ang lahat nang nangyari...
Nasasaktan ako.
Nadudurog nang pinung-pino.
At ayaw ko ng balikan ang madilim na bangungot ng nakaraan.
Buo na ang desisyon ko.
Babaguhin ko ang sarili ko para sa ikapayapa ng puso ko. Sa pagkakataong ito, ako na ang maging kalasag sa sarili ko.
Wala ng sino man ang puwedeng umapak sa pagkatao ko.
Pangako.
Kaya nang tumungtong na ako sa kolehiyo, kinalimutan ko na sandali kung ano ako, kung sino ako. Gamit ang isang bagay na p'wedeng takpan ang totoong ako at 'yon ay ang...
'RED LIPSTICK'.
Kaya ito na ako ngayon!
~~~