KENJIE DEL PILAR
Sinadya ko talagang pumunta rito sa bahay nila Sandra para naman makabawi ako sa mga nagawa ko sa kanya. Alam ko kasi kung gaano ko siya nasaktan sa mga pinagsasabi ko. Nakita ko iyon sa mga mata niya. At isa sa mga rason kung bakit nandito ako dahil gusto siyang sunduin para sabay na kaming pumunta ng school. Peace offering ko na rin. Sana makita niya na ginagawa ko ito para sa kanya. Sana.
Sa totoo lang, nakakatuwa iyong mommy niya dahil pinipilit talaga ako nitong papasukin kanina. Pero tumanggi ako kasi nahihiya ako. At isa pa, tulog pa si Sandra niyon kaya mas pinili ko na lang na antayin ko muna siyang magising at puntahan ako rito sa labas.
Nang makita kong papalabas na si Sandra, inayos ko na ang sarili ko. Why staring at her, I can't keep my mouth smiling. Lalo na noong papalapit na ito sa kinatatayuan ko. Ang ganda niya.
"Kenjie, bakit ka naparito?" tanong nito habang hindi makatingin sa akin. Mukhang nahihiya sa akin. Maaaring dahil ito sa bra na nakita kong nakasabit sa bintana niya.
"Hindi mo man lang ba ako babatiin? Kahit magandang umaga man lang?" pang-aasar ko rito.
Napakamot ito sa ulo and she looks so cute. "Sorry. Good morning."
"Good morning din, Miss Beautiful," sagot ko.
"Ano ba 'yang pinagsasabi mo," pagrereklamo nito.
Nahihiya yata siyang tawagin sa ganoon. Totoo naman iyong sinabi ko. Maganda siya—mali! I mean, napakaganda niya.
"Totoo naman, ah?" sabi ko.
"Oo na. Maniniwala na lang ako. Oh, ano ba ginagawa mo rito, Kenjie?"
"Ken lang nga, 'di ba? Haist! Nakalimutan mo na agad. Nakakatampo."
Ngumiti ito nang malapad. "Sige, Ken. Oh, bakit ka ba naparito?"
"Sinusundo ka. Sabay na tayo sa school. Gusto ko ikaw makasama," pag-amin ko sa kanya.
"H-Huh? Bakit naman?"
Napangiti ako kasi namumula iyong mukha niya. "Peace offering ko sa 'yo."
"Napatawad na naman kita, Ken. Sapat na iyong sorry mo."
"Salamat talaga, Sandra. Pero let me do this, please?" hiling ko.
"Sige, pero 'di pa ako nakaligo. Makakapaghintay ka ba?"
"Oo naman. Bakit naman hindi. Kahit gaano pa 'yan katagal. Hihintayin kita..."
"Baliw! Sige, maligo na muna ako."
Aalis na sana ito, "W-Wait. Hindi mo ba ako papapasukin?" tanong ko.
Napatawa ito. "Ay, tama pala. Pumasok ka muna. Sorry."
"Iyon. Thank you."
Pumasok na kami sa bahay nila Sandra at pinaupo niya muna ako sa kanilang sofa. Habang naliligo pa siya, nagkukuwentuhan naman kami ng ina niya at tawa lang ako nang tawa kasi ang saya niyang kausap. At aaminin kong sobrang gaan ng loob ko sa kanya na para bang matagal na kaming magkakakilala.
"Hijoh, 'wag mo mamasamain ang itatanong ko. Babae kasi iyong anak ko kaya gusto kong alamin kung sino iyong mga taong kinakasama niya. Hmm, sino ka nga ulit? Saang pamilya ka galing," wika ni Tita.
"Iyan lang naman pala, Tita. Ako po pala si Kenjie Del Pilar, pero you can call me Ken. 18 years old na po ako. Anak po ako nina Kris at Dante ng Del Pilar Hotel," sabi ko.
"Diyos ko! Ang yaman mo pa lang bata ka. Bakit ka ba napadpad dito? Baka magkasakit ka," pag-aalala ni Tita. Makikita sa mga mata niya ang pagkagulat.
"Grabe ka naman po, Tita. Hindi naman."
"Baka madumihan ka sa sofa namin," pag-alala nito. Pinagpag pa niya ang sofa.
"Hindi naman po. Ang linis nga ng bahay niyo. Ang bango pa," pag-amin ko. Iginiya ko ang tingin sa paligid at tiningnan ang daming medalya na nakasabit sa dingding.
Patuloy pa rin kami sa pagkukuwentuhan ng ina ni Sandra. Sa kunting oras na magka-usap kami, nakikita ko na ang kabutihan nito.
SANDRA VILLA AMOR
Nang matapos akong maligo, nagdalawang isip ako na lumabas ng banyo. Nandoon kasi si Ken sa sala at nahihiya akong makita niyang makatuwalya lang ako. Inilabas ko muna ang ulo ko sa pinto ng banyo. Nang magtama ang mga mata namin ni Ken, sinenyasan ko siya na tumalikod. Naintindihan naman niya ang gusto kong ipahiwatig at masaya ako roon. Hindi ako nahirapan na sabihin verbally na naiilang akong makita niya.
Pero kawawa naman si Ken sa sala. Siya na lang pala mag-isa. Sigurado akong nagluluto na si Mama. Wala na tuloy itong nakakausap.
Lumabas na ako sa banyo nang biglang tinawag ni Mama si Ken kaya napalingon ito. Kaagad naman namula ang mga pisngi ko nang magtama ang mga mata namin ni Ken.
Tinakpan ko ang sarili ko ng kamay at tiningnan ko si Mama. "Ano ka ba, Ma! Bakit mo tinawag si Ken! Iyan tuloy nakita niya ako!" pagrereklamo ko.
"Ang oa mo, Nak. Hindi ka naman naghubad. Nakatuwalya ka, oh?" sagot naman ni Mama.
"Kahit na. Nahihiya ako," sabi ko.
"Baka crush mo siya kaya nahihiya ka?" pang-aasar naman ni Mama. Para talaga itong bata kung makapanukso.
Tiningnan ako ni Ken at nginitian. Nginitian ko rin siya at kaagad na tumakbo papunta sa itaas. Pagdating ko sa kuwarto, tumalon-talon ako sa sobrang kilig. Ang gwapo niya talaga. Sarap niya maging bebe. Hinampas ko naman ang noo ko nang mapansin ang kinikilos ko. Dapat maging pormal pa rin ako. Babae ako.
Bumangon na ako at nagmadaling nagbihis. Nasa labas pa naman si Kenjie at naghihintay sa akin. Nang matapos ako, kaagad na akong bumaba.
"Tara na Ken. Sorry kung natagalan ako," sabi ko nang nasa harapan niya na ako.
Napangiti ito. "Okay lang... Hindi naman, ah."
"Sandra, kumain na muna kayo," sabi ni Mama.
Tiningnan ko ito. "Diet ako, Ma, baka masira ang figure ko."
"Si Kenjie, baka nagugutom 'yan..."
"Okay lang po, Tita. Kumain na po ako," sabi ni Ken.
"Kayo bahala... Sandra, nakalimutan mong mag-toothbrush. Mahiya ka naman kay Kenjie."
"Mama naman, e! Pinapahiya mo ako. Tapos na kaya akong magsipilyo sa banyo," sabi ko.
"Kenjie, hijoh. Dahan-dahan sa pagmamaneho. Ingatan mo ang anak ko," halubilin ni Mama kay Ken.
"Makakaasa po, Tita. Iingatan ko po ang anak niyo. Sige na po Tita, mauna na kami," sagot ni Kenjie.
Hindi ko naman mapigilang mapangiti habang naririnig na ginagalang niya si Mama. Gumagamit siya ng salitang 'po' sa tuwing sumasagot. Napaka-rare lang na makakita ng katulad niya sa henerasyong ito.
"Salamat kung ganoon," nakangiting sagot ni mama.
Minuto ang lumipas, dumating na kami sa school. Magkasabay naman kaming naglalakad ni Kenjie. Sa totoo lang, nakakahiya dahil pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Hindi ako sanay. Ang lalong nagpapa-ilang sa akin. Bitbit niya ang bag ko. Nagpupumilit kasi ito. Kahit ayaw ko, nagmamatigas ito. Sino ba ako para tumanggi sa isang Kenjie?
Habang tahimik na naglalakad, biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko na para bang nakakita ng isang multo. Bigla kasi akong inakbayan ni Ken at lahat ng mga mata ay nakatinhin sa amin.
Sana wala na itong katapusan. Grabe ka, Ken. Tama na! Nakakapatay ka sa kilig. Oxygen is all I need right now. Indeed. Sa totoo lang, sobrang bilis ng t***k ng puso ko na para bang sasabog na. Ang sabi ko sa sarili ko sa mga oras na ito, I can keep secret, but feelings? Ang hirap! Lalo na kapag sa isang KENJIE DEL PILAR.
Inihatid niya ako sa room at pagkatapos binulungan. "Mas maganda ka pa sa umaga, Sandra. Goodbye. Magkita na lang tayo mamaya. Susunduin kita. Pangako ko 'yan."
Natulala ako sa sinabi nito. Grabe ka, Lor—Jesus! Kung kanina, hiniling ko na sana wala na itong katapusan, pero ngayon babawiin ko na iyon kasi hindi na healthy. Kunting-kunti na lang ay sasabog na talaga ang puso ko.
Nang papaalis na siya sa kinatatayuan ko, tiningnan niya muli ako at kinawayan. Nginitian ko ito at kaagad na yumuko. Hindi ko lang kayang makipagtitigan sa kanya.
•••
Lunch break na kaya lumabas na ako ng room. Habang naglalakad ako, may biglang tumakip sa mga mata ko. Sino kaya ito? Napangiti naman ako nang maalala si Dave. Sigurado akong siya ito. Siya lang naman ang nangungulit sa akin nang ganito.
"Dave?" panghuhula ko.
Binitawan na niya ang pagtakip sa akin. Ang galing ko! Mukhang tama talaga ako. Pagharap ko rito, nakasimangot na Kenjie ang nasa harapan ko.
"Si Dave pala ang nasa isip mo. Sige, mauna na lang ako. Hindi mo naman yata ako kailangan. Bakit ko ba ipagsisikan ang sarili ko?" sabi nito.
Umalis na ito...
"Hoy, Kennnnnnnn!" sigaw ko.
Ano kayang nangyari roon? Bumalik naman sa dati. Ewan ko ba sa taong iyon! Nanghuhula lang naman ako. Hindi naman ako si Madam Auring para mahulaan na siya 'yong nagtakip sa mga mata ko. Hindi ko naman alam na pupuntahan niya ako rito. Bumuntonghininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa biglang may biglang tumakip na naman muli sa mga mata ko. Sa pagkakataong ito, napangiti na ako. Siguradong hindi na ako magkakamali rito.
It's Kenjie!
"Ken?" panghuhula ko, pero pagharap ko, si Dave pala.
Napangiti ito. "So, si Ken na pala ang hinahanap mo?"
"Hindi, ah. Ganito kasi iyon, Dave. May tumakip sa mga mata ko kanina. Humula ako kung sino at sabi ko ikaw? Ikaw kasi 'yong pumasok sa isipan ko. Pero pagharap ko, si Ken pala. Kaya ayun, biglaan na lang umalis. Grabe siya..." Napatawa naman bigla ang kausap ko. "Hoy! May nakakatawa ba sa sinabi ko?"
"Sandra, hindi ba obvious?" sagot nito.
"Ang ano?"
"Nagseselos si Ken sa atin."
"Imposible iyon, Dave. Hindi niya naman ako gusto at imposibleng magkakagusto siya sa akin," sabi ko.
"Type ka niyon! Ganoon iyon magselos si Kenjie. Hindi na lang namamansin. Ganito na lang, manuod ka ng practice ko mamaya. May gagawin ako at sabayan mo lang ang trip ko, ah? Bawal killjoy."
"Para saan naman iyon, Dave?" nakakunot-noo kong tanong.
"Para ma-confirm mo na may gusto si Ken sa iyo."
"Nababaliw ka na Dave. Tsk!"
To be continued...