SANDRA VILLA AMOR
HAPON NA AT sinundo ako ni Dave sa classroom namin. Ang sabi niya sa akin, gagawin na raw namin 'yong plano niya. Nagdadalawang-isip naman akong gawin ang gusto niya. Para kasing ang assuming ko kung gawin ko 'yon. Imposible naman kasi na magkagusto si Kenjie sa akin. Walang rason.
"Tara na, Sandra," sabi ni Dave.
"Sure ka ba talaga sa gagawin natin? Baka magmukha akong loka-loka nito. Tsk!" sabi ko.
"Oo naman. Basta sabayan mo lang ako, ah? Trust me with this Sandra," nakangiting sabi nito.
"Haist... Sige na nga."
Nasa badminton court na kami ngayon ni Dave which is Kenjie's territory. Nginitian ako ni Dave bago tinawag si Kenjie. Nagsimula nang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. Sa ngiti pa lang ni Dave, alam mong may gagawin na siyang kababalaghan. Ang tanong, magtatagumpay ba ang pinaplano niya?
"Ken!" si Dave. Lumapit na kami sa kinatatayuan nito. Pinagpawisan na si Kenjie pero nanaig pa rin ang kaguwapuhan nito. "May sasabihin kami sa 'yo ni Sandra."
Tiningnan ako ni Ken, pero wala man lang expression ang mukha niya. "Ano?" Ibinaling niya na ang tingin kay Dave. "Ano, bro?"
"Kami na ni Sandra," nakangiting sabi ni Dave. Magaling din umarte. Walang bahid nang pagpapanggap.
"K," sagot ni Ken.
See? Wala naman. Nagmumukha tuloy akong baliw rito. Sabi ko na nga ba na walang patutunguhan ito.
"Hindi ka ba natutuwa?" tanong ni Dave.
"Natutuwa. Ang saya ko para sa inyong dalawa. Stay strong sa inyo," sagot ni Kenjie.
See? Stay strong daw. Mali talaga si Dave. Bakit ba pumayag pa ako sa plano niya? Tsk!
"Mabuti naman..." Inakbayan naman ako ni Dave. Ano pa kayang balak ng lalaking ito? Halata naman na walang pakialam si Kenjie. "Babe? Panoorin mo ako kung paano ako maglaro sa practice ng basketball, ah? Para maganahan ang babe mo?" sabi pa nito. Parang talaga kaming timang. Tsk!
Ano ang isasagot ko sa sinabi niya? Magmukha na naman akong baliw nito. Wala naman talagang pakialam si Kenjie. Sinenyasan ako ni Dave na sumagot gamit ang mga mata niya.
"Syempree, babe. Ikaw pa! Ikaw kaya ang buhay ko at ako ang buhay mo, 'di ba?" sagot ko.
Ano raw ang sinabi ko? Sh*t! Kumpirmadong baliw na talaga ako sa pagpapanggap na ito.
"Oo, babe. Walang iba kundi ikaw lang," sagot naman ng isang baliw na si Dave.
Sumabat naman si Kenjie. "Alis na nga kayo! Magpra-practice pa ako."
Umalis na kami ni Dave habang hawak-hawak ang kamay ko. Gusto kong kumawala, pero ang higpit nang pagkahawak niya sa kamay ko. Ang sabi niya, mamaya na raw tanggalin hanggang sa dumating na kami sa basketball court. Na katabi lang din sa badminton court.
"Tanggalin mo na nga iyang kamay mo, Dave. Hindi naman nagselos, e! Nagmumukha tuloy tayong baliw nito," sabi ko sa kanya.
Ngumiti ito. "Hindi mo ba nahalata?"
"Nahalata ang ano?" tanong ko.
"Pinaalis niya tayo kasi ayaw niya tayong makita sa harapan niya na naglalambingan," sagot nito. Ano raw?
"Grabe naman ang konklusyon mo, Dave. Pinaalis niya tayo kasi nakakaabala na tayo sa practice niya. Ganoon lang iyon! Ikaw talaga. Assumero ka rin, noh?"
"I know him. Nagseselos 'yon," giit nito na para bang sigurado siya sa sinasabi niya.
"Tsk!" Inirapan ko ito. "Isipin mo na ang gusto mong isipin."
Nagsimula ng mag practice si Dave at pinaupo niya ako sa taas para raw tanaw na tanaw ko kung gaano siya kagaling. Grabe talaga itong hambog na ito. In all fairness ang galing niya! 3 pointe shooter. Kumaway ito sa akin at nawawala na naman ang mga mata niya. Nakangiti kasi ito. Ang cute lang.
Napangiti naman ako nang makita si Ken, paalis na yata ito. Bitbit na niya kasi ang gamit niya. Tinawag ko siya kaya napalingon ito, pero 'di man lang ako pinansin at nagpatuloy lang sa pag-alis.
Wow! Akala ko ba kaibigan na kami? Siya pa ang humiling sa akin ng bagay na iyon! Hindi pa ako ulyanin para malimutan 'yon. Sinundo pa nga niya ako kanina sa bahay tapos ngayon 'di na namamansin? Bipolar ba siya? Ang gwapo mo sana Kenjie, pero panira lang talaga 'yang ugali mong pabago-bago. Tsk!
Tapos na ang practice nila Dave kaya inihatid na ako nito sa bahay.
"Dave, salamat," sabi ko.
"You're always welcome, Sandra."
Aalis na sana ito. "Hmm. Dave? Puwede ko ba hingin no. ni Ken? May itatanong lang kasi ako sa kanya..." Nginitian ako nito and I know nanunukso ito. "Pssst. Mali 'yang iniisip mo, ah! Grabe ka talaga."
"Wala naman akong sinabi, e. Ikaw talaga! Oh, siya? Akin na ang phone mo." Ibinigay ko sa kanya ang phone ko. "Be nice to my best friend, ah?" hiling pa nito.
Ibinalik na niya ito sa akin. "Salamat talaga. Ingat ka sa pag-uwi, Dave."
"Thanks, bye. Enjoy texting with him."
"Oo, na. Sige, bye!"
Umalis na si Dave kaya pumasok na ako sa bahay. Naghapunan na muna ako kasabay ang pamilya ko at pagkatapos, dumiretso na sa itaas para manuod ng On The Wings Of Love ng JaDine. Habang nanunood, nakikita ko si Kenjie sa character ni Clark. Medyo maldito, pero sweet. Speaking of him? Kailangan ko pala siyang i-text para itanong kung bakit siya biglaang nagkaganoon.
[Me: Hi, Ken!]
[Ken: Stranger? Stop texting me.]
[Me: Hoy, sungit! Si Sandra ito. Tsk!]
[Ken: K.]
[Me: K lang?]
[Ken: Sige. OKAY? Happy?]
[Me: Grabe siya, oh? Ano bang nangyari sa iyo? Sabi mo kaibigan na tayo. Ba't ka ganyan?]
[Ken: Hindi ba halata?]
[Me: Halata ang ano?]
[Ken: NAGTATAMPO AKO!]
[Me: Bakit ka naman nagtatampo?]
[Ken: Akala mo si Dave ako.]
[Me: Sorry na. Hays. Matampuhin ka pala?]
[Ken: Oo. Tsk!]
[Me: HHAHAHAH. ANG CUTE MO, KEN.]
[Ken: Oy! Kayo na ba talaga ni Dave?]
[Me: HHAHAHAHAH. Biro lang 'yon.]
[Ken: YES. Sabi ko na nga ba. HAHA]
Hala! Bakit masaya siya na hindi kami ni Dave? Ano ang ibig sabihin nito? Gusto niya kaya talaga ako? Tama kaya si Dave? Hala!? Umandar na naman ang pagka-assumera ko. Tsk!
[Me: HHAHAHAHAHA. Kaibigan lang talaga kami ni Dave at kahit ikaw rin.]
[Ken: Paano kung higit pa sa kaibigan ang turing ko sa iyo? Gusto kong humigit pa roon.]
OMG! Totoo ba ito? I need oxygen! Si Kenjie Del Pilar gusto ako? Nanaginip ba ako? Sinampal ko ang sarili ko. Nang masaktan ako, napasigaw ako sa sobrang saya.
Inhale, Sandra. Pakipot ka muna.
[Me: Huh? Anong ibig mong sabihin?]
[Ken: Gusto kita. Gustung-gusto! At gusto ko ikaw na makilala pa.]
Hindi ko na napigilang nagpagulong-gulong sa kama. Grabe! Hindi ako makapaniwala. Isang Kenjie Del Pilar, gusto ako?
[Me: Hala! Bakit?]
[Ken: Tanungin mo ang puso ko.]
Hindi ko na siya nireplyan sa mga oras na ito kasi hindi ko na talaga alam ang isasagot. Nakakahiya! Bakit ako Kenjie? Binuksan ko ang ilaw at tumingin sa salamin.
Napangiti ako sabay hawak sa mukha ko. "Kaya naman pala nahulog ang isang Kenjie Del Pilar. Maganda naman pala talaga ako. Thank you mama at papa dahil ginalingan niyo ang paggawa sa akin. I love you," sabi ko sa sarili ko. Ang sarap lang sa pakiramdam.
•••
NASA CAMPUS NA ako ngayon at patago-tago. Nahihiya kasi akong makita ni Kenjie. Hanggang ngayon, grabe iyong tama sa akin nang sinabi niyang gusto niya ako. Text siya nang text kanina pang umaga, pero mas pinili kong hindi iyon sagutin. Naiilang kasi talaga ako. Hindi naman sa nag-iinarte, pero shy type lang kasi ako sa ganitong bagay dahil bago to sa akin.
Nasa room na ako ngayon at salamat sa Diyos dahil hindi ako ginulo ng dalawang ulupong. Sa wakas, tahimik ang araw ko. Mas maganda pa rin talaga kapag mapayapa. Sana ganito na lang palagi.
Oras ang lumipas, matapos kong kumain mag-isa sa cafeteria. Dumiretso na ako sa garden. Pero pagdating ko roon, nandoon pala si Kenjie kaya napatakbo ako pabalik. Tinawag niya ako, pero hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pagtakbo. Paglingon ko, hinabol niya pala ako kaya mas binilisan ko ang pagtakbo. Para na akong sira rito, pero kailangan kong gawin ito.
"Espirito ni The Flash! Pumasok ka sa katawan ko! Ngayon na! Lord! Patakbuhin mo ako nang mabilis!" sigaw ko sa isipan.
Dahil sa bilis ng pagtakbo ko, nadapa ako. Napainda naman ako sa sakit ng tuhod ko. Pagtingin ko rito, wala naman pa lang sugat kaya tumigil na ako sa pag-iinarte. Tatayo na sana ako, pero napatigil ako ng may kamay na dumapo sa mga balikat ko. Tinulungan niya akong tumayo kaya tinakpan ko ang mukha ko.
"Ang cute mo sa ginagawa mo ngayon? Hmmm. Bakit 'di mo na ako nireplyan kagabi? Kahit sa pagsagot man lang ng tawag ko," sabi nito.
"Nakakahiya, e. Hindi ko kasi alam ang isasagot sa iyo," sabi ko.
"Ikinahihiya mo ba ako?" palungkot nitong tanong.
Tinanggal ko na ang kamay ko sa pagtakip sa mukha ko. "Hindi naman sa ganoon, pero basta, hindi ko alam ang isasagot sa iyo."
Hinawakan niya ang mukha ko kaya hindi ako makagalaw. Tinitigan niya ako nang napakaseryoso. Habang nagtitigan kami sa isa't isa, hindi ko mapigilang mapalunok ng laway. Ang guwapo niya. Sobra. Ang ganda ng mga mata niya, napakaamo. Ang tangos din ng ilong nito at mapula-pula ang labi. Sa totoo lang, walang mapipintas sa itsura niya.
"Sandra, totoo iyong sinabi ko na gusto kita." Hinaplos niya ang pisngi ko. "Puwede ka bang ligawa?"
Nanlaki ang mga mata ko. Si Kenjie Del Pilar? Liligawan ako? Bumuntonghininga ako at pinigilan ang sarili na sumabog. Kailangan ko munang magpakipot. Hindi puwedeng bibigay ako agad.
"Sandra, puwede ba?" tanong muli ni Ken.
"Syempree naman," mabilisan kong sagot. Napanga-nga ako. Babawiin ko ang sinabi ko. "Ay, hindi pala! Grabe ka, Ken. Agad-agad?"
"Naninigurado lang. Pssst, wala ng bawian, ah? Nasabi mo na, e!" giit nito.
"Pero friend lang muna, Ken, please. Hindi pa ako handa magka-boyfriend..."
Tama 'yang sagot mo, self. Dalagang pilipina mode dapat. Pero kahit 'yong totoo gustong-gusto mo na. Magpipigil dapat muna.
"Handa akong maghintay, Sandra. Months, years kahit gaano pa 'yan katagal. Hihintayin kita."
Napangiti naman ako sa sinabi nito. Ang sweet lang. "Kilalanin mo muna ako Ken at ganoon din ako sa iyo."
"Sapat na ang sinabi ng puso ko Sandra na mahal kita. Ikaw na talaga."
Habang narinig ko ang salitang mahal sa kanya. Napaihi ako nang kunti dahil sa kilig. Iba talaga ang tama niyo sa akin. Hinawakan ko naman ang kamay niya na nasa mukha ko. Ang tanging hiling ko lang, sana mapanindigan niya ang mga salitang binitiwan niya sa akin.
•••
DALAWANG BUWAN ANG lumipas. Patuloy pa rin si Kenjie sa panliligaw sa akin. Sa mga buwan na iyon, lalo ko siyang nakilala. Iba ang totoong siya, sobrang sarap kasama at sobrang bait. He's different from what I expected. Mamayang tanghali, sasagutin ko na siya. Buo na ang desisyon ko. Sapat na ang dalawang buwan niyang panliligaw sa akin. Naiparamdam niya sa akin kung gaano ako kahalaga sa kanya. Nandiyan siya palagi sa tabi ko kung kailangan ko siya. At isa sa pinakanagustuhan ko sa ugali niya ay napakamaalaga niyang tao. Aminado ako sa sarili ko na mahal ko siya.
Lunch break na kaya dumiretso ako sa garden. Alam ko kasing nandoon si Kenjie at hinihintay ako. Pagdating ko roon, matamis niyang ngiti ang sumalubong sa akin.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya...
"Hi," bati ko.
"Sandra, mas gumaganda ka lalo sa tuwing nakikita kita. Iyong gandang sarap mahalin at alagaan..." Mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya. "Ang sweet mo ngayon sa 'kin, ah? Hmm, ano iyong mahalagang sasabihin mo sa akin? Curious na ako."
Bumuwag ako sa pagkayakap. "May babawiin lang ako sa sinabi ko sa iyo noon."
"Huh? Ano?" takang tanong nito. Nagkasalubong pa ang mga kilay nito.
Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Hindi ba sabi ko sa iyo noon? Una, bumerde man ang buwan never akung papatol sa iyo? Talaga namang hindi mangyayari iyon Ken kasi never beberde ang buwan kaya never akong papatol sa iyo. Pangalawa, umulan ng pera? At lalong hindi mangyayari iyon kaya never talaga akong papatol sa iyo. Pero tatlo iyon Ken, 'di ba? Ang panghuli ay magunaw man ang mundo? Oo, posibleng magunaw ang mundo, pero gusto ko kasama kita. . ." Huminga muna ako nang malalim. Hinawakan ko ang mukha niya. "Kenjie Del Pilar, sinasago—"
"Ken?" sambit ng isang babae.
Napabitaw ako kay Ken para tingnan ang tumawag sa kanya. Namukhaan ko ito. Ang babaeng kaibigan nila na nakita ko sa photo album ni Dave. Ibinaling ko na ang tingin kay Ken. Nakatulala ito habang tinitingnan ang babae. Napaatras naman ako nang makitang tumulo ang luha sa mga mata niya na first time kong nakita.
Lumapit sa kinatatayuan namin ang babaeng umiiyak. Niyakap niya si Ken. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Para kasing nawala sa akin ang spotlight. Napa-isip ako kung ano talaga sa buhay ni Ken ang babaeng ito maliban sa isang kaibigan. Pero naliwanagan ako nang marinig sa bibig ng babae ang katagang...
"Mahal pa rin kita, Ken. Sorry kung 'di ako nagpaalam sa iyo, pero nandito na ulit ako. Ken, sorry na talaga kung nasaktan kita. Ang mahalaga ngayon ay nandito na akong muli para sa iyo. Mahal mo pa ba ako, Ken?" Hinawakan niya ang mukha ni Kenjie. "Ken, Ken, Ken, mahal mo pa ba ako?"
~~~