SANDRA VILLA AMOR
Tulog mantika pa rin si Dave hanggang ngayon at nakasandal pa talaga ang ulo nito sa balikat ko. Hinayaan ko lang ito kasi baka pagod na rin dulot ng kanilang practice sa basketball. Habang tumatakbo ang oras at wala akong makakausap, nakaramdam na ako ng pagkabagot. Hindi ko naman puwedeng kausapin si Kenjie dahil ayaw nito sa pagkatao ko. Napilitan na nga lang 'yon na ipasakay ako.
Napangiti naman ako bigla nang nagpatugtog muli ito ng JB songs. Die hard fan yata talaga ni JB ang guwapong demonyo na ito. Paborito ko rin iyon. Pareho pala kami ng gusto.
Habang napapikit ako sa pakikinig ng kanta. Bigla na namang nawala ito kaya napamulat ang aking mga mata. Nanghihinayang lang ako. Iyon na nga lang sana ang nagpapasaya sa akin ngayon kasi wala akong makaka-usap dahil napasarap pa rin sa pagtulog si Dave. 'Tapos, pinatay na naman ng demonyong na nagmamaneho? Grrr!
Iba ka rin talaga, Kenjie. That should be me na sana iyong tugtog. Hindi ka talaga marunong makiramdam sa paligid mo.
"Moody na nga, manhid pa. Tsk!" sabi ko sa isipan.
Ngayon, tiningnan ko na lang ang mga nakikitang establishments sa paligid. Sobrang tahimik pa rin kasi rito sa loob. Walang ni isa ang kumikibo. Sa totoo lang, hindi ako sanay sa ganito.
"Sorry," pagpatay ni Kenjie sa katahimikan. Nanlaki ang mata ko sa narinig. Sa akin ba siya humihingi ng sorry?
Tiningnan ko siya sa rearview mirror.
Dugtong niya, "I'm sorry for being insensitive. Sorry sa mga nasabi ko. Sorry kung ang sama ng ugaling ipinapakita ko sa 'yo, Sandra."
Hindi ko napigilang mapaluha dahil sa narinig ko ang mga salitang 'yon na mula sa bibig niya. Iyon ang salitang gusto kong marinig mula sa kanya at nangyari na. Patuloy sa pag-agos ang luha sa aking mga mata. Sobra kasi talaga akong nasaktan sa mga nasabi niya sa akin. Ihininto niya ang sasakyan at humarap sa akin.
Inabot niya ang kanyang panyo. "'Wag kanang umiyak Sandra, 'di bagay sa 'yo."
"Ikaw kasi, grabe ka kung makapanghusga sa akin. Ang sakit mong magsalita," pag-amin ko. Hindi ko na mapigilang mapahagulgol.
"Sorry patawarin mo na ako. Nagsisisi naman ako roon. At alam kong mali iyong inasal ko sa 'yo. Sorry talaga."
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak dahil sa saya. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam.
"Tahan na, Sandra. Baka sisipunin ka," pagpapaalala nito.
"Ang sama kasi ng ugali mo," sabi ko sa kanya.
Lumabas siya sa sasakyan at kumatok sa gilid kung saan ako nakaupo. Sa tingin ko, gusto niyang buksan ko ito. Binuksan ko na ito. Nang makababa na ako, bigla niya akong niyakap nang sobrang higpit. Natulala ako sa ginawa niya. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Ang isang Kenjie Del Pilar? May ugali pa lang ganito? Marunong din pa lang humingi ng paumanhin.
Yakap-yakap pa rin ako nito at ramdam ko ang pagpapakatotoo niya sa sandaling ito. "Sorry again, Sandra."
Humiwalay ako sa pagyakap at pinunasan ang luha sa mga mata ko, patuloy pa rin kasi ito sa pagtulo. Ginulo naman nito ang buhok ko at nginitian ako.
"Ano?" tanong ko
"Panget mo kasing umiyak," sabi nito.
"Inaaway mo na naman ako, e," sabi niya.
"But this time as a friend na. Puwede ka ba maging kaibigan ko, Sandra?" hiling nito.
Hindi ako nagdalawang-isip na tumango kaya niyakap niya akong muli.
"Thanks, Kenjie. Kahit papano ay gumaan na ang pakiramdam ko," pag-amin ko sa kanya.
"Ken na lang. Kaibigan na naman tayo," hiling nito.
"Okay. Ken?" nakangising sabi ko.
He smiled at me. "Paano 'yan? Pasok na tayong muli sa kotse? Tulog pa rin ang kaibigan natin, oh."
"Kaya nga. Pagod yata sa pagba-basketball."
Nasa loob na kami ng sasakyan at pinaandar niya na itong muli. Tinanong niya ako kung saan ako nakatira kasi nakalimutan niya iyong sinabi ni Dave kanina. Sinabi ko sa kanya kaya nagpaharurot na ito ng takbo. Minuto ang lumipas, nagising na si Dave at ang laki ng ngiti nito.
"Grabe, Ken. Daming sexy girls sa panaginip ko. Sinayawan pa ako tapos sobrang tinigasan ako," pagkuwento ni Dave.
"Pssst. Bibig mo! Nakalimutan mo yata na nandito si Sandra?" pagsuway ni Kenjie rito.
"Ay, tama pala! Sorry, Sandra. Nakakahiya! Malapit na pala tayo, e! Wow! Nag-aalala ka yata kay Sandra, Ken? Himala. Hindi na ba mainit ang ulo mo ngayon? May nangyari ba noong nakatulog ako?" Kinilabit naman ako nito. "Sandra? Meron ba?"
Tumawa si Kenjie at ngitian ko lang naman si Dave kaya lalo tuloy itong na curious. Para siyang bata na nanghuhula sa mga posibleng nangyari kaya nagtawanan na lang kami ni Kenjie.
"Hmm. Mukhang wala kayong balak na sabihin sa akin. Nakakapagtampo!" nakasimangot na sabi ni Dave.
"We're now okay," sabay naming sabi ni Kenjie.
"As in!? Wow! Ang saya ko!" sigaw nito. "Pero paano nangyari 'yon?" tanong nito na may pagtataka sa kanyang mukha.
"Bahala ka ng mamatay sa kaiisip. Basta ang mahalaga ngayon. Okay na kami. At friends na kami. Hindi ba, Sandra?" anang Ken.
Napangiti ako. "Yes."
"Ang sama niyo sa akin! Tsk!"
Dumating na kami sa bahay at nagpaalam na ako sa kanila. Nagpasalamat din ako nang sobra sa paghatid nila.
Nang makaalis na silang dalawa, pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Nang makita ko si Mama na naghahanda ng pagkain, nilapitan ko ito at niyakap.
"Salamat, ma. I love you."
"I love you too. Magbihis ka na sa itaas. Pagkatapos, bumaba ka na rito para kumain."
"Okay po. Bye!"
Tumakbo na ako paakyat sa kuwarto. Pagpasok ko, kaagad akong napatalon sa kama. Napakasaya ko lang sa araw na ito. Napangiti naman ako nang maalala ko ang pagyakap ni Kenjie sa akin. Ang bango niya. Nakakakilig! At iyong paghingi niya ng sorry sa akin, domoble ang kaguwapuhan niya sa paningin ko. Tama nga si Dave, mabait si Kenjie.
Pagkatapos kong magbihis, lumabas na muna ako ng kuwarto at pumunta sa sala para maghapunan. Nagkukuwentuhan kami nila Mama at Papa at tawa lang kami nang tawa. Sinabi naman nila sa akin na natuwa raw sila kaninang umaga nang makita akong hindi naglagay ng kaartehan sa mukha.
Sa totoo lang, wala silang alam na biktima ako ng bullying before in my high school days even up these days. But for now, I am totally okay. Sapat na sa akin na humingi si Kenjie ng sorry at hiniling nito na kung pwede maging magkaibigan kami. Sino ba ako para tumanggi sa kanya? Si Kenjie iyon? Campus crush.
Minuto ang lumipas, bumalik na ako sa kuwarto para matulog kasi maaga pa bukas ang klase.
•••
Kinaumagahan. Nagising ako sa katok ni Mama. Kaagad ko namang binuksan ang pintuan dahil mukhang may mahalagang itong sasabihin sa akin.
"Bakit, Ma?" tanong ko.
Ngumiti ito na para bang kinikilig, curious tuloy ako. Ano kaya ang meron?
"Ma? Ano?" tanong kong muli. Nagtataka na ako sa facial expressiona niya. Hindi naman siya ganyan.
"Hindi mo naman sinabi sa akin na may manliligaw ka na pala. Ang guwapo, Nak, ah? Galing mo talagang pumili!" nakangiting sabi ni Mama.
Manliligaw? Ano kaya ang pinagsasabi ni Mama?
"Ma, hindi kita naiintindihan," sabi ko.
Kinurot nito ang pisngi ko. "Tingnan mo sa bintana at pagkatapos, papasukin mo rito sa loob. Nahihiya kasi sa akin, ayaw pumasok. Oh, siya magluluto muna ako."
Matapos iyon masabi ni Mama. Kaagad akong napatakbo sa bintana para malaman kung sino ang tinutukoy nito. Pagtingin ko, napaupo ako sa sahig at nagtago. At napatakip sa bibig para pigilan ang kilig.
Hala!? Si Kenjie? Ano kaya ang ginagawa niya rito?
"Sandra!" pagtawag nito. Naririnig ko ang boses niya mula rito sa second floor ng bahay. Acually, kahoy ang bahay namin, pero dalawang palapag. Matatawag rin siyang lumang buhay.
"Sandra!" pagtawag nitong muli.
Ano ang gagawin ko? Nahihiya ako sa kanya. Pero mali naman itong ginagawa kong pagtatago. Ang dapat kong gawin ay tanungin ko siya kung ano ang sadya niya sa akin. Bumuntonghininga na ako at tumayo. Kaagad niya naman akong kinawayan. Pagkatapos, humahalakhak ito. Napataas naman ang kilay ko sa inaasta niya lalo na noong may tinuturo siya. Sinundan ko ang kamay niya. Pagtingin ko, parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Ang pulang bra ko pala na nakasabit sa bintana.
Kaagad ko itong kinuha at tinapon sa kama. Nakakahiya. Wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya.
Rest in peace, Sandra.
Puwede ka ng mawala dahil sa kahihiyan.
Pero ano na ang gagawin ko?
Lor—Jesus. Pwede po bang bumalik ang oras? Nang maligpit ko iyong bra na nakasabit sa bintana at hindi niya na ito makita?
Goosebumps!
Bakit ko pa kasi isinabit doon.
Ang tanga mo, Sandra!
~~~