Marco Pov...
Galit na galit akong bumalik sa aking opisina. Madalas na ang kapalpakan na nagaganap sa aking mga planta. Kung hindi pellets na importante ang nawawala basta nalang nasususnog ang mga ready for shipment na cargo! Anu ba talaga ang gusto ng sumasabotahe sa akin!
Hindi ko mapigilan ang hindi magawala at mag amok. Hindi ko na alam kung sino ang aking kalaban. Nakailang lipat ako sa lugar kung saan dadaan ang mga cargo bago ipadala ganun din ang mga inaasahan kong mga kontrabando galing Russia at Italy. Baka makapatay nanaman ako ngayon ng tao. Isa pang kapalpakan at may magbubuwis na ng buhay.
Malalaman ko lang kung sino ang mga sumasabotahe sa negsoyo ko may kakalagyan sila. Walang bata, babae o matanda dito. Pinaghirapan kung maipundar at mapalago ang aming negosyo. Nagsimula ang ganitong problema simula lumipat sa akin ang malalaking ospital at planta sa pagkuha ng mga malalaking makina. Pati sa mall ninanakaw ang mga mamahalin na paninada. It's my mall and I owmed the supermarket, depatment store and toys department. My stepmom suggested the toys and it work. The profit is insane!
Simula inatake kami ng kalaban sa negosyo tatlong taon ang nakakaraan, hindi na ako nagpatumpik - tumpik pa para hindi maghanap ng mga taong pwedeng maging kaagapay namin. Our business are legal, but guns and others are illegal na inaangkat pa namin sa ibang bansa. Hindi biro ang binabayaran namin makapagpuslit ng mga delakalidad na mga armas para may magamit na proteksiyon ang aming pamilya.
Sa huling engkwentro napahamak si daddy na kamuntikan niyang ikinamatay. Namatay na si mama noong high school pa lamang ako at nasa elementarya pa si Martha noon. Noong nagsabi si daddy na mag - aasawang muli hindi na namin siyan pinigilan sa kagustuhan naming maging buhay siyang muli.
Hanggang ngayon na matanda na ako ay hindi pa namin natutukoy kung sino ang tarantadong sumagasa kay mama. Ang insidente sa buhay ko na hindi ko makakalimutan. It was mom's birthday that day pero imbes na kaarawan ang aming i-celebrate ay isang lamay. Back then dad was busy mourning on my mom na katulong nalang umaasikaso sa amin kaya hindi napagtuunan na hanapin ang siraulong driver. Kapag malaman ko kung sino yun sasagasaan ko din na katulad ng ginawa niya kay mama. Ngitngit kong pag aalala sa nakaraan.
"Marco tara muna sa Twilight Kafe. Kailangan mong magpalamig baka kung mapasobra ka sa inis. Hindi pwedeng bubunot ka nanaman ng baril dito! Nasa Maynila ka wala sa Cebu!" Awat ni Levi. Nangangati na nga ang aking kamay na kumalabit ng gatilyo!
Kinuha ko ang mga gamit ko at sinundan agad si Levi. Pagkarating sa Twilight Kafe tamang siksikan lang ng tao, makakahinga pa. Hinayan ko si Levi mag order ng paborito naming kainin dito. I always prefer my coffee black and no sugar! Black para sa mga astig!
"Pare sa tingin ko nasa kompanya mismo ang humuhudas sa'yo!" Panimula niya. Sa tingin ko nga. Sino makakaalam ng galaw at mga kausap ko. Katabi ko lang yan.
"Palagay ko nga. Baguhin natin ang istilo para mahuli natin ang sumasabotahe sa kompanya. Aba hindi lang isang kompanya ngayon ang tinitira niya!" Sagot ko sa kanya na sinang ayunan naman niya.
Kumakalma na ako at tahimik kaming kumakain habang iniisip paano namin huhulihin ang traydor.
Malapit na kami matapos kumain nung mahagip ng mata ko si Layda. Bago ko pa matawag ay nakalapit na siya sa akin. Nagulat si Levi na hindi makaimik.
"Marco the legendary business tyrant. What are you doing here at this hour?" Bulalas niya. Tumawa ako ng mapakla.
"What do you think Layda? Alangan namang bumibili ng grocery! This is our favorite place to hang out!" Sagot ko sakanya. Tumawa din siya. Sanay na siya sa pagiging sarkastik ko sumagot.
"Really? Oo nga naman! Baliw ka pa rin talaga akala ko nakalimutan mo na maging baliw paminsan minsan. Anyway, Bakit ngayon lang kita nakita dito. We used to hang out here also." Kanyang gulat na sagot.
"Baka magkaibang araw at oras. Anyway meet my best friend Levi." Pagpapakilala ko kay Levi. Namula ang mukha ni Levi na sinamaan ako ng tingin. Napahalakhak ako sa kanyang warning sa akin! Matagal ng may gusto si Levi kay Layda pero hindi siya napapansin ni Layda.
"Oh! H-Hi!" Nagulat na sambit ni Layda. Ako naman ang napakunot noo. Lumunok muna si Levi bago siya binati at iniabot ang kanyang kamay.
"Hi Layda. Nice meeting you!" Malalim na sagot ni Levi. Biglang nanahimik ang kapaligiran na parang kami lang ang tao, saktong dating pa ng isang tao na hindi ko gustong makita.
"Doktora Layda!" Pagtawag nung nurse kay Layda. Napalingon si Layda saktong binitawan ang kamy ni Levi. Naglakad sila palapit sa amin. Ako naman ngayon ang hindi mapakali sa aking upuan. Gusto ko ng tumayo at lumabas ng restaurant! Sa dami ng tao na pwedeng makita ko ang arroganteng baabe pa na ito!
"Kayla! Kumain na ba kayo. Join my table. I am alone actually." Sabi ni Layda sa kanila.
"Sige po doktora. Kakarating lang namin. Isinama ko na nga pala si doktora Sab, hindi pa kasi kumakain yan!" Sagot naman nung nurse.
"Good! By the way. Ipapakilala ko muna kayo sa kaibigan ko. Minsan ko lang sila makadaupang palad dito sa Maynila." Alok ni Layda. Bago pa makalapit ang arroganteng babae ay tumayo na ako.
"Nice meeting you Kayla and I'm sorry for being rude. Actually nagmamadali kami ngayon kasi may meeting pa ako in 15 minutes. Thank you for helping me last time." Maagap kong sabad na ikinagulat ni Layda.
"Oh! I'm sorry Marco! Sure! I'll introduce Sabina to you next time. I know you will love her Marco! She's beautiful and a good surgeon!" Paghingi ng paumanhin na turan ni Layda. Tumango lang ako at sinenyasan si Levi to leave. There will be no next time dahil hindi ako interesado sa kanya. Who cares about how beautiful and smart she was! Marami pang magagandang babae na pwede kong patulan not her! Hindi ko na napansin ang naging reaction ni Kayla dahil sa pagmamadali naming umalis.
Nauna akong lumabas sa restaurant habang nagbabayad pa si Levi sa counter. Pati ba naman ang favorite hang out namin andun din siya. Wala na bang lugar na hindi ko makakasalubong ang ingrata na yun! Panira lagi sa araw. Makita ko pa lamang siya ay kumukuko ang dugo ko at bumabalik ang araw na iyon na ayaw ko ng maalala pa! Napakaarogante niya na akala mo siya lang ang tama.
Haaay! Malalim akong napabuntong hininga.
I can't stand in front of this restaurant like a guard kaya naman naglakad na ako pabalik sa aming sasakyan. Baka lumabas pa si aroganteng whatsoever lalo pang mamalasin ang araw ko! Malas na nga magiging super malas pa!