Sabina Pov...
I filed a week vacation para makapagrelaks man lang kaya naman pinili ko ang Cebu sakto at piyesta ngayon dito. Boracay sana pero hindi ko feel ngayon ang maghubad! Nagmamadali akong makaalis muna ng Maynila para makaiwas at makalimutan sandali ang engkwentro namin ni Marco.
Kakarating ko lang dito sa Cebu at pinili ko dito sa Shangri-la Mactan Cebu. I love to watch the beautiful scenery of the ocean when you peek on your window. Masarap at malamig na dampi ng hangin sa iyong pisngi na nakakapagparelaks. The pleasure of the resort is worth every penny you spent! Andito na ang lahat kung relaxation lang naman talaga ang habol. Kapag water sports pwedeng pwede.
Pagkarating ng hapon ay umikot ikot ako sa labas malapit sa dagat. Hinayaan kong humahampas ang malamig na tubig sa aking balat. The sound of splash of the water is like a beautiful music reviving your energy.
Natutuwa akong kumakanta habang naglalakad at bumalik muli. I feel refreshed for the whole afternoon. Pumunta ako sa buko bar to quenched my thirsts. Umupo pa ako ng ilang minuto habang nakatanaw sa labas.
Bumalik ako sa aking kwarto at nagpabook for a spa. Best to end the night!
After my massage yesterday, pakiramdam ko I am really refreshed. Gumising akong kalmado at magaan ang pakiramdam. Binuksan ko ang kurtina para sana sumilip sa labas pero nasorpresa ako na halos tanghali na pala ako nagising dahil sa tirik ng araw na nakakasilaw sa labas.
The ocean is already shining brightly. Muli akong bumagsak na humiga sa kama na masaya. Ito ang tinatawag na bakasyon, wala kang ibang iniisip kundi ang sarili mo lang. Pakiramdam ko pagkatapos ng isnag linggo kung bakasyon ay may magaganap na hindi maganda. Bakit parang inihahanda ko ang aking sarili! Umiiling ako na bumangon muli. Iwinaksi ko sa aking isipan ang aking agam agam. Nagiging paranoid lang ako dahil kay Marco Tolentino!
Umupo ako ng tuwid at bumuntong hininga. Tahimik ang aking kalooban bago ko siya nakilala pero ngayon hindi na ako mapakali. Siya ang dahilan kung bakit ako humingi ng isnag linggo bakasyon. Pakiramdam ko kasi ay naninikip ang aking paghinga na bumibigat ang aking dibdib. Isa siyang tinik na gusto kong mabunot sa aking lalamunan pero paano? I made a terrible mistake when I accused him that day! Sana hindi nalang ako pumasok sa kainan na iyon. Sana dumeretso nalang ako sa ospital at kumain sa canteen. Puro sana na hindi ko na pwedeng ibalik pa!
Lalong sumikip ang aming mundo na mahirap gumalaw ng maayos. Pakiramdam ko maraming mata ang nakatingin sa aking mga galaw. Bakit pa kita nakita Marco Tolentino! Dapat sa Canada nalang ako nanatili. Pagmomokmok kung turan!
Nagbihis ako ng pangyuga at ipinuyod ang aking buhok pataas. Kailangan ko ng distraction at higit sa lahat inner peace. Pagkatapos kong maayos ang aking mat ay nag - meditate muna ako! Gusto kong kalmahin ang sarili ko pero hindi ako makapagconcentrate. Ginugulo talaga ni Marco ang isip ko! Bwisit siya! Marco Tolentino is really my f*cking nightmare!
Dahil hindi ako makapagmeditate ay pinili ko nalang lumabas at maglakad kahit katirikan ng araw. Baka may magawa ang kagat ng sikat ng araw sa aking balat.
Nakakapagod din pala mamasyal sa lugar na ito pero worth it. Mga bagay na nakalimutan kong gawin dahil sa aking trabaho. I love saving people's lives but sometimes we need to freshen up ourselves as well. Ngayon ko nga lang nagawa. Hmn! Seeing Marco has a good benefit though! Nakalabas ako sa aking lungga. Hindi lang naman ako talaga ang doktor sa ospital. Marami rin naman kami actually. Shunga nga lang ako sa pagdeboto ng buhay ko sa ospital at walang oras sa aking sarili. Nakailang palit na ng jowa si Layda pero ako isa pa lamang.
Namiss ko rin ang aking kapatid pero mas mabuti na ako lang muna. Ayaw ko ng gambalahin pa ang nanahimik niyang buhay. Sigurado akong magugustuhan niya ang lugar na ito. Para sakanya beach is his paradise!
Haaay! Malalim kung pagbuntong hininga.
Halos makalahati ko na ang pag iikot sa magandang resoft na ito pero okupado pa rin ni Marco ang utak ko. Hindi pa rin ako makakuha ng peace of mind. Hindi rin ako ginising sa mainit na sikat ng araw. Parang isnag normal lang na sikat ng araw. Anak naman ng tinapa!
Nainis akong naglakad pabalik sa hotel. Dumaan muna ako sa bar para bumili ng buko juice bago hinay hinay na naglalakad pabalik.
Sa kasamaang palad hindi ko sinasadyang mabundol nanaman si Marco na nakasuot lang ng manipis na linen. Oh! Alangan namang tuxedo ang isusuot sa beach Sabina! Ukray ko sa aking utak na sa totoo lang na starstruck sa kanyang kagwapuhan pero siya ay kumukulo ang dugo pagkakita sa akin.
"I'm sorry!" Paghingi ko ng paumanhin. Bigla siyang humalakhak ng malakas.
"Ikaw! Ikaw talaga marunong magsorry? Sa pagkakaalam ko wala yan sa bokabularyo mo. Ang sa'yo ay mamintang at manira ng kapwa." Kanyang malutong na masakit na sambit. What the f*ck did I got into!
"Mister hindi ako Diyos! Tao lang ako na nagkakamali. Humingi ako ng dispensa dahil hindi kita napansin. Pasensya dahil nabuhusan lang naman kita ng buko juice!" Naging sarkastik kong sagot na nakatitig sa kanyang kabuuan.
Namula ang aking mukha at halos lumuwa ang aking mata nung mapadako ang aking makasalanang mata sa pinakagitna ng kanyang hita. Hindi ko aakalain na doon pala naibubos ang juice na dala ko para lumitaw ang kanyang malaking alaga sa manipis niyang kasuutan.
Oh f*ck him for flaunting what he has. Sigurado akong maglalaway ang mga makasalubong niya. Parang modelo lang naman ng brief ang dating niya. Tama na sa pag usyuso Sabina kung mahal mo pa ang buhay mo. Bigla kong kambiyo at siya namang pagbuka ng mapanakit niyang bibig.
"Tapos ka na? Nabusog ka ba sa nakikita mo o kailangan kung maghubad?" Pang aasar niyang saad. Ang kanyang mata ay madilim. Kasing dilim ng langit kapag nagbabadyang umulan ng malakas at may kasamang kulog at kidlat. Nakaramdam ako bigla ng kilabot sa buo kung katawan.
"Hindi! Dahil wala naman akong makita, masyadong pasas para makita ko!" Lakas ng loob kung pagsisinungaling kong saad bago magmamadaling makaalis sa kanyang harapan. Nakakatakot ang kanyang mukha at alaga sa baba. Malamang makamandag kapag natuklaw ako. Mata pa lang niyang kumikinang na kidlat na eh!
Halos kapusin ako ng hininga pagdating ko sa lobby sa kakamadaling makaeskapo sa kanyang mata. Lintik kang herodes ka! Hindi mo ako pwede masindak sindak ng ganito! Wala pang taong nagpagulong sa akin at hindi ikaw ang gusto kong unang magpatumpik tumpik sa akin. Letche ka! Nanggigil kung usal habang nagmamadaling naglalakad papuntang elevator.