Bakit Pa Kita Nakilala

Bakit Pa Kita Nakilala

book_age16+
52
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
heir/heiress
drama
like
intro-logo
Blurb

Paano kung magkakasalubong ang parehas na matapang at walang kinakatakutan? May pag-ibig ba na magaganap o malaking gulo lamang?

Si Marco Tolentino and lalaking magpapatigil sa pagtibok ng puso mo kapag nakita mo siya. Ang gwapo niyang kaanyuhan at magandang katawan ay nakakabaliw at nakakaakit, idagdag mo pang isa siyang bilyonaryo lang naman. Ngunit hindi siya ang lalaking papangarapin mo kung ikaw ay santa o mara clara dahil siya ay ubod ng kasungitan at katapangan sa katawan na matatakot kang makabangga siya o magkamali man lamang. Pero sadya yatang patas ang laban ng Diyos dahil makikilala lang naman niya ang katulad niyang mabagsik na si Dra. Sabina Eduardo na isang heart surgeon.

Makakaangas pa kaya si Marco o parehas silang magiging pipi sa kanilang pagtatagpo? Anu ang kayang gawin ng pag-ibig para mapaamo ang isang mabangis na Leon? Kaya bang hilumin ng isang pag-ibig ang pusong sugatan at naging bato na? Hanggang saan titigil ang puso para magtiwalang muli?

Tunghayan ang kanilang kwento dito sa: Bakit Pa Kita Nakilala

chap-preview
Free preview
The Encounter
Marco Pov... Nakakapagod bisitahin ang planta at pumunta sa mall para mag inspect. Marami kasing linta na umaaligid para linisisn eh! Haaay! Napabuntong hininga akong pumikit nang biglang kumalam ang aking sikmura. Nakalimutan ko nga palang kumain kanina sa dami ng aking mga ginawa ngayong araw isabay pa ang delivery status na dadalhin sa St. Mateo Hospital na gustong isabay ang bago nilang PO. Sila ang nakakainis na kliyente laging pabago bago ang kanilang desisyon. Akala mo naman sa mall nag oorder ang kanilang ugok na purchasing. Haay naku! Ayaw ko na nga silang isipin baka lalong masira pa ang araw ko at dumilim ang langit. "Levi!" Tawag ko sa aking assitant na maasahan at matalik kong kaibigan. "Hmn Marco." Tipid niyang sagot. "Maghanap ka sa madadaanan natin ng pwedeng makainan. Nagugutom na ako. Hindi pa pala ako kumain eh." Utos ko sa kanya. "Anu! Bakit kasi hindi ka pa sumabay sa akin kanina." Pagrereklamo niya. "Maghanap ka nalang ng matinong makakainan. Nasa city na tayo may mga mall pa jan o restaurant along the way." Reklamo ko rin na sagot. Hindi ko alam na nakatulog na pala ako sa kapaguran. Hindi na ako mapapirmi kasi sa opisina. Daig ko pa ang field work pero masaya naman kaysa si daddy ang gagawa ng mga ito eh, matanda na siya. Hindi ko pa naman maasahan ang nakakabata kong kapatid na lalaki at kakatapos lang mag - aral. "Gising na Marco. May nakita akong sizzling restaurant. Yan lang ang available at hindi masyadong puno." Bulahaw ni Levi. Haaay! "Hmmm!" Tanging sagot ko. Sinamahan na rin ako ni Levi na kumain. Habang naghihintay kami ay biglang natalakid ang serbidora. Natapon sa akin ang juice at nahulog pa ang mainit na mainit na sizzling plate sa braso ko. Kumulo ang dugo ko na nagalit sa katangahan ng kanilang crew. "Anak naman ng!" Napasigaw kong sambit habang iniinda ang sakit sa aking braso. Hindi alam ng crew ang gagawin at biglang dinampot ang mainit na zizzling plate na nakaluhod sa akin na humihingi ng pasensya. Kapag nga naman tinamaan ng katangahan. Mainit basta nalang dinampot! "Sorry po sir!" Umiiyak niyang takot na takot na sambit. "Sorry! Tatanga - tanga ka naman kasi. Hindi lang abala ang ginawa mo. Kung hindi mo kaya dapat hindi ka dito ngatatrabaho!" Galit kung singhal sakanya na siyang naabutan ng isang pakialamera! "Who do you think you are just to scream like that!" Galit na singhal ng isang pakialamera. Lumingon kami sakanya saktong labas ng manager na hindi alam kung sino ang uunahin. Ang customer o ang tatanga niyang crew na napaso din dahil sa paghawak sa mainit na sizzling plate. " Sir pasensya na po kayo. Ako na po bahala sa kanya. Unang araw niya po kasi ngayon." Paghingi ng paumanhin nung manager pero umagaw eksena ulit si gandang pakialamera. "Naku Mr. huwag magpapadala sa mga ganitong uri ng customer. Bakit kayo hihingi ng pasensya! Siya dapat ang humingi ng pasensya at sinigawan ang inyong empleyado kahit na nakaluhod na humihingi ng tawad at may paso pa." Muli niyang birada. "Ah miss, hindi po-" Sabi ng manager pero muli niyang pinutol ang sasabihin nito. "Dalhin niyo na po sa malapit na ospital o klinika ang empleyado niyo and let this arrogant guy say sorry!" Muli niyang pag eksena na ikinainit ng aking ulo. Umiling ang crew at gustong magsalita pero ang arroganteng babae ay patuloy ang pagkuda ng pagkuda. Tumayo ako at sinenyasan si Levi. Mahapdi na ang aking braso at paniguradong magtatagal ito dahil nagkalapnos na. "Levi pay them!" Utos ko sa kanya at nagmartsang lumabas. Hinabol ako ng aroganteng babae at sinigawan. Tinawag ng kung anu anung salita. Bastos, walang modo, walang kwenta ang pinag - aralan dahil sa gaspang daw ng ugali ko, at kung anu pa! Humabol din ang manager pero hindi na rin pinansin ni Levi. Kailangan kung makaalis dito dahil kung hindi mapapatulan ko ang arroganteng babaemg yun. May kakalagyan din siya! Gutom na ako tapos sizzling pa lalong nakakainis maghintay at nakakaubos ng pasensya. Tapos hindi kapa kumakain nadisgrasya ka pa! Hindi pa doon natatapos may freebie pa! Bwisit! Kahit kumakalam ang aking sikmura ay umalis na kami. Dinala ako ni Levi sa isang malapit na private hospital. Dumeretso ako agad sa emergency room. May lumapit naman agad sa akin na nurse. Iniregister ni Levi ang information ko habang inaasikaso na ako ng nurse. Kakatapos palang niyang ma - inspect ang paso ko nung may dumating at kanyang masayang binati. "Magandang hapon po doktora. May pasyente po tayo na napaso. Medyo nagkatubig na po at lapnos na eh." Kanyang sabi habang sinisimulan na langgasan. "Nasaan? Patingin!" Kanyang sagot. Kumunot noo akong napalingon sa pamilyar na boses. "You!" Gulat niyang pagbulalas. "Miss! Finish this because I need to leave now! Baka mapagbintangan pa ako na inaaggrabyado ka nanaman o baka naman may magsabing kinuha ko kasi ang mainit na sizzling plate at idinikit ko sa aking braso para magkalapnos lang naman ng ganito kalalim." Seryoso kung sabi sa nurse. Napanganga na nakatingin sa akin ang nurse saktong dating ni Levi. " Po! E-Eh sir!" Gulat na sagot naman ng nurse. Dahil kung hindi ka bobo maiintindihan mo na walang tanga na gusto masugatan ng ganito! "Miss nagmamadali po kami. Anu ang kailangan namin for his treatment?" Malumanay na tanong ni Levi na hindi rin pinansin ang arroganteng babae na isa palang doktor. Gusto sana magsalita ng arroganteng babae pero muling nagsalita si Levi to interrupt her dahil alam ni Levi na konti nalang ang natitirang pasensya ko para hindi sumabog. Kung hindi lang siya babae, isang bala na ang tumanim sa kanyang noo. "Are you done giving him first aid?" Muling tanong ni Levi. Nalilito ang nurse na nakatingin sa amin pati sa arroganteng babae. "Hindi pa po sir. Kailangan po ka-" Pinutol ko ang sasabihin. "Find another doctor miss kung talagang kailangan ng doktor. This is a damn f*cking big hospital to rely to just one arrogant doctor!" Sabad ko sakanya dahil sagad na ako. Lumaki ang kanyang mata na naginginig sa takot. Wala akong balak sindakin siya pero konti nalang pipihitin ko na ang aking baril. Aangal din sana ang arroganteng babae na umuusok na ang kanyang ilong nung biglang may nagpage yata sa kanya dahil napatakbo siya paalis sa kanyang kinakatayuan. Walang nagawa ang nurse kundi tumawag ng ibang doktor. Pagkatapos malapatan ng lunas ang aking malalim na paso ay agad kaming umalis. Ayaw kong makitang muli ang pagmumukha ng arroganteng babae baka mabura ko siya sa mundo. Kapag minamalas ka nga naman! Bwisit naman talaga! Buti nalang may nadaanan kaming Starbucks along the way. Inutusan ko si Levi na mag drive - thru ng pwede kong makain baka lalong mag alburoto ang bulkan pagdating sa opisina. Badshot na ang araw na ito sa akin at madali akong magalit. Isipin ko palang ang babae na iyon ay kumukulo na ang aking dugo!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
196.2K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
87.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
147.9K
bc

His Obsession

read
95.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook