Sabina Pov...
On the way na ako sa ospital nung makakita ako ng aksidente sa daan. Bilang isang doktor, tumigil ako at tumulong para makapagbigay ng first aid man lamang. Halos inabot na ako ng tanghali. Nakaramdam ako ng gutom kaya naman ako tumigil sa isang sizzling plate though hindi siya appropriate sa gutom na gutom na katulad ko. Nakakakainit kasi agad ng ulo. Sizzling ay hindi madaling iserve na pagkain pero wala kong choice ito lang restaurant sa tabi ng kalsada.
Tumawag muna ako sa ospital na hapon na makakarating dahil sa aksidente sa daan. Inform ko na rin sila na for sure may mga dadalhin doon na mga pasyente lalo sa mga sugatan at dislocated arms and legs. Nakakaloka kasi ang mga motorista na aangas - angas sa kalsada pero palpak naman pala. Disgrasya tuloy ang inaabot. Kawawa ang mga damay.
Mainit na ang ulo ko at gutom pagkapasok ko sa restaurant kaya lalong umapoy ang inis ko pagkakita sa crew na inaalila ng isang customer. Yung paso sa kanyang kamay ay magiging laptos kapag hindi naagapan. Hindi ko naman alam na nadisgrasya pala ang customer. Sa waitress lang kasi nakatuon ang aking pansin at nakaluhod sa kanyang harapan. Kahit sino ang unang iisipin ay inaalila siya.
I want to offer help and sorry pero kumulo ang dugo pagkakita sa akin. Talagang bargaduhan na ang sagot kahit yung kasama niya para lang akong isang hangin sa tabi na hindi nakikita. He was there sitting listening and didn't bother to talk. Hoy! Sabina binigyan mo ba sila ng pagkakataon na magsalita! Katos ko sa aking sarili.
I admit it was my mistake. The biggest mistake I ever made in my life! Can he not give me a chance to say sorry? Bago pa ako makapagsalitang muli ay kailangan ako sa operating room. I have no choice but to leave them against my will.
Pagkatapos ng operation ay agad akong bumalik sa emergency room pero hindi ko na sila nakita pa. Hinanap ko agad si Kyla ang nurse na umasikaso sakanila at aking matalik na kaibigan.
"Kyla!" Tawag ko sakanya pagkakita ko sa kanya papunta sa canteen.
"Doktora Sabina." Kanyang gulat gulatan na sambit.
"Pasensya ka na kanina! Kailangan ako sa OR." Paghingi ko ng paumanhin.
"Naku okay lang yun Sabina. Mas importante naman sa OR kaysa kanina!" Kanyang sagot.
"Anyway where are they?" Tanong ko sa kanya.
"Sino? Ah! Yung dalawa na ipinaglihi sa kagwapuhan at kasungitan!" Kanyang sagot. Sumimangot akong nagtaas ng kilay sakanyang sagot. Hayan nanaman siya sa gwapo. Niloko na siya lahat ng gwapo niyang boyfriend. Gwapo pa rin ang nakikita!
"Shut up Kayla!" Sita ko sakanya.
"Bakit Sab, hindi ka ba nagugwapuhan lalo na yung pasyente. Naku inipit ko nga lang ang hita ko kanina baka kasi malaglag panty ko sa harapan niya. Diyos ko!" Kinikilig niyang turan.
"Kayla tama na ang kalandian. Nasaan na sila?" Ulit kong tanong. Siya naman ngayon ang nagtaas ng kilay.
"Huwag mo ng tanungin kung nasaan kasi daig pa ang may kalaban na parating na gusto nilang matapos agad." Nakanguso niyang sagot.
"Ha! Bakit naman?" Makulit ko pa na pagtatanong.
"Seryoso ka! Sabina hindi ko alam kung anu ang mayroon sa inyong tatlo at parang love triangle lang ang peg eh! Basta ang alam ko lang umuusok ang ilong ni pogi pagkakita sa'yo at gusto maka eskapo agad bago ka bumalik at maghasik ng lagim." Kanyang pang aasar. Nagtanong ka pa kasi. Katos ko naman sa aking sarili. Napaismid nalang ako papunta sa counter para mag - order ng pagkain ko. Ngayon palang yata ako makakain ng maayos ngayong araw.
Malalim akong nag - iisip paano makausap ang lalaking yun. Nagulantang ako sa paghampas ni Kayla sa aming mesa.
"Anu ba Sabina. Sabihin mo kung ayaw mo ako dito ha! Hindi yung hindi mo ako pinapansin. Kanina pa ako nagsasalita dito pero nakatulala ka lang jan. Ayaw sa'yo ni pogi ganun! Kaya huwag kang umasa na may liwanag!" Birada niya. Napanganga ako sa kanyang mga sinabi.
"Hoy Kayla! Anu bang sinasabi mo?" Sita ko sa kanya. Natigilan siyang tumingin sa akin.
"Anu?" Lumaki ang kanyang matang sambit.
"Kayla I'm just in deep thought tapos marami ka ng hanash jan na malupit!" Angal ko sa kanya.
"Sino ba kasi ang iniisip mo sa kanilang dalawa? Sa pagkakaalam ko walang may gusto sa'yo doon dahil umuusok ang ilong nila sayo!" Pagpapamukha niyang turan. Nakatulala akong nakatingin sa kanya bago pa ako sumagot!
"Salamat sa pagpapamukha mo sa akin na hindi niya ako gusto pero may iniisip lang ako ha! Wala sa dalawang hudas ang iniisip ko! Buntis ka ba? Daig mo pa ang naglilihi sa pagtatampo mo!" Sita ko sakanya bago nagmadaling inubos ang aking pagkain. Nagulat din siyang nakatingin sa akin dahil sa biglaan kong pag angal.
Pagkatapos kung kumain ay pumunta ako agad sa information para kunin ang kanyang pangalan. Kasi naman Sabina bawasan ang pagkamainitin ng iyong ulo, buti nalang hindi ka ganyan sa operating room kundi tanggal ang lisensya mo. Nasambit ko sa aking sarili.
"Hi Dra. Sabina!" Bati ng receptionist.
"I need the details nung pasyente kanina na may paso sa braso." Mabilis kung turan.
"Sandali lang po doktora. Ah yung inasikaso kanina ni doktora Layda!" Patanong niyang sagot.
"Anu?" Sa dami ng nag asikaso si Layda pa talaga.
"Opo doktora. Siya po kasi ang available kanina." Napabuntong hininga nalang ako. Saktong dating ng bruha.
"Sabina! I heard you neglegted your duties amd it's unlikely of you." Pang - aasar niyang turan. No one know I am the daughter of the CEO of this hospital. I want it that way for fair treatment and Layda is my competitor in everything. Hindi naman maikakaila na magaling din siyang doktor, may kalandian lang sa sarili. Ginamit ang kagandahan para maglandi.
"Well sa pagkakaalam ko naman hindi. The OR needed me right away and may assistant assisted him already." Banat ko rin na sagot sa kanya. Umismid siyang tumingin sa akin.
"Well as Dra. Sabina says! Sayang ang gwapo pa naman niya. Baka interesado ka here is the deatils and where you can find him." Kanyang mayabang na turan sabay iniwanan ang calling card sa aking harapan. Lumuwa ang aking mata na makita kung sino siya!
"Paksyet!" Nabitawan kung mura na ikinagulat ng nurse sa aking harapan.
"Doktora!" Gulat niyang sambit.
"Sorry don't mind me sweetheart! I have to go!" Nagmamadali kung sambit sabay dampot sa kanyang calling card. Nakatulala ang nurse na sinundan ako ng tingin.
Lumakas ang kabog ng aking dibdib na tumatakbo pabalik sa aking opisina. Nakasalubong ko si Layda pero hindi ko na siya pinansin. Tinawag niya ako pero wala sa kanya ang aking utak! The world is already too small to both of us!
Bakit sa dami ng taong pwedeng makakabangga ko ay siya pa! Why!!