Chapter 5 Hatred

1119 Words
Marco Pov... Nanggigil akong halos gusto kong magkaroon ng pakpak para makalipad at habulin siya para ipamukha sa kanya kung gaano kalaki at nakakatakot ang tinawag niyang pasas! Nakakabuntis at nakakawarak ang pasas ko! Baka nga hindi na siya makahinga pa sa pasas na yan eh! Bwisit kong himutok sa aking sarili. Namumuro na talaga ang babeng yan! Nakakarami na siya! Sa suusunod na makikita ko siya papatikimin ko siya ng hindi niya makakalimutan! Pasas pala ha! Bwisit! Mainit ang ulo kong ngitngit sa aking sarili. Sa galit ko ay nabasag ang hawak kong baso sa mahigpit kong pagkakahawak. Wala pang sinuman ang nakayang banggahin at angasan ako ng ganito. Hindi pwedeng isang katulad niya lang ang magpapababa sa akin ng ganito. Ako si Marco Tolentino na kinakatakutan ng lahat kahit sa lansangan! May kakalagyan talaga ang pagiging arogante niya kaya huwag na huwag siyang magpapakita sa akin. Hindi naman mapigilan ni Levi ang hindi bumisngis sa kanyang narinig. Pigik na pigil ang kanyang pagtawa. Pasas! Sarap sa pandinig. Inulit pa niyang saad na pinipigilan ang huwag humalakhak na nakatingin sa machete ko. "Isa pang ngisi Levi at makakatikim ka ng pasas!" Singhal ko sa kanya. Inubo naman siyang nabulunan sa sinabi ko. Hindi naman kasi siya binabae eh! Lalaking lalaki siya at makamandag din kapag hinamon! "Tang ina mo Marco! Huwag mo akong idamay sa pasas niyong dalawa! Wala akong alam jan pero masarap naman ang pasas. Bakit ba kasi naging pasas yan!" Pinipigilan niyang huwag humalakhak. Sige lang tignan ko kung hanggang saan mo kakayanin ang pagtitimpi. Ang isa pa naming kasama ay namumula na ang mukha sa pagpigil ng kanyang tawa. Nainis akong naglakad papunta sa beach at lumusong. Kailangan kung magpalamig dahil baka ipahanap ko ang hayop na panira sa araw ko at ipakain ko sa kanya ang tinawag niyang pasas! Bakat na kung bakat hanggang tingin lang naman sila at hindi nila yan mahahawakan. Mayabang ko namang saad sa sarili ko. Nagbabad pa ako ng ilang sandali sa tubig hanggang magtakip silim bago umahon pero kung minamalas ka nga naman talaga ay mamalasin ka talaga. Ang babaeng ito ay kakambal talaga ng disgrasya. Bakit pa kita nakita at nakilala! Angil kong sambit. Kakaahon ko lang at naglalakad papunta kina Levi nung umahon siya at maglakad din pabalik sa pampang. Wala siyang ibang suot kundi ang manipis na bathing suit na hakab na hakab lang naman sa kanyang perpektong kurbada. Malusog ang dibdib at bilugin ang pwet na agaw pansin sa kanyang paglakad. Kahit hindi ka nga naman tumingin sa kanya ay mapapalingon ka pero hindi ako! Angil ko sa aking sarili na naiinis pagkakitang muli sa kanya. Sinadya kong banggahin siya habang pinupunasan ko ang aking mukha para magmukhang aksidente talaga na hindi ko siya nakita. "Ay! Lintek na kabayo yan!" Kanyang pagbulalas na usal. Aba't mapapamura ka talaga sa babaeng ito! Kabayo? Hoy! Hindi ako mukhang kabayo! 'Tong gwapong ito magiging kabayo lang! Bwisit siya talaga! "Sorry miss! Akala ko kasi isang pasas sa tabi! Mahirap makita ang pasas sa buhangin!" Sagot ko sa kanyang pagbulalas. Natigilan siya at lumingon sa akin. Talagang ang kanyang mata ay dumadako sa aking alaga bago tumingin sa aking mukha. Nakataas naman ang kilay kong nakatitig sa kanya nung magkasalubong ang aming tingin. Tignan ko lang kung hanggang saan ang kaya ng katapangan mo. Nagulat siyang napabuka ng malaki ang kanyang bibig at lumaki pa ang bilugin niyang mata. Hindi ako nagsayang ng segundo at nilapitan agad siya sabay bumulong. "Masyadong malaki ang buka! Pasas lang naman eh! Unless isang balot ng pasas ang gusto mo!" Bulong ko sa kanya bago umalis at naglakad palapit kina Levi at Sergio na hindi makapaniwala sa aking ginawa. Ang akala nila siguro ay aawayin ko ang babae. Alam kong nakita nila ang ginawa ko. Ayaw ko siyang patulan pero tuwing nakikita ko siya kumukulo ang aking dugo. Kakatapos lang namin kumain ng hapunan at nagkayayaan na magliwaliw sandali nang makatanggap ako ng tawag. Halos ihagis ko ang aking telepono at paliparin ang mesa namin sa galit. Kahit saan nalang ba! Malas yata talaga ang babaeng ito. Walang magandang nangyayari kapag nasa malapit lang siya! Kaninang umaga pa ako nag aalburuto sa inis at ngayon sasabog na ako! Kailangan kung kalabitin ang gatilyo ng aking baril para makahinga ng maluwag. Makakatikim sa akin ang mga nanghuhudas sa kompanya ko! Galit na galit akong lumabas sa isang planta sa Cebu. Napakadami nila pero nalusotan pa rin sila ng kalaban. Maiigting ang bilin kong tignan isa isa ang mga pumapasok. Bwisit na bwisit akong inihagais ang lahat ng laman ng opisina. Ito ang pangalawang pagkakataon na nalusutan nanaman kami pero sisiguraduhin ko sa susunod may kakalagyan ang laging pumasok sa sarili kong planta para magmanman at magnakaw lamang. "Dom!" Malakas kong pagsigaw na tawag. "Boss!" Natatakot niyang sagot. "Bibigyan kita ng isnag pagkakataon para ayusin ang kapalpakan mo. Iharap mo sa akin ang nagnanakaw at nanabotahe dito sa planta o ikaw ang susunod na makakatanggap ng bala nitong baril ko." Madilim ang mukha kong turan sakanya. Bago barilin sa ulo ang pulit - ulit na pumapalpak. Milyon ang nakalaan sa mga for shipment na yun. Umaasa ang aking kliyente na maipapadala na namin pero pumalpak pa dahil kinulang nanaman. Alam ko na ang sunod na gagawin nila susunugin nanaman ang cargo storage or ang planta. Kailangan kong makakahanap ng ibang tauhan na magbantay at maglilipat nagyon din. " Opo boss! "Nanginginig niyang sambit habang nakatingin sa kasamahan niyang nakahandusay sa sahig. " Iligpit niyo na yan ng tahimik. May iba pa bang gustong sumama sa kanya sabihin niyo lang!" Tanong ko sa kanilang lahat. Lahat sila ay mabilis na umiling at lumuhod. "Pagbutihin niyo ang mga trabaho niyo kung gusto niyong humaba pa ang buhay niyo. Tandaan niyo ang paniningil ko ay binubunot lahat ang ugat ng puno na may sala. Naiintindihan niyo ba!" Sigaw ko sa kanilang lahat na gamit ko ang aking baril sa pagduro sa kanila. Kailangan kong triplehin ang pagiging matapang ko para matakot sila. Hindi na pwede ito dahil baka maubos at masira ang pinaghirapan ng magulang ko. "Copy boss!" Sabay sabay nilang sagot na hindi tumitingin sa aking mukha. "Kapag sa susunod ay wala tayong makuhang PO alam niyo na!" Sabi ko sa mga natitirang mapagkakatiwalaan ko. We supply small parts for machines sa mga malalaking kompanya hanggang sa akin na ang pagsusuply ng mga makina. Ito ang una kong inatupag nung pinasa sa akin ni daddy ang negosyo sa akin. Dad supplies hospitals and add some. Natutunan ko sa naging kaibigan ko sa Italy. Halos kanila lahat ang mga negosyo at umuusbong pang mga negosyo and later on I found out he is a Mafia's heir.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD