Chapter 06

2880 Words
Blaire Mackenzie’s POV Gusto kong malaman kung ano ang nangyari pero nahihiya akong magtanong sa kanya. Kaya kahit interesado ako kung ano ba ang pinagmulan, mas pinanatili ko na ‘wag magtanong dahil baka ayaw niya naman na malaman ko. Tsaka kahit hindi niya naman sabihin sa akin, hindi pa rin ako naniniwala sa limang estudyante kanina. “Bawal tumambay rito sa rooftop pero sa tingin ko hindi naman tayo pagagalitan dahil ikaw ang may gusto,” natatawang sambit ko at napalingon kay Douglas na nakatayo sa tabi ko habang nakatukod ang magkabilang siko sa gilid ng rooftop. Napaharap ako sa buong school at sumalubong sa akin ang malakas na hangin dahilan para hanginin ang buhok ko. Kitang-kita ko mula sa rooftop ng engineering building ang buong Stonehill International School. Ang pinakanakakamangha ay ang mga sasakyan na naka-park dahil parang naging laruan na lang sila sa paningin ko. Hindi na namin napuntahan lahat ng building dito. Ang mga bagong building na lang ang inikot namin ni Douglas. Nagyaya na rin siya rito sa rooftop kaya rito kami nagpapalipas ng oras habang ang bodyguard niya naman ay nasa labas lang at hindi na pumasok. “Hindi ka magtatanong?” Napalingon ako kay Douglas na may sigarilyo sa bibig niya at naglabas ng lighter. Sinindihan niya ang sigarilyo niya at hinithit ito tsaka binuga ang usok sa harapan niya. Inipit ko ang buhok ko sa likod ng tenga ko at napapikit ng sumaboy na naman ang malakas na hangin kasama ang usok mula sa sigarilyo ni Douglas. “Ask me.” Napamulat ako ng mga mata, “Ano naman ang itatanong ko?” mahina kong tanong sa kanya. Inilipat niya sa akin ang tingin niya at nagsalubong ang mga mata naming dalawa. Inipit niya sa daliri niya ang sigarilyo niya ng hindi inaalis ang tingin sa akin. “Ask me why I punch those boys.” Akala ko hindi ko na malalaman ang talagang nangyari pero ito siya ngayon at siya pa mismo ang may gusto na magtanong ako. “Bakit mo ginawa ‘yon—” “I saw them looking at your skirt while you were on the floor. They were waiting for your dress to move upward.” Hindi pa ko tapos sa tanong ko pero may sagot na agad siya. “Para silang mga patay gutom na naghihintay sa pagkain nila at ikaw ‘yon.” Inilapit niya ang sigarilyo niya sa labi niya at humithit muli. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya ng ibuga niya ang usok. “Ayokong tinitignan ka ng gano’n.” Seryosong-seryoso siya at parang pinipigilan niya lang ang sarili niya na huwag sumigaw sa harapan ko. “Baka nga maraming beses ng may lalaki na sinisilipan ka pero hindi mo napapansin.” Alam kong nag-aalala lang siya kaya niya nasasabi sa akin ‘to. Pakiramdam ko tuloy nasa harapan ko ang magulang ko at pinapagalitan ako. “Pasensya na, Douglas—” “It’s not your fault,” his voice became gentle. "I can remove them from this school." “Wag!” mabilis kong pigil at nagtaas pa talaga ang boses ko. Paano niya nagagawa na maging magaan ang boses ngayon pero ang laman naman ay nakakatakot. Ayokong may maalis na estudyante rito dahil sa akin. I don't want to feel guilty because of that. Kapag naalis sila sa school na ‘to, maghahanap pa sila ng bagong malilipatan. Sayang naman at baka mahirapan pa silang makapasok sa ibang school. “Douglas, okay lang naman ‘yon—” "No, it's not f*cking okay!" he yelled. I jumped in shock at nanlalaki ang mga mata ko sa kanya. Mukhang nagulat din siya sa naging reaksyon ko. Tinapon niya ang sigarilyo niya at mabilis na tinapakan ng mamahalin niyang sapatos. "I'm sorry," he whispered. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at agad na nagtama ang mga mata namin. I can see the sincerity in his eyes as he says those words. I smiled at him to show that it was okay. "Blaire, how can you smile like that?" he asked softly, moving forward. "Do you know I am just stopping myself from breaking those students' f*cking faces?" And how can he speak so softly when he's saying bad words? He talks like a gentleman, but deep, it is dangerous. Nagulat ako kanina sa pagsigaw niya pero wala pa rin akong naramdaman na kahit na anong takot. Dahil mayroon sa loob ko na nagsasabi na hindi siya gagawa ng hindi maganda sa akin. “I am not Calm, Blaire. But I am f*cking trying to calm myself because I am with you. But if I am not with you, baka hindi lang sapak ang ginawa ko sa mga mukha nila.” “Douglas…” kalmadong sambit ko at kinuha ang kamay niya. Bumaba ang tingin niya sa dalawang kamay ko na nakakapit sa malaki niyang kamay na napakalamig. “Ano bang pwede kong gawin para mapakalma ka? Para mawala na ang galit mo sa kanila…” Pakiramdam ko ay responsibilidad ko kung bakit siya nagagalit ngayon kaya gusto kong ako ang magpakalma sa kanya. “H’wag mo na silang isipin kasi magagalit ka lang lalo,” mababang boses na turan ko. Hindi siya nagsalita at basta na lamang niya kong niyakap kaya nabitawan ko ang kamay niya. Napangiti ako at niyakap din siya pabalik habang hinahaplos ko ang likod niya. "I am calm, Blairey. I am calm now," he said, sniffing my hair while caressing it. Hinayaan ko lang siya at hindi ako kumawala sa mga bisig ni Douglas. Hindi niya rin tinigilan ang pag-amoy sa buhok ko. Ilang minuto kaming nakatayo sa gitna ng rooftop habang nakayakap lang siya sa akin ng biglang may kumatok. Doon na ko napabitaw sa kanya at pinakawalan niya naman ako. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at pinisil ko. “Okay ka na?” nakangiting tanong ko. He nodded his head kaya mas lalo akong napangiti. Hinila ko na siya palapit sa pinto dahil mukhang ang bodyguard niya ‘yon. Binuksan ko ang pinto ng rooftop at sumalubong sa amin ang bodyguard niyang nakatayo sa harapan ng pinto. Bumaba ang tingin niya sa kamay namin na magkahawak. Nahiya ako bigla dahil parang mali na hawakan ko ang kamay ni Douglas. Bibitawan ko na sana ang kamay ni Douglas pero biglang humigpit ang hawak niya sa kamay ko. “Anong kailangan mo, Axel?” tanong niya. Ngayon ko lang din nalaman na Axel pala ang pangalan niya. Hindi ko kasi naririnig na banggitin ang pangalan niya kaya ngayon ko lang nalaman. “Tapos na ‘yong sa limang estudyante, boss. Hinihintay na kayo ni Mrs. Gaffud,” saad ni Axel. Tumango lang sa kanya si Douglas at hinila na niya ko papunta sa elevator. Nakasunod naman agad sa amin si Axel at siya pa mismo ang nagpindot ng elevator button. “Sinong limang estudyante?” tanong ko. “Ayon ba ‘yong kanina?” Lumingon sa akin si Douglas at tumango naman siya. Hindi ko alam kung anong mayroon at bakit sinabi ni Axel na tapos na ‘yong sa limang lalaki. Ano kayang nangyari sa kanila? “Don’t worry, I will not remove them to this school.” Parang nabasa ni Douglas ang nasa isip ko dahil may sagot na agad siya sa akin. Napangiti ako sa kanya at tumango. Tumunog na ang elevator kaya napaharap na ko. Bumukas ang pinto ng lift kaya humakbang papasok si Douglas at kasunod naman ako na hawak niya pa rin ang kamay. At syempre si Axel na lagi kaming pinapauna. “Boss, ipapaalala ko lang na may meeting ka mamayang alas-kwatro sa Wolfgang.” Napatingin ako sa reflection sa salamin kay Axel at nakita ko siyang nakatingin pa sa relo niya. Napatingin din ako sa orasan na nasa pulsuhan ko. Mag-a-alas-tres na. “Anong oras ka aalis?” tanong ko kay Douglas at binaba ang kamay ko. “Baka ma-late ka.” “Don’t worry about me.” Cool talaga siya para sa akin. Sa tingin ko siya ang boss na seryoso at maangas. Ano kaya siya sa loob ng opisina niya? Seryoso pa rin kaya siya? Na-curious tuloy ako bigla. “Saan nga pala ang kumpanya mo?” tanong ko kay Douglas sa harapan ng salamin. Sinalubong niya ang tingin ko and syempre, poker face lang siya. Madalang lang naman siyang ngumiti at kapag ngumingiti na siya, mas napapangiti na lang ako. Ang cute niya kasi kapag sinusubukan niyang ngumiti kahit sobrang tipid lang. “You want to go to my company?” he asked. “Uhm… Hindi naman. Gusto ko lang malaman,” nakangiting sambit ko. “Makati City, Parker Company,” he said. Sa tingin ko ‘yon ang pangalan ng company niya. Lumawak ang ngiti sa labi ko dahil alam ko na kung nasaan ang kumpanya niya. Kahit tipid lang talaga siya magsalita, natutuwa pa rin ako na naririnig siya. “Anong tawag sa’yo sa kumpanya mo?” tanong ko pa. Bumukas ang elevator at sabay kaming lumabas na magkahawak pa rin ang kamay. Wala ang mga estudyante sa hallway dahil mukhang nasa mga klase sila. “Sorry kung ang dami kong tanong,” natatawang sambit ko at inipit ang buhok ko sa likod ng tenga ko. Hindi ko talaga mapigilan magsalita nang magsalita sa tuwing napapalagay na ang loob ko. “President,” he answered. “Oh… President Parker,” nakangiting sambit ko pa habang naglalakad kami palabas ng engineering building. Naramdaman ko na nilingon niya ko kaya napalingon din ako sa kanya. Tumaas ang isang sulok ng labi niya sa akin at muling humarap sa nilalakaran naming dalawa. Paglabas namin ng building, lumapit agad kami sa sasakyan ni Douglas na nasa harapan lang mismo ng engineering. Binuksan ni Douglas ang backseat at tumingin siya sa akin. Sinenyasan niya ko na pumasok na kaya pumasok na ko sa loob. Sumunod naman siya sa pagpasok at sinara niya ang pinto. Si Axel naman ay pumuwesto sa driver’s seat. Malapit lang naman ang building kung nasaan ang dean’s office pero ayaw kasi ni Douglas na maglakad. Naiinitan siya kaya kahit malapit lang naman, nagkotse pa rin kami. “Ano pa lang product ng company mo?” tanong ko kay Douglas. “Gadgets,” he answered and looked at me. “Maganda ‘yon kasi maraming tao ang may gusto ng gadgets at ang iba naman kailangan para sa school o kaya trabaho nila.” Douglas looked at me while listening to all that I said. "Ay oo nga pala," ani ko ng may maalala. "Baka may trabaho pa sa kumpanya mo. Naghahanap kasi ako ng part-time. Lahat naman kaya kong gawin. Pwede mo kong ilagay sa cleaning department kung kulang pa ng taga-linis sa kumpanya mo.” Bumaba ang tingin ko sa kamay niya na kinuha ang kamay ko sa ibabaw ng hita ko. Pinagsiklop niya ang mga kamay naming dalawa at ipinatong niya sa ibabaw ng hita niya. Nagtaas ako ng tingin kay Douglas at nasa akin pa rin ang mga mata niya. “I won't make you clean my company,” he said seriously. "If you want a job, go to my company, and I will give you a job." “Talaga?!” excited na sambit ko. “Sige, pupuntahan kita kapag may extra time ako!” Mabuti na lang talaga nakasama ko si Douglas dahil siya rin pala ang makakatulong sa akin para magkatrabaho ako. “Thank you ta—” “Boss, kanina pa po tayo nandito.” Napatingin ako sa harapan ko dahil nagsalita si Axel. Nakahinto na nga ang sasakyan namin at nasa harapan na kami ng building. “Ay sorry, ang daldal ko kasi,” natatawang sambit ko. Binalik ko ang tingin ko kay Douglas na nakatingin ngayon kay Axel at masamang-masama ang tingin niya. “Uhm, halika na, Douglas,” nahihiya pang anyaya ko sa kanya. Inalis niya ang tingin niya kay Axel at binalik sa akin. Nawala ang kaninang nanlilinsik niyang mga mata at tumango pa siya sa akin. Binuksan ni Douglas ang pinto sa gilid niya at lumabas. Hinawakan niya pa ang pinto ng kotse at inantay akong makalabas. “Okay ka lang ba? Galit ka na naman ba?” mababang boses na tanong ko para hindi marinig ni Axel dahil sa tingin ko kay Axel siya galit. Sinara niya ang pinto ng sasakyan at hinawakan ang kamay ko. Giniya niya ko papasok ng building at nakatitig lang ako sa kanya na diretso ang tingin. “I don't want someone to cut your words when you are talking to me.” “Hayaan mo na si Axel. Baka gusto lang niya na makapunta agad tayo kay Dean para rin makaalis kayo agad kasi ‘di ba may meeting ka pa?” Hindi na siya kumibo pa kaya inalis ko na ang tingin ko sa kanya. Diretso lang ang tingin ko sa nilalakaran namin at ngumingiti sa akin ang mga nakakasalubong kong estudyante kaya ngumingiti rin ako pabalik. Pagdating sa harapan ng dean’s office, huminto ako sa paglalakad at humarap kay Douglas. “Kailangan pa ba ko rito?” tanong ko. Hindi niya sinagot ang tanong ko at basta na lang niya binuksan ang pinto ng dean ng hindi man lang kumakatok. Dinala niya ko papasok ng dean’s office at ako na ang nagsara ng pinto. “Good afternoon, Mr. Parker,” bati ni Mrs. Gaffud na nakatayo pa. “Have a seat.” Itinuro niya ang visitor’s chair sa harapan ng table. Naglakad kami ni Douglas palapit sa visitor’s chair at nakita ko ang dean na dumaan ang mga mata sa magkahawak na kamay namin ni Douglas. Nagulat pa siya sa nakita niya pero agad din siyang nakabawi. "Mr. Parker, I already suspended those five students that your bodyguard reported. Suspended sila for two weeks dahil sa pakikipag-away sa investors ng school." Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi ng dean at napatingin ako kay Douglas na parang wala lang. Sabay kaming naupo sa magkaharap na visitor’s chair at gusto kong magtanong kung bakit niya sinuspendi ang limang estudyante pero sa tingin ko, hindi magandang itanong dito ‘yon. “Pwede ko bang malaman ang dahilan mo, Mr. Parker, kung bakit mo sila gustong ma-suspend kahit na sinasabi ng limang estudyante na ikaw raw ang naunang—” "Did you not check the CCTV camera?" Douglas asked seriously. Napatingin ako kay Mrs. Gaffud at nakita ko ang pagkapahiya sa mukha niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko at pinili na lang na hindi kumibo. “Napanood ko naman, Mr. Parker. Nakita kong tumingin ang limang estudyante kay Ms. Alcantarez at bigla ka na lang… Nagalit.” Halata ang pag-aalangan kay Dean na sabihin ang huling salita pero na sabi niya pa rin naman sa huli. "I will not be mad if they are not bullsh*t looking at Blaire's skirt," Douglas said. "I know, Mr. Parker. Pero may mali rin dito si Ms. Alcantarez dahil nagsuot siya ng skirt kaya expose na expose ang balat niya na naging mainit sa mga mata ng mga lalaking estudyante—” “I’m done with you,” Douglas said coldly. Bigla siyang tumayo at kinuha niya ang kamay ko kaya napatayo na rin ako. Kitang-kita ko sa mukha ni Douglas ang pagpipigil niya sa galit niya. "You don't have the right to blame Blaire. Ms. Alcantarez can wear anything she wants." “I’m sorry, Mr. Parker.” Napatayo bigla si Mrs. Gaffud at kitang-kita ko ang kaba at takot sa mukha niya. “I’m sorry for my words—” “No, I want you to kneel in front of my woman, Gaffud. Kneel." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Douglas. Hindi ko alam kung kanino ba ko titingin. Kung kay Douglas ba na nanlilinsik ang mga mata kay Mrs. Gaffud o kay Mrs. Gaffud na nasa gilid na ng lamesa niya. “I’m sorry, Ms. Alcantarez…” Mrs. Gaffud said. Handa na siyang lumuhod pero binitawan ko ang kamay ni Douglas at pinigilan ko agad si Dean. “Okay lang po. Hindi niyo po kailangan gawin ‘yan,” natatarantang sambit ko. “Okay lang po talaga. Pasensya na rin po. Naiintindihan ko naman po na may kasalanan din ako.” “Blaire.” Napalingon ako kay Douglas na madiin na tinawag ang pangalan ko. Malamig ang tingin na binibigay niya sa akin kaya nalito na naman ako kung sino ang uunahin ko. Kung si Mrs. Gaffud ba o si Douglas na mukhang galit na naman. “Let’s go.” Humakbang siya palapit sa akin at mabilis na kinuha ang kamay ko. Hinila niya ko palabas ng dean’s office. Dire-diretso sa paglalakad sa hallway si Douglas at naririnig ko naman ang mga yapak ng bodyguard niya na nakasunod sa amin. “Douglas, kawawa naman si Mrs. Gaffud. Hindi mo dapat siya—” “You don't have to be guilty of something that you are not wrong, Blaire,” mababang boses na untag niya pero ramdam na ramdam ko ang pagpipigil niya sa galit niya. “Dean siya ng school, Douglas,” kalmadong sambit ko. “Sa tingin ko, hindi naman tama na paluhurin mo siya sa harapan ko—” “You are too kind, Ms. Alcantarez. A person like you can be deceived easily.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD