Chapter 01
Blaire Mackenzie’s POV
“Happy birthday, Aubrey.”
I handed her my gift and kissed her on her cheeks. Aubrey likes to kiss her cheeks every time we see each other. Kaya automatic kong ginagawa ‘yon sa tuwing magkikita kami.
She's been my only best friend since high school. At ngayong college na kaming dalawa, kami pa rin ang magkasama at hindi nakakasawaan sa isa’t isa.
“Bakit ka late, Ms. Blaire Mackenzie Alcantarez?” nakangusong tanong ng kaibigan ko. “Akala ko hindi ka na makakapunta sa birthday ko!” Kumapit siya sa braso ko at giniya ako papunta sa garden ng mansion nila kung saan dinadaos ang party niya.
Marami siyang bisita at halos lahat ay mga ka-school mate namin sa Stonehill International School. Halos lahat ng bisita niya ay sumunod sa theme lalo na ‘yong mga pamilyar ang mga mukha sa akin na nakikita ko sa university.
Y2k ang theme ng birthday party ni Aubrey kaya ang suot niya ay isang pink na jogging pants na low waist at pink na jacket. Ako lang ang hindi sumunod sa theme sa mga ka-schoolmate namin.
Wala na kong time para mag-ayos pa dahil mas inuna ko ang mag-aral para sa quiz namin bukas. Ayoko rin naman palagpasin ang birthday ng kaibigan ko kaya kahit hindi ako nakapaghanda para sa sarili ko, pumunta pa rin ako.
“Sigurado ako na inuna mo na naman ang pag-aaral mo. Minsan lang ang birthday ko,” ani ni Aubrey at napatingin ako sa kanya. Nakita ko pa ang pag-irap niya.
Natawa na lang ako dahil ganyan naman siya palagi kapag inuuna ko ang pag-aaral bago ang ibang bagay. Sanay na rin siya dahil sa tagal namin magkakilala.
“Hindi ka tuloy nakapag-ayos!” asik pa niya. “Gusto mong umakyat muna sa kwarto ko para mag-ayos? May mga y2k outfit pa ko.”
“Huwag na, Aubrey,” putol ko sa kanya at napatingin sa harapan ko.
Nakita ko ang lamesa ng mga kalalakihan na mga naka-formal attire at mukhang galing pang opisina. Nakita ko ang kuya ni Aubrey kaya naisip ko agad na baka mga kaibigan nila ‘to ng kuya niya.
“Okay naman ang suot ko,” ani ko pa. “Sorry kasi hindi ako nakapaghanda sa theme. Busy lang.”
Pero maayos naman ang black satin button down shirt ko na inipit ko sa high waist skinny jeans ko. Habang ang kulot at mahaba kong buhok ay hinayaan ko na lang na lumadlad.
“Aubrey!”
Sabay kaming napatingin ni Aubrey sa tumawag sa kanya at nakita ko ang isa sa mga lalaki sa table ng kuya niya na malawak ang ngiti na nakatingin sa akin.
Si Aubrey ba talaga ang tinawag niya? Bakit kaya sa akin siya nakatingin? May dumi kaya ang mukha ko?
“Halika, ipapakilala kita sa mga kaibigan ni Kuya,” bulong sa akin ni Aubrey at hinila ako palapit sa table ng limang lalaki.
Napakapit na lang ako sa kamay ni Aubrey na nakapulupot sa braso ko at nahihiyang ngumiti nang huminto kami sa harapan ng lamesa nila.
Mukhang mga professional pa silang lahat.
Inipit ko ang buhok ko sa likod ng tenga ko. “Good evening po,” magalang na sambit ko.
“Huwag ka ng mag ‘po’ sa amin.” Napatingin ako sa nagsalita. Siya rin ang tumawag kay Aubrey. “Hindi naman nalalayo ang edad niyo sa amin.”
“Tumigil ka nga, Molina!” sita ni Sawyer. Ang Kuya ni Aubrey. “Sampung taon ang tanda mo sa kanila kaya tumahimik ka.”
Naramdaman ko pa ang pagka-istrikto sa boses ni Sawyer pero pinanatili ko pa rin ang ngiti sa labi ko.
“Ipakilala mo na lang ang kaibigan mo sa amin, Aubrey,” nakangiti pa rin na sambit ni Molina at hindi pinansin ang sinabi ng kaibigan niya.
“Okay!” masayang sambit ni Aubrey. “Everyone, this is my one and only best friend. She is Blaire. Top student namin ‘yan,” may pagmamalaki pang sambit ni Aubrey.
Natawa na lang ako at napatingin sa lalaking katabi ni Sawyer. Nang matagpuan ko ang isang pares ng mga mata na hindi ko na kayang iwasan. His hazel, deep hooded eyes got me. Para kong bigla na lang kinulong sa mga mata niya.
Ngumiti ako sa kanya pero wala man lang kahit na anong emosyon ang mukha niya. Blangko lang habang nakatitig sa akin at ang hirap din basahin ng nakikita ko sa mukha niya na walang emosyon.
Pero gwapo siya. Mukhang siyang foreigner o baka naman foreigner talaga siya.
“Hi Blaire,” natauhan ako bigla nang marinig ko ang boses ni Molina.
Napatingin ako sa kanya at malawak ang ngiti sa labi niya. Kung hindi pa niya ko tatawagin baka hindi ko pa maaalala na may iba pang tao sa harapan ko.
“Hi,” masayang bati ko pabalik.
“I am Nathan Molina. Nice to meet you, Blaire.” Tumayo pa ito mula sa inuupuan niya at nilahad ang kamay niya sa harapan ko.
Tinanggap ko agad ang kamay niya at nakipagkamay. Nakipagkilala rin sa akin ang dalawa pang lalaki na kasama nila at ang hindi na lang ay ang katabi ni Sawyer. Mukhang wala naman siyang interest.
“Asikasuhin mo na ang iba mong bisita, Aubrey,” ani ni Nathan kay Aubrey at inalis ang braso ng kaibigan ko na nakapulupot sa akin. “Dito na lang muna si Blaire. Akong bahala sa kanya,” nakangiti pang sambit niya.
Nakita ko naman ang pag-iling ni Sawyer mula sa gilid ng mga mata ko habang ramdam na ramdam ko ang tingin ng lalaking katabi ni Sawyer na hindi ko kilala kung sino. Pakiramdam ko tumatagos ang bawat pagtitig niya.
“Okay ka lang ba rito, Blaire?” tanong sa akin ni Aubrey.
Ngumiti naman agad ako sa kanya at tumango. Maraming bisita si Aubrey at hindi lang naman ako kaya alam ko na hindi lang dapat ako ang asikasuhin niya.
“Iwan mo na ko rito,” nakangiti pang sambit ko.
Mukhang mababait naman sila lalo na si Nathan. Tsaka close rin naman kami ni Sawyer dahil halos araw-araw ako sa bahay nila. Maliban na lang talaga sa isang lalaki na hindi man lang nagsasalita.
“Sige, babalikan na lang kita,” ani pa niya.
Humalik pa siya sa pisngi ko bago naglakad paalis. Napatingin naman ako kay Nathan na nasa akin ang mga mata at nakangiti pa rin siya.
“Dito ka na maupo,” nakangiting sambit ni Nathan at pinaghila pa ko ng bakanteng upuan sa tabi niya.
Naupo ako sa silya na hinila niya at naupo naman siya sa tabi ko. Sa kabilang gilid ko naman ay si Sawyer at katapat ko lang talga ang isang lalaki na hindi ko pa rin kilala.
“Kumain ka na ba?”
Nalipat ang atensyon ko kay Nathan na masydong maasikaso sa akin. Kaya ngiti rin ako nang ngiti sa kanya. Talagang mabait ang mga kaibigan ng Kuya ni Aubrey.
“Kumain na ko,” sagot ko. “Ikaw? Kumain ka na ba?”
“Ohh…” Nathan gasped.
Napahawak pa siya sa tapat ng dibdib niya habang nakatingin sa akin. Nawala agad ang ngiti sa labi ko at nag-aalala na napahawak sa braso niya.
“Ayos ka lang ba, Nathan? Anong nangyari sa’yo?” alalang-alala na tanong ko.
“Sobrang lambing ng boses mo. Masyado ka pang maganda. Bumibilis ‘yong t***k ng puso ko dahil sa’yo.”
Mahina akong natawa at nawala ang kaba ko dahil nagbibiro lang pala siya. Akala ko may nangyari na.
Pero napatigil din agad ako sa pagtawa nang makita ko na titig na titig si Nathan sa akin habang tumatawa ako.
“Bakit?” nakangiting tanong ko.
“Ang ganda mo talaga. Saang parte ng langit ka ba galing—”
"Can you f**k*ng stop your annoying childishness, Molina?" a hard voice from a man beside Sawyer.
His English accent determined that he was indeed a foreigner. He's like a perfect creature with his diamond-shaped face, and this man in front of me looks elegant. I like how his black hair was perfectly side-parted.
"Oh, you are mad again, Douglas." Nathan laughed na may pang-aasar pa.
His name is so perfect for him. Douglas... A word that is perfect for a serious man like him.
"Stop being a playboy here, Nathan. Don't bother that lady."
Hindi naman ako na bo-bother. Okay lang naman sa akin dahil magaan ang loob ko kay Nathan kahit ngayon ko pa lang siya nakilala.
“Am I bothering you?” nakangiting tanong sa akin ni Nathan.
Ngumiti naman agad ako sa kanya at umiling pa para lang malaman niya na okay na okay lang talaga, “Hindi naman.”
“Oh, see!” proud na sambit ni Nathan at may pagmamalaking tumingin sa kaibigan niyang si Douglas.
Napatingin din ako kay Douglas na seryoso lang ang tingin at hindi na nagsalita. Ibang-iba siya kumpara sa mga kaibigan niya na kasama ko rito sa table.
Hindi ko na naman maalis ang tingin ko sa kanya. Kinuha niya ang wine glass niya at mabilis na nilagok ‘yon. Umalon ang adam’s apple niya at mabilis na binaba ang wine glass. Binitawan niya ang glass at ipinatong ang kamay niya sa ibabaw ng lamesa.
Hindi nakawala sa mga mata ko ang malaki at maugat niyang kamay sa ibabaw ng lamesa.
“She’s too young.” Akala ko hindi na siya magsasalita pero medyo nagulat pa ko dahil nagsalita pa ulit siya. “Huwag mong sabihin na pumapatol ka sa bata?”
Hindi ko na napigilan na manlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Bata? Sa tingin ba niya under age pa lang ako? Tsaka bakit naman ako papatulan ni Nathan? Mukha naman siyang mabait at hindi mananakit kaya alam kong hindi niya ko papatulan.
Napatingin naman ako kay Nathan dahil bigla siyang humalakhak ng malakas sa tabi ko. Naguguluhan na ko sa kanila.
“Excuse me pero hindi na ako bata,” magalang na sambit ko kay Douglas.
Tinignan niya lang ako at walang sinabi na kahit na ano kaya napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at ibinalik ang tingin ko kay Nathan.
“Hindi naman malayo ang edad niya sa’kin, Douglas,” nakangiting sambit ni Nathan. “Pwedeng-pwede.”
Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni Nathan na pwedeng-pwede pero ngumiti na lang ako at tumango sa kanya.
“No,” Douglas said coldly and dangerously.
Kinabahan ako sa boses niya at parang kahit anong oras ay mananakit siya. Dahan-dahan ko siyang nilingon na sana hindi ko na lang pala ginawa dahil kitang-kita ko kung gaano kasama ang tingin niya kay Nathan na parang handa na siyang manapak.
“Oh…” ani ni Nathan na parang nag-aasar pa.
“Manahimik ka na, Nathan,” singit naman ni Sawyer na kanina ay tahimik lang.
Bigla na lang naging seryoso ang lamesa namin. Tumayo pa ang dalawang kaibigan nila kaya kaming apat na lang bigla ang naiwan. Ang awkward at bigla na lang walang nagsalita. Parang gusto ko na lang tuloy umalis sa table na ‘to pero hindi ko alam kung paano.
Napatingin na lang ako sa paligid ko at hinanap ng mga mata ko si Aubrey pero hindi ko na siya makita. Kinakabahan talaga ko at hindi mapakali. Nararamdaman ko ang mga mata na nakatingin sa akin na dahilan kung bakit hindi ako mapakali.
Napalingon ako sa katapat ng silya ko at parang nagkaroon ng sagot ang isip ko. Nasa harapan ko lang ang mga mata na tingin nang tingin sa akin. Hindi niya inalis ang mga mata niya sa akin kahit nakita ko na siya.
“Excuse me,” pagpapaalam ko sa kanila dahil hindi ko na kaya ang mga tingin niya.
Tumayo ako sa inuupuan ko at handa na sanang umalis ng may humawak bigla sa kamay ko. Napatingin ako kay Nathan na nakangiti ng matamis sa akin.
“Saan ka pupunta?” tanong niya pa.
“Sa bathroom lang.”
“Samahan na kita—”
“Ilang beses na siyang nakapunta rito, Nathan. Alam niya kung nasaan ang pupuntahan niya,” matigas na sambit ni Douglas.
Napalunok ako dahil sa nakakatakot niyang boses na punong-puno ng awtoridad. Mas nakakatakot siya kapag nagtatagalog.
Napalingon muli ako sa kanya at nag-iigting ang panga niya.
But why? Wala naman akong ginagawang masama pero parang galit siya sa presensya ko. Parang ayaw ko na tuloy bumalik sa table na ‘to. Baka hindi siya komportable na narito ako.
“Excuse me,” magalang na sambit ko at mabilis na inalis ang kamay ni Nathan sa akin.
Nagmamadaling humakbang ako palayo sa lamesa nila at imbis na pumasok sa loob ng mansion para magbanyo, dumiretso na lang ako sa gilid ng bahay nila Aubrey. Walang tao rito at madilim na rin.
Puro mga halaman lang nila Aubrey ang narito sa gilid kaya sumandal na lang ako sa pader. Tsaka na lang ako lalabas kapag hinanap na ko ni Aubrey. Ayoko naman kasing sumama sa table ng mga kaibigan ni Sawyer kung may isang tao naman doon na hindi komportable sa akin. Nahihiya ako dahil mga bisita pa naman ‘yon ng kuya ni Aubrey.
Napatingin ako sa gilid ko at napatalon sa gulat ng makita ko ang isang lalaki na nakatayo habang naninigarilyo. Madilim at hindi ko maanigan ang mukha niya pero ramdam ko ang kaba sa dibdib ko.
“Hiding?” he asked.
Nakilala ko agad ang boses niya dahil hindi madaling kalimutan ang malamig na boses ni Douglas lalo na’t kanina ko lang ‘yon huling narinig.
“H-Hindi naman.” Napakurot ako sa hita ko dahil sa pagkautal ko.
“Madilim dito, bumalik ka na sa lamesa.,” utos niya na parang isa niya kong utusan.
Akala ko ayaw niyang nasa table nila ko pero pinapabalik niya na ko ngayon. Baka naman mali lang ang pag-iisip ko.
“Salamat pero dito na muna ako,” sagot ko.
Kinakabahan pa rin ako sa presensya niya kaya kahit ngayon hindi rin ako mapakali. May agwat naman kami sa isa’t isa pero pakiramdam ko, sobrang lapit niya lang sa akin at kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, ramdam na ramdam ko ang mga mata niya…
“Sige na, Douglas. Balik ka na sa table. Thank you—”
"Are you scared of me, little girl?"
His voice changes, but it's still deep. Wala na ang kalamigan na mahihimig sa boses niya at parang naging magaan.
“Are you scared?” he asked again.
“N-No…” I lied.
Kahit na kinakabahan ako sa kanya dahil sa mga masasama niyang tingin na nakita ko kanina. Hindi niya naman sa akin binigay ang masasamang tingin na ‘yon pero kinabahan pa rin ako.
“Then, go back to our table. It's dangerous for you.”