Chapter 05

2194 Words
Blaire Mackenzie’s POV “Paano ba nagiging boyfriend ng isang babae ang isang lalaki?” “What?” Tumawa ng malakas si Aubrey dahil sa tanong ko kaya napatingin ako sa paligid namin dahil nakuha niya ang atensyon ng ibang mga tao. Napahawak na lang ako sa ulo ko habang nakapatong ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa. Nasa labas kami ng building namin at tumatambay muna dahil mamaya pa ang next class namin. Hindi pa rin dumadating si Douglas kaya hindi ko rin alam kung anong oras ko siya i-to-tour. Baka busy pa siya sa trabaho niya kaya wala pa siya ngayon. “Ano bang tanong ‘yan?” natatawa pa rin na tanong ni Aubrey sa akin na para bang nagbibiro lang ako. Napakibit balikat ako at napatingin sa kaibigan ko na parang hindi inaasahan na magtatanong ako ng gano’n sa kanya. “Matalino ka, Blaire, pero pagdating sa mga ganitong bagay, mangmang.” Alam ko naman ‘yon dahil hindi pa ko nagkaka-boyfriend kahit kailan. Hindi ko lang talaga makalimutan ang sinabi sa akin ni Douglas. Nang umalis siya kahapon, tsaka lang pumasok sa utak ko ang sinabi niya. Gusto niya na maging boyfriend ko siya kaya naging interesado ako bigla kung paano nga ba nagkaka-boyfriend ang isang tao. “Marami na kong naging boyfriend, Blaire,” ani ni Aubrey. “At marami na rin ang nabugbog ang kuya ko dahil sa pag bo-boyfriend ko. Kung tinatanong mo paano nagkaka-boyfriend, simple lang, gusto niyo ang isa’t isa. Hindi ‘yong gusto na mabait ha. Gustong i-date gano’n. Ah basta! Mahirap ipaliwanag. Bakit mo ba kasi natanong? Akala ko sa pag-aaral ka lang interesado pero pati na rin pala sa pag-bo-boyfriend.” Tama nga ang sinabi ni Douglas. Ang boyfriend ay ‘yong tao na gustong i-date. Lumabas kasama at magsaya. “Akala ko puro aral lang ang alam ng isang Blaire Alcantarez.” Naningkit pa ang mga mata niya sa akin. “Anong nangyari at nagbago yata ang ihip ng hangin?” “Si Douglas kasi gusto niya na maging boyfriend ko siya. Eh sabi ko, wala naman akong alam tungkol sa bagay na ‘yon kaya hindi ko matatanggap—” “What?! Sinong Douglas?!” putol agad sa akin ni Aubrey. Kanina ay patawa-tawa siya pero ngayon ay nanlalaki na ang mga mata niya sa akin. Hindi ba niya kilala si Douglas? Nasa party niya ‘yon. “Si Douglas… ‘Yong kaibigan ng Kuya mo. ‘Yong nasa party—” “No way!” Napatayo na siya sa upuan niya habang nanlalaki ang mga mata sa akin. “Sobrang sungit kaya no’n! Maraming babae ang naghahabol sa kanya pero kahit isa wala siyang pinatulan tapos ikaw gusto ka niyang maging girlfriend? Eh ‘di ba noong birthday ko lang naman kayo nagkakilala.” “Oo nga,” kalmadong sagot ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay ng kaibigan ko at hinila ko siya pabalik sa upuan dahil masyadong malakas ang boses niya. “Wala rin naman akong alam kung bakit niya na sabi ‘yon kahapon.” “Kahapon? Nagkita kayo?!” gulat na naman na tanong niya sa akin. “Oo,” kalmado na naman na sagot ko. Hindi ko nga pala nakwento sa kanya na si Douglas ang nakasama ko kahapon. “Pinatawag ako ng Dean kahapon para sana i-tour ang new investor at si Douglas ‘yon. Hindi natuloy ang tour namin dahil may tumawag mula sa kumpanya niya tapos ayon na nga—” “Ni-reject mo siya ‘di ba?” tanong na naman niya. “Uhm…” Inipit ko ang buhok ko sa likod ng tenga ko. “Hindi naman yata reject ang tawag do’n. Hindi ko alam. Basta ang sabi ko nga, wala akong alam sa gano’ng bagay tapos sabi niya okay lang basta maging totoo lang ako sa kanya.” “Unbelievable,” mahinang turan niya habang umiiling pa sa akin. Sa nakikita ko sa kaibigan ko, para siyang nakakita ng multo. Tinaas ko ang isang kamay ko at kinaway-kaway ko sa harapan niya dahil tulala siya. “Okay ka lang ba?” nagtataka na tanong ko. Nagulat ako ng bigla na naman siyang tumawa ng napakalakas habang nakahawak pa sa tiyan niya. Kanina ay tulala lang siya tapos ngayon natatawa naman siya na parang walang bukas. “Okay ka lang ba—” “‘Alam mo, Blaire, patawa ka!” Hinampas pa niya ang braso ko. “Si Douglas gusto na maging boyfriend mo siya? Joke ba ‘yon?” Tuloy-tuloy pa rin siya sa pagtawa at sa tingin ko hindi siya naniwala sa sinabi ko. Napabuntong hininga na lang ako at humarap sa lamesa namin. Napangalumbaba ako at binasa na lang ang libro ko para makapag-advance reading. Hindi naman nakatulong si Aubrey dahil bukod sa pinagtatawanan niya lang ako, hindi rin siya naniniwala. Mukha ba kong nagsisinungaling? Mukha bang gawa-gawa ko lang ‘yon? Tsaka bakit naman ako gagawa ng kwento na kasama pa si Douglas. Kung alam niya lang na pangalawang beses na kong hindi pinapatulog nang maayos ni Douglas. “Sorry, Blaire, pero hindi ko naman sinasabi na pangit ka para hindi magustuhan ni Douglas,” ani ni Aubrey sa tabi ko pero kasama pa rin sa pagsasalita niya ang mga mahihina niyang hagikgik na pilit niyang pinipigilan. “Pero kasi, Blaire, matagal ko ng kilala si Douglas. Kaibigan siya ni Kuya at mas masungit pa siya kay Kuya. Lahat ng babaeng dumidikit sa kanya, sinasaktan niya lang. Wala ‘yong pakialam sa mundo niya lalo na sa mga babae. Kaya ang hirap lang paniwalaan ng mga sinabi mo sa akin—” “Blaire.” Napalingon agad ako sa likod ko dahil sa pamilyar na boses na tumawag sa akin. Napatayo ako sa silya ko ng makita ko ang isang lalaki na nakatayo ilang hakbang ang layo sa lamesa namin habang suot niya ang itim na polo button down at itim na slack. “Douglas!” excited na sambit ko sa pangalan niya. Binaba ko pa ang palda ko na bahagyang umangat dahil sa pag-upo ko. Napatingin ako kay Aubrey na nakaupo pa rin habang nakaawang ang labi. Sa tingin ko ngayon naniniwala na siya kaya mas na-excite ako na nakita ko siya ngayon. Hindi naman kasi ako magsisinungaling sa kaibigan ko. “What are you doing here outside?” Douglas asked. Humakbang siya palapit pa sa amin hanggang sa huminto siya sa mismong harapan ko na maliit na lang ang distansya. Habang ang kasama naman niyang bodyguard ay nanatili sa kinatatayuan niya. Suot niya na naman ang three piece suit kahit na ang init. “Masyadong mainit dito,” nakakunot ang noo na saad niya at ipinasok niya ang isang kamay niya sa bulsa niya. Alas dose na ng tanghali kaya talagang mainit sa pwesto namin pero papasok na rin naman ulit kami sa building. “You should stay at the library. There is an air-con there.” “Hindi kasi kami pwede ni Aubrey sa library, Douglas. Masyadong malakas ang boses namin kapag nag-uusap,” natatawang sambit ko sa kanya. Tumaas ang kamay niya na may hawak na panyo at pinunasan ang noo ko. Naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng pisngi ko. Naglikot ang mga mata ko at napunta sa body guard niya na nakatingin sa amin. Nang makita niya na nakatingin ako sa kanya, agad niyang inalis ang tingin niya. Habang sa likod ko naman, ramdam ko ang mga mata ng kaibigan ko. Ang bilis ng t***k ng dibdib ko kaya hinawakan ko na ang kamay ni Douglas para pigilan siya sa ginagawa niya. Dahil kung magpapatuloy pa siya baka sumabog na ang dibdib ko. “Ahm… gusto mo na bang i-tour kita? Pwede tayong mag-start sa accounting and finance building dahil nandito na rin naman tayo sa harap.” Napatingin ako sa building namin at ibinalik ko ang tingin ko kay Douglas para malaman ang sagot niya. Nakangiting tinaas ko ang dalawang kilay ko. Hindi siya sumagot pero nakuha ko naman ang sagot niya dahil sa pagtango niya sa akin. “Sige, ayusin ko lang ang mga gamit ko.” Tumalikod ako sa kanya at humarap sa table namin. Niligpit ko agad ang mga libro ko at ipinasok ko sa tote bag ko. “Oh, God, Blaire,” Aubrey whispered. Tama lang para ako ang makarinig. “Mag-usap tayo mamaya. Paanong, oh God,” bulong pa niya. “Sabi ko naman sa’yo e,” mahinang sambit ko rin at sinukbit na ang bag ko sa balikat ko. “Mauna na ko, Aubrey.” Tumalikod na ko sa table namin at lumapit kay Douglas na naghihintay sa akin. Sabay kaming naglakad papunta sa building namin habang ang bodyguard niya naman ay nasa likod lang ulit namin. “Kilala mo naman si Aubrey ‘di ba?” paninigurado ko muna. Napatingin ako kay Douglas at nakita ko na tumango siya. Kunot pa rin ang noo niya habang naglalakad kami sa gitna ng arawan. “Kinuwento ko kasi sa kanya na gusto mo na maging boyfriend kita. Kaibigan ko siya kaya gusto kong malaman niya tapos hindi siya naniwala,” sambit ko. “Pero noong una lang ‘yon. Nang makita ka niya kanina, mukha namang naniwala na siya sa sinabi ko.” Lumingon sa akin si Douglas kasabay ng paghakbang namin papasok sa building namin at hindi na nakakunot ang noo niya. “Ay sorry,” napatakip agad ako sa bibig ko. “Okay lang ba na sinabi ko ‘yon? Sorry hindi ko alam. Hindi ko lang talaga alam kung paano ba kasi ‘yong boyfriend na sinasabi mo kaya nagtanong na rin ako kay Aubrey at nakwento ko…” Masyado yata akong natuwa sa pagkwekwento sa kaibigan ko. Baka mamaya ayaw naman pala ni Douglas na sabihin ko sa iba ang sinabi niya sa akin. “It’s okay.” He smiled a little. “I like your honesty.” Malawak na ngiti ang binigay ko sa kanya at tumingin na muli sa hallway. Sabay kaming naglalakad ng mas dumikit pa sa akin si Douglas. Napatingin ako sa kanya saglit pero inalis ko rin agad ang mga mata ko sa kanya. “Ask me instead of your friend if you want to know more.” Mabilis akong napalingon sa kanya dahil sa binulong niya sa akin. Hindi ko agad naintindihan ang sinabi niya kaya magtatanong sana ako nang may bumangga bigla sa akin at mapaatras ako. “Sorry!” Napatingin ako sa babae na nakabangga sa akin na ngayon ay nabitawan lahat ng libro na dala niya. Napaluhod siya at isa-isang pinulot ang libro niya. Napaluhod din ako at tinulungan siya na magpulot ng libro. “Ayos ka lang?” tanong ko sa kanya habang iniisa-isa ang libro. “Oo, pasensya na talaga.” “Wala ‘yon.” Tumayo ako nang mapulot namin lahat ng libro niya. “Ingat ka na lang.” Ipinatong ko sa ibabaw ng libro na hawak niya ang libro na napulot ko. “Salamat ulit.” Tumango na lang ako at tumingin sa tabi ko pero wala na si Douglas. Nang bigla naman akong makarinig ng sigawan kaya napatingin ako sa likod ng babae na bumangga sa akin. “Douglas!” Nanlalaki ang mga mata ko dahil nakita ko si Douglas na isa-isang pinagsusuntok ang mga estudyanteng lalaki. Napalingon ako sa bodyguard ni Douglas na nakatayo lang sa likod ko at walang ginagawa para pigilan ang boss niya. “Please, pakipigilan si Douglas!” nag-aalalang sambit ko. Pero parang wala siyang narinig kaya ako na mismo ang lumapit sa kanila kahit na natatakot akong matamaan ng nagpapalitan nilang suntok. “Douglas!” Hinuli ko ang matigas na braso ni Douglas at hinila siya palayo. “F*ck your eyes! Stop drooling over my property, kiddos!" Douglas shouted. Hindi ko alam kung anong nangyari at bakit bigla na lang siyang napasugod sa limang lalaki na nakatayo ngayon sa harapan namin. Ang tatlo pa sa limang mga lalaki ay mga putok na ang labi. Napatingin naman ako sa mukha ni Douglas at nakahinga ako nang maluwag nang makita na wala siyang kahit na anong galos. “Douglas, ano bang nangyari?” mahinang tanong ko. “Sino ba ‘yang kriminal na kasama mo, Blaire?” Napatingin ako sa isang lalaki na pumutok ang labi. Hindi maganda ang sinabi niya kay Douglas lalo na’t hindi totoo. “Hindi siya kriminal,” mahinahon na sambit ko. “Ano bang nangyari?” tanong ko sa kanila dahil hindi naman nagsasalita si Douglas pero masamang-masama ang tingin niya sa mga lalaki. “Bigla na lang kaming sinugod niyang kasama mo at pinagsusuntok kami!” akusa ng isa pang lalaki na may tama rin ang labi. Pero parang ang hirap paniwalaan ng sinabi niya. Hindi ako makakibo lalo na’t hindi ko talaga alam ang nangyari. “Do you believe them?” Douglas whispered. Napatingin ako sa kanya na seryoso ang tingin sa akin. Kahit na limang tao na ang nagsasabi na sumugod siya at nanapak, may parte pa rin sa isip ko na hindi kayang maniwala. “Hindi,” I honestly said. “Good, sa akin ka lang dapat maniwala.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD