Chapter 04

2253 Words
Blaire Mackenzie’s POV “Sabi sa akin ni Mrs. Gaffud, dito ka raw dati nag-aral at valedictorian pa,” sambit ko habang sabay kaming naglalakad sa gitna ng hallway. Ayokong maramdaman niya na nahihiya ako kaya sinusubukan kong magsalita nang magsalita. Isa pa, ako lang naman ang kasama niya at ang body guard niya na nakasunod sa amin na parang hindi naman nagsasalita. ‘Yong lalaki na nagbukas ng pinto sa akin kanina, siya pala ang bodyguard ni Douglas. “Alam ko pamilyar ka na rito. May gusto ka ba munang puntahan?” nakangiting tanong ko at nilingon siya. Nakatingin siya sa dinadaanan namin at seryoso lamang ang mukha niya. Nilingon niya ko dahil mukhang naramdaman niya na nakatingin ako sa kanya. “Let’s eat first.” “Sige,” pag sang-ayon ko agad dahil baka nagugutom na siya. Hindi pa rin naman ako nag-bre-breakfast tapos natapon ko pa ‘yong kape ko kanina. Mabuti nga na kumain muna kami bago namin ikutin ang school na napakalaki. Lumiko kami papunta sa cafeteria ng building namin at walang nagsasalita. Hindi ko kaya ang katahimikan dahil baka isipin niyang nahihiya na naman ako. Ayaw pa naman niya ng gano’n at dapat na sundin ko ang gusto niya dahil investor siya ng school namin. “Kailan ka pala grumaduate rito, Douglas?” tanong ko para may mapag-usapan kaming dalawa. “Ten years ago.” Napatango-tango ako sa sagot niyang matipid. Mukhang natural na ‘yon sa kanya. Ako ang kinuha ni Dean na maging tour guide ngayon ni Douglas kaya dapat na i-entertain ko siya. “Matagal na rin pala. Ten years ago pa. Sobrang dami na talagang nagbago baka nga maligaw ka pa rito,” natatawang sambit ko. Nilingon ko siya at nakita ko ang bahagyang pagngiti ng labi niya kahit maliit lang. Mas lumawak ang ngiti sa labi ko at napatingin na muli sa nilalakaran namin. “Hi, Blaire!” Bati sa akin ng isang lalaking estudyante na nakasalubong namin sa hallway. Inipit ko ang buhok ko sa likod ng tenga ko at ngumiti pabalik. “Hi,” bati ko rin ng hindi humihinto sa paglalakad. Nalagpasan ko na ang lalaki ng may bumati naman sa akin na isa pang lalaki na binati ko rin agad pabalik. “It seems like everybody knows you,” Douglas said. “Ah…” mahina na natawa ko at napatingin kay Douglas. Diretso pa rin ang tingin niya sa nilalakaran naming hallway at seryoso ang mukha niya. Kanina lang ay may konting ngiti pa sa mga labi niya pero ngayon seryoso na ulit siya. Kung ngayon ko lang makikilala si Douglas, matatakot talaga ko tulad ng nangyari sa akin kahapon. Pero alam ko naman na natural na sa kanya ang pagiging seryoso pero mabait talaga siya. Ilang beses niya kong tinulungan ngayong araw. Sa napaso kong balat tapos pati sa pagsisintas ng sapatos ko. “Sumasali kasi ako ng mga contest dito sa school at madalas na nananalo ako. Kaya siguro kilala nila ko.” Mabuti na rin na makilala nila ko dahil sa maganda kong nagawa kaysa naman sa nagagawa kong hindi maganda. “They like you,” he uttered. “Ah oo,” masayang sagot ko. “Mababait ang mga schoolmate ko rito lalo na ‘yong mga ka-batch k—” “Do you have a boyfriend?” “Hah?” gulat na tanong ko. Napatingin ako sa kanya na nasa harapan ang tingin habang sabay kami na patuloy pa rin sa paglalakad. Nakakagulat ang tanong niya lalo na’t hindi ko inaasahan. Bakit kaya napunta bigla sa kaibigan? “Boys here seems likes you. Do you like them too?” Hindi ko talaga inaasahan ang tanong niya pero inisip ko ang mga ka-block mate kong lalaki. Lahat naman sila mababait at close ko pa ang iba dahil nakakasama ko sa mga group work. “Oo naman. Mababait sila kaya talagang magugustuhan kahit na nino. Sino bang hindi magkakagusto sa mabait?” nakangiting tanong ko sa kanya. Nilingon niya ko at sobrang lamig ng titig niya kaya agad akong umiwas ng tingin sa mga mata niya. Humarap ako sa nilalakaran ko at hindi ko napansin na malapit na pala ko sa pader. Akala ko tatama na ang mukha ko sa pader pero tumama ako sa kamay ni Douglas na pinangsalag niya. Mabilis akong napaatras at napahawak sa noo ko. “Sorry,” saad ko habang nakayuko dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin niya. Naamoy ko na rin ang mga pagkain kaya alam kong nandito na kami sa harapan ng cafeteria. Hindi ko alam kung paano papasok sa cafeteria ng hindi gumagawa ng bagay na ikakapahiya ko na naman. “You have a boyfriend." It's not like a question. Parang sinasabi niya ang totoo. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. “Oo.” Tumango pa ko. Nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya kaya pakiramdam ko nagalit ko siya. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. “Galit ka ba, Douglas?” Mabilis kong inipit ang magkabilang gilid ng buhok ko sa likod ng tenga ko. “G-Gusto mo bang m-maging boyfriend k-ko rin?” kinakabahan na tanong ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya inalok ko na lang siya. Baka sakaling mawala ang pagsasalubong ng kilay niya. “Ehem!” Napatingin ako sa likod ni Jacob at nakita kong nakatayo pa rin doon ang bodyguard niya. “Ipapahanda ko na ang pagkain niyo, boss,” ani niya at naglakad papasok sa cafeteria. Naiwan tuloy akong mag-isa kay Douglas kaya wala akong ibang nagawa kundi ang ibalik ang tingin sa kanya. Wala na ang pagsasalubong ng kilay niya pero seryoso pa rin ang mukha niya. “You are asking me if I want to be your boyfriend?" he seriously questioned, and I nodded. Sa tingin ko okay pala ang tanong ko dahil naging magaan ang boses niya, “Oo naman. Kung okay lang sa’yo.” “You will never be allowed with boys here if I am your boyfriend. Baka ikulong pa kita sa bahay ko, Ms. Alcantarez dahil masyado akong selosong tao.” Sunod-sunod akong napalunok ng sarili kong laway dahil sa sinabi niya na alam kong totoo. “Uhm… P-Paano na ‘yong i-iba kong boyfriend?” “Kung ako ang magiging boyfriend mo, ako lang dapat.” Napakagat ako sa ibabang labi ko at pailalim na tumingin sa kanya dahil ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. "And why do you have many boyfriends?" he asked, frowning. “Kasi mababait sila kaya lahat sila kaibigan ko—” “Oh, f*ck.” “Bakit?!” natatarantang tanong ko. “Now I understand why you are offering me to be your boyfriend.” Bukod sa baka gusto niya kong maging kaibigan, gusto ko rin naman siyang maging kaibigan. Wala namang mawawala kung kakaibiganin ko siya. “Let’s eat.” Kinuha niya ang kamay ko at hinatak ako papasok ng cafeteria. Naguguluhan talaga ko sa kanya. Tapos bigla pa siyang nagmumura. Napabuntong hininga na lang ako at tsaka niya lang binitawan ang kamay ko nang makalapit kami sa lamesa na may mga pagkain ng nakahanda. Magkaharap kaming naupo pero parang gusto kong lumipat na lang sa tabi niya. Kung mauupo ako sa tabi niya, maiiwasan ko ang titig niya sa akin dahil magkatabi kaming dalawa. “Pwedeng tabi na lang tayo?” tanong ko sa kanya. Maraming pagkain sa lamesa kaya dalawang lamesa ang mayroon sa harapan namin at apat na upuan. “Come here.” Tinapik niya pa ang sandalan ng upuan sa tabi niya. Napangiti ako at tumayo agad sa silya ko at naupo sa tabi niya. Mas okay na ‘to kaysa magkaharap kaming dalawa. “Ang daming pagkain. Hindi ba kakain ang bodyguard mo?” tanong ko sa kanya at naglagay ng pizza sa pinggan ko. “Don’t mind him.” Tumahimik na lang ako lalo na’t kakain na rin naman kami. Nag-slice pa ko ng isa pang pizza at nilagyan ko na rin ang plato niya. Ayoko ng hot sauce kaya ketchup na lang ang nilagay ko sa pizza ko. “Just eat your food, Blaire. You don't need to serve me.” Napatingin ako kay Douglas dahil sa sinabi niya. Ngumiti ako dahil masyado lang akong sanay na nag-aayos ng pagkain ng kasama ko sa tuwing kumakain ako. Nasanay na rin kasi ako kay Aubrey. “Investor ka ng school kaya dapat lang na gawin ko ‘to. Nakakahiya naman kung hindi kasi ikaw nga sinisintas mo pa ang sapatos ko—” “Do you really want me to be your boyfriend?” putol niya sa akin. Napakagat ako sa pizza ko at tumango sa kanya. Nginuya-nguya ko ang pizza ko bago sinundan ng salita, “Oo na—” “Pero iba ang gusto ko,” diretsong pananagalog niya sa akin at pinutol na naman ako. Napatingin ako kay Douglas at napakagat muli sa pizza ko habang siya naman ay nakatitig lang sa akin at hindi pa nagagalaw ang pagkain sa pinggan niya. “Ano bang gusto mo?” masayang tanong ko. “Be your boyfriend.” “Ah ‘yon lang pala. Akala ko ba iba ang gusto mo, Douglas?” natatawang tanong ko. “Pwedeng-pwede ta—” “Not the boyfriend that you think, Blaire. I'm not too fond of the idea of being a friend to you. I want to be your boyfriend, the one you are dating, not the one you can call a friend.” Nagulat ako sa sinabi niya at naibaba ko ang pizza sa pinggan ko at napaiwas ako ng tingin sa kanya. Diretso lang ang tingin ko sa harapan ko kung saan walang ibang tao. Naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa sinabi ni Douglas. “W-Wala pa kong nagiging boyfriend mula noon… Wala naman akong alam sa g-ganyan,” nahihiyang sambit ko. Kagabi lang kami nagkita tapos gusto na niya agad na maging boyfriend ko siya. Akala ko pa naman masungit siya at ayaw sa akin. “Sorry, Douglas, pero wala talaga kong alam sa ganyan.” “Eat your food, Blairey…” he gently uttered. Akala ko magagalit siya dahil sa mga sinagot ko pero mas naging magaan pa ang boses niya sa akin. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya kahit na nahihiya ako. “Hindi ka ba galit?” tanong ko. “Why will I be mad at you? You are being honest with me. I like that. Just be honest with me, and I will not be mad.” Mabilis akong tumango sa kanya at ngumiti. Nawala ang guilt sa katawan ko dahil akala ko magagalit siya sa akin. Tumaas ang isang kamay niya at pinunasan ang gilid ng labi ko, “Eat, Blaire.” Inilipat ko na ang tingin ko sa pinggan ko at naglagay ako ng spaghetti sa plato ko. Kumain lang ako nang kumain habang si Douglas naman ay nagkakape sa tabi ko. Tahimik lang kami parehas ng biglang dumating ang bodyguard na kasama niya. “Boss, may tawag ka muna sa opisina.” Inabot niya ang cellphone kay Douglas at umalis din agad. Napatingin ako sa cellphone na nilapag lang ni Douglas sa gilid ng lamesa at hindi sinagot. “Hindi mo ba sasagutin?” tanong ko. “Kumakain pa tayo. Hindi naman importante.” Pero tawag ‘yon mula sa opisina. Hindi na lang ako nakialam pa dahil mukhang ayaw niya talaga magpa-istorbo kaya biniliisan ko na lang ang pagkain ko para masagot na niya ang tawag. Baka kasi mamaya sobrang halaga pala no’n. “Eat slowly, Blaire.” “Dapat matapos na tayong kumain para masagot mo na ang tawag mo sa opisina,” sambit ko at napalingon sa kanya. Napailing ang ulo niya sa akin at naglabas ng panyo. Pinunasan niya ulit ang gilid ng labi ko dahil sa sauce ng spaghetti. “Don't mind it," he uttered like commanding me. "Eat slowly so you won't choke yourself." Tumango na lang ulit ako sa kanya at binigyan pa saglit ng tingin ang phone niya na tunog pa rin nang tunog bago ko tuluyan ipagpatuloy ang pagkain ko. Sinunod ko ang gusto ni Douglas at nagdahan-dahan ako sa pagkain ko. Nang matapos akong kumain, kinuha ko ang gulaman juice ko at ininom na. Pagkababa ko sa baso ko, kumuha ako ng tissue at pinunasan naman ang labi ko. “Tapos na ko,” sambit ko sa kanya. “I'll answer the call,” pagpapaalam niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya at hinayaan siya na sagutin na ang phone niya na mukhang kanina pa naghihintay sa kanya. Hindi na rin umalis si Douglas sa silya niya at sa tabi ko mismo niya sinagot ang tawag. Nakangiti lang ako sa kanya habang pinapanood ko siya na seryoso ang mukha habang nakadikit ang phone sa tenga niya. "Ready the conference room,” aniya sa kausap at binaba na agad ang tawag. "Let's schedule our tour for tomorrow." He stood up, so I stood up as well. “Sige, ingat ka,” ani ko agad. Mukhang kailangan na nga talaga siya sa kumpanya niya at naiintindihin ko naman. Maraming mayayaman na tao sa school na ‘to kaya hindi na rin ako nagulat na ang tulad niya ay nag-ha-handle na rin ng kumpanya. Ang iba ko pa ngang blockmates, mga tagapagmana ng kumpanya. “Kita na lang tayo bukas, Douglas. Salamat sa pagkain,” nakangiting sambit ko pa. “I'll see you again tomorrow, Blairey. Don't smile too much to the boys here.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD