Blaire Mackenzie’s POV
Mabuti na lang talaga walang katao-tao ngayon sa building kaya walang nakakita sa amin na buhat-buhat niya ko. Mabuti na lang din may clinic sa mismong building namin kaya hindi na namin kailangan lumabas at malapit pa!
“Ibaba mo na ko, Douglas,” nahihiyang sambit ko.
Pero parang wala siyang narinig dahil sinipa niya lang ang pinto ng clinic at tuloy-tuloy na pumasok. Nanlaki pa ang mga ng nurse na napatayo na lang bigla.
“Mr. Parker!” natataranta niyang saad.
“I need an ointment. Para sa paso,” seryosong sambit ni Douglas at inupo ako sa kama.
Hindi ko alam kung kanino ba ko titingin. Kung kay Douglas ba o sa nurse na natataranta sa paghahanap ng ointment. Pero sa huli, mas pinili ko na lang na tumingin sa nurse dahil hindi ko kaya ang mga tingin na binibigay sa akin ni Jacob. Para kong mas napapaso sa mapupungay niyang mga mata.
“Ito po, Mr. Parker,” ani ng nurse at inabot kay Douglas ang ointment.
Kinuha naman ‘yon ni Douglas at bigla na lang niyang sinara lahat ang kurtina kaya wala akong ibang nagawa kundi ang yumuko na lang at tumingin sa mga paa ko.
“May quiz pa ko,” mahinang saad ko.
Hindi siya nagsalita at naupo lang siya sa silya na nasa harapan ko. Kinuha niya ang paa ko at pinatong niya sa ibabaw ng hita niya na agad kong hinatak dahil nakasapatos pa ko! Madudumihan siya!
“A-Ako na lang ang maglalagay baka—”
“Who’s your professor today?” he asked.
Naguguluhan ako sa biglang tanong niya pero nawala agad doon ang isip ko dahil kinuha niya ang unan sa gilid ko at ipinatong sa ibabaw ng hita ko. Kinuha niya uilt ang binti ko at inalis pa niya ang sapatos ko tsaka ipinatong sa ibabaw ng hita niya.
Mukhang mamahalin ang slack na suot niya pero hinayaan niya lang na patungan ko ng paa ko ‘yon.
“I’ll talk to your professor.”
“Hah?”
Mas lalo akong naguluhan. Bakit niya naman kakausapin ang professor ko? Mas lalo tuloy akong naging interesado kung ano ba talaga ang trabaho niya rito.
“Professor ka rin ba?” tanong ko.
Hindi siya sumagot sa tanong ko at nagsimula na niyang lagyan ng ointment ang binti ko na may pula-pula. Ang gaan-gaan ng daliri niya at parang hindi ko maramdaman.
“Sorry talaga sa abala,” nahihiyang saad ko na lang ulit. “Pero okay lang naman talaga ko. Kailangan ko lang talagang bumalik na dahil baka dumating na ‘yong professor ko.”
“Name?”
Nagtaas siya ng tingin sa akin at nahigit ko agad ang hininga ko dahil sa titig niya na parang nalulusaw ako. Parang hindi ko kakayanin ang titig niya kaya yumuko na lang ako at tumingin sa binti ko. Patuloy pa rin siya paglalagay ng ointment kahit nasa akin naman ang tingin niya.
Hindi ba siya kinakabahan? Bakit mukhang ako lang ang kinakabahan sa aming dalawa?
“Blaire, who is your professor?”
Alam kong hindi naman gano’n kaganda ang pangalan ko pero kapag siya ang tumatawag sa akin parang gumaganda dahil sa accent niya.
“U-Uhm si Professor R-Rosas.” Napalunok ako sa sariling laway dahil sa pagkautal ko na naman sa harapan niya.
“I will handle it.”
“Hala hindi na kailangan, Douglas. Nakakahiya,” natatarantang saad ko kahit wala akong idea kung paano niya i-ha-handle ‘yon tulad ng sabi niya. “Okay lang talaga ko.”
Inalis ko ang paa ko sa ibabaw ng hita niya at mabilis na tumayo sa harapan niya na dapat hindi ko pala ginawa dahil mas lumapit pa ko sa kanya. Nakatingala siya sa akin at sobrang lapit lang ng mukha niya sa tiyan ko.
“U-Uhm, mauna na ko. Pasensya na ulit.”
Dumaan ako sa gilid niya at hinawi ko ang kurtina. Nagmamadali akong nagtungo sa pinto at hindi ko na pinansin ang nurse na nakatingin sa akin.
Mabilis ang paglabas ko ng clinic at tinakbo ko na ang papunta sa room ko. Okay na talaga ko at mas nagising pa nga ang diwa ko dahil sa pagtapon ng kape na mainit sa akin.
“Ang tagal mo,” ani sa akin ni Aubrey pagpasok ko sa room. Napatingin sa akin ang ibang mga kaklase ko kaya ngumiti na lang ako at naglakad palapit sa gitna kung saan nakapwesto si Aubrey. “Mabuti na lang wala pa ‘yon prof natin.”
Bumaba ang tingin niya sa paa ko at nakita ko ang pagkunot ng noo niya kaya napatingin din ako sa paa ko.
“‘Yong sapatos ko nga pala,” napahawak ako sa noo ko dahil nakalimutan ko pa talaga! Ayoko namang bumalik pa sa clinic dahil siguradong parating na ang prof namin.
“Saan ka ba nagpunta?” nagtataka na tanong sa akin ni Aubrey. “Vending machine lang ba?”
Inipit ko ang buhok ko sa likod ng tenga ko at naupo na sa silyang katabi niya, “Sa clinic lang.”
“Anong ginagawa mo sa clinic?”
“Na—”
“Ms. Alcantarez?”
Napatayo agad ako sa silya ko at napatingin sa harapan. Nakita ko ang professor ko na kapapasok lang at naglalakad ngayon papunta sa table niya.
“Yes po?”
Nilapag niya ang mga gamit niya sa ibabaw ng table at inalis ang suot na salamin sa mata.
“Pinapatawag ka sa dean’s office.”
“Pero po ‘di ba may quiz pa.”
“Exempted, now go,” seryosong turan niya.
Napatingin ako kay Aubrey na nanlalaki ang mga mata. Alam kong wala siyang masasagot sa quiz. Ayokong umalis para may masagot si Aubrey pero hindi naman pwedeng hindi ako sumunod. Tsaka dean pa ang nagpapatawag ngayon.
Bumalik ang tingin ko sa prof ko at kita kong naghihintay na siya sa akin, “sige po,” magalang na saad ko.
Kinuha ko ang bag ko at sinukbit sa balikat ko, “Sorry…”
“Okay lang, Blaire. Kita tayo mamaya.”
Tumango agad ako sa kanya at naglakad na palabas ng room. Hindi ko alam kung anong mayroon at bakit ako napatawag pero kinabahan ako bigla. Wala naman siguro akong nagawa.
Napayuko na lang ako habang naglalakad sa hallway dahil nakakahiya na wala ang isang pares ng sapatos ko. May mga estudyante pa naman na nakakasalubong ko.
“Blaire!”
Napatalon ako sa gulat at napatingin sa lalaking huminto sa harapan ko. Hindi ko alam ang pangalan niya pero pamilyar ang mukha niya.
“Hi,” nakangiting bati ko kahit medyo naiilang.
“Suotin mo na lang ang sapatos ko kaysa madumihan ang medyas mo.” Lumuhod agad siya sa harapan ko at sinimulan kalasin ang sintas ng sapatos niya.
“‘Wag na!” awat ko agad sa kanya. “Okay lang ako. Salamat.”
Dumaan na ko sa gilid niya at nilakihan ang bawat paghakbang para makalayo na ko at marating ang dean’s office. Ayoko naman makaabala sa ibang tao. Masydong mabait ang mga tao rito sa akin at ako na rin ang nahihiya sa mga tulong na inaalok nila dahil wala naman akong maiaalok pabalik.
“Ms. Alcantarez?”
“Ako nga po,” sagot ko sa lalaking nakaharang sa dean’s office.
Malaking tao siya at naka-buzz cut ang buhok. Naka-three piece suit siya at seryosong-seryoso pa ang mukha.
Hindi na siya sumagot pa sa akin at binuksan niya na agad ang pinto ng dean’s office. Ngumiti na lang ako sa kanya at humakbang na papasok.
“Good morning, Ms. Alcantarez,” bati sa akin ng dean na pagpasok ko ay ang office table niya agad ang bungad.
“Good morning po. May kailangan po ba kayo sa akin?” nakangiting tanong ko.
“Ikaw ang running for valedictorian sa school natin, Ms. Alcantarez. Alam kong kahit hindi ka mag-exam, pasado ka na kaya pinatawag na kita kahit alam kong may quiz ka ngayon,” nakangiting sambit ni Mrs. Gaffud sa akin.
“Thank you po,” masayang sambit ko.
Masyado akong puring-puri sa paaralan na ‘to kaya mas nakakataas talaga ng confidence ang mga tao rito at isa na ang dean namin sa mga dahilan kung bakit mas lalo ko pang sinisipagan na mag-aral. Siya rin mismo ang pumili sa akin na maging scholar sa school na ‘to.
Noong first year ako, nagbabayad pa si Mama ng tuition fee ko pero ng makilala ako ni Dean, nag-offer siya sa akin ng scholarship. Hindi ko naman kailangan ng scholarship dahil kaya naman ng Mama ko pero tinanggap ko pa rin para mabawasan ang pinapadalang pera ni Mama.
“Oo nga pala, may bago tayong investor at gusto ko sana na ikaw na mismo ang mag-tour sa kanya sa school. Alam kong matutuwa si Mr. Parker kung isang valedictorian ang makakasama niya.”
“Mr. Parker po?”
Si Douglas kaya ang tinutukoy niya? Naalala ko na Parker ang apelyido ni Douglas kaya hindi imposible.
“Yes, Ms. Alcantarez. Mr. Parker also studied here, and he also graduated as valedictorian. Maraming bagong building ngayon at renovated na ang school kaya gusto niyang mag-ikot para maging pamilyar ulit.”
Wow! Matalino siya. Halata naman na matalino siya pero nabigla pa rin ako. Wala na kong masabi kaya napatango-tango na lang ako.
Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto na nakaagaw sa atensyon ko kaya napalingon ako sa likod ko. Napaipit ako sa buhok ko sa likod ng tenga ko ng makita ko si Douglas na bitbit pa ang sapatos ko.
“Maiwan ko na muna kayo rito, Mr. Parker,” magalang na sambit ni Dean at naglakad palabas.
Nakita ko kung paano galangin ni dean si Mr. Parker kaya sa tingin ko dapat na rin na maging pormal ako at hindi ‘yong hinahayaan ko lang siya na gamutin ang sugat ko dahil nakakahiya.
“Uhm…” Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya pinaikot-ikot ko na lang ang mga mata ko sa buong silid.
"You left your shoe, Blaire."
“Sorry po, nakalimutan ko lang po, Mr. Parker—”
“Too formal. I don’t like it.”
Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa sobrang seryoso ng boses niya at halatang hindi niya nagustuhan ang pagtawag ko sa kanya. Mukhang mali pa ang naisip ko na maging pormal. Ginagaya ko lang naman ang tawag sa kanya ni Mrs. Gaffud.
“Sorry nahihiya lang ako na tawagin ka sa—”
“Call me Douglas. I like it that way.”
Humakbang ang mga paa niya palapit sa akin at nagsimula na naman rumagasa ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.
“O-Okay, Douglas.”
Saglit na ngumiti siya sa akin na kinangiti ko rin agad. Pakiramdam ko, hindi naman siya masungit dahil sa pag ngiti niya sa akin.
“Gusto mong i-tour na kita?” nakangiting tanong ko.
Bumaba ang tingin niya sa paa ko kaya naalala ko na naman na hindi ko nga pala suot ang isang sapatos ko.
“Magsasapatos pala muna ako,” nahihiyang saad ko at humakbang palapit sa kanya hanggang sa konti na lang ang distansya namin. “Salamat sa pagdala sa sapatos ko.”
Kinuha ko sa kamay niya ang sapatos ko at naupo ako sa visitor’s chair. Nilapag ko sa sahig ang sapatos ko at ipinasok ko ang paa ko. Yuyuko na sana ako para isintas ang sapatos ko pero may naunang humawak sa sintas ng sapatos ko.
“‘Wag na, Douglas. Nakakahiya naman!” natatarantang sambit ko. “Investor ka ng school namin kaya hindi mo dapat ginagawa ‘yan.”
Pero hindi siya sumagot hanggang sa matapos niya ang pagsintas ng sapatos ko. Tumayo lang siya na parang walang nangyari kaya napatayo na rin ako. Napatingala ako sa kanya dahil mas naging matangkad siya ngayon na sobrang lapit ko sa kanya.
Umabot lang yata ang ulo ko sa baba niya dahil sa tangkad niya.
“Masyado na yatang nakakahiya ang mga ginagawa ko,” mahinang sambit ko at napaiwas ng tingin sa kanya.
Ang taas ng paggalang sa kanya ng dean namin tapos pagdating sa akin, sinisintasan niya lang ako ng sapatos. Masyado yatang mabait si Douglas.
Para kong nakuryente ng biglang dumapo ang daliri niya sa baba ko at inangat niya ang ulo ko para magtama ang mga mata naming dalawa.
“D-Douglas…”
Naramdaman ko ang init sa pisngi ko habang nakatitig sa mga mata niya na parang tinutunaw ako sa klase ng pagtitig niya.
“I'm not too fond of a tour guide that will act shy in front of me, Blaire. I want you to be comfortable with me because I am sure this is not the last time we will see each other. Get it?”
Kusang napatango ang ulo ko kahit hindi ko masyadong naintindihan ang iba niyang sinabi dahil mas napunta ang isip ko sa mga titig niya. Ang naintindihin ko lang yata ay ‘yong ayaw niya sa mahiyaing tour guide.
“I want to hear your answer, Blaire.”
“Oo, naiintindihan ko, Douglas.”
“As you should, Blairey…”