Blaire Mackenzie’s POV “Talagang sumama pa rin ang boyfriend mo. Ayaw talagang magpaiwan,” sambit sa akin ni mummy habang naglalakad kami sa gitna ng department store para magikot-ikot muna. “Hindi kasi talaga siya papayag na maiwan,” sagot ko. Si Douglas at si Axel lang ang kasama namin na nasa likod namin habang magkahawak ang kamay namin ni Mummy na naglalakad sa mall. “Masyadong mana sa ama niya ‘yan,” ani pa ni Mummy habang parehas kaming nakatingin sa nilalakaran namin. “Eh ‘yong tungkol sa paggawa ng anak? Nalaman mo na ba kung paano?” Mabilis akong napalingon kay Mummy dahil sa sinabi niya. Tinanong ko naman agad si Douglas tungkol doon pero ang sabi niya ay tuturuan niya na lang ako. Hindi ko nga lang alam kung kailan pero baka kapag hindi na busy. “Tuturuan niya raw a