Blaire Mackenzie’s POV Naging maayos ang quiz namin kanina pero hindi ko ginamit ang ballpen na binigay sa akin ni Douglas. Tinago ko lang ‘yon dahil masyadong maganda at mukhang mahal. At hanggang ngayon na nagising ako mula sa pagkakaidlip ko, iniisip ko pa rin ang sinabi ni Douglas kanina. Mas bagay sa akin ang apelyido niya… Blaire Parker. Tama siya… Maganda nga talaga sa pangalan ko ang Parker. Hindi siya pangit pakinggan at parang mas gumanda pa ang pangalan ako. “Baby…” Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang may yumakap sa akin mula sa likod ko. Napahawak ako sa braso ni Douglas dahil alam kong siya lang naman ‘to. “You okay?” he asked. “Oo naman,” mababang boses na tugon ko at napangiti sa harapan ng bintana ng kwarto ni Douglas. Ang sarap pagmasdan mula rito sa kwa