Blaire Mackenzie’s POV “Ma’am, para po ba ‘yan kay sir Douglas?” Napatingin ako sa kasambahay na nagtanong sa akin. Ngumiti agad ako sa kanya at tumango, “Maaga pa naman kaya idadaan ko muna ‘tong lunch niya bago ako pumasok.” Afternoon class lang ang mayroon ako ngayon kaya marami akong free time ngayong umaga kaya napaghanda ko pa ng pagkain si Douglas. Maaga kasi siyang pumunta sa opisina niya at hindi ko na siya naabutan pa dahil may meeting daw siya sabi ni Axel sa akin na naiwan dito sa bahay. Hanggang ngayon ay narito pa rin kami sa bahay niya at ang mga magulang naman ni Douglas ay umalis kanina lang. “Ang swerte talaga ni sir Douglas sa inyo, ma’am.” “Ano ka ba naman, sabi ko sa’yo na Blaire na lang ang itawag mo, “ natatawang sambit ko at sinara na ang tupperware na may l