Blaire Mackenzie’s POV “Let’s eat, baby.” Hindi ko inalis ang mga mata ko sa notebook na hawak ko habang nakaupo ako sa dulo ng kama ni Douglas. May oras pa at maaga pa para sa klase ko kaya nagbabasa muna ko. “Hindi ako gutom, Douglas. Ayokong mag-almusal,” mahinang sambit ko at nag-focus na ulit. Natapos ko naman ang pag-re-review ko kagabi pero nagbabasa pa ulit ako para talaga hindi ko makalimutan ang mga inaral ko. Ayokong pumalya ng kahit isang salita kaya lahat ng nasa notes ko ay binabasa ko talaga. “Wala kang masasagot kung hindi ka kakain.” Nawala sa kamay ko ang notebook na hawak ko at sinundan ko ‘yon ng tingin sa kamay ni Douglas. Sinara niya ang notebook ko at kinuha niya ang tote bag ko na nasa gilid ko lang. Ipinasok niya roon ang notebook ko. “You already review