Blaire Mackenzie’s POV Naramdaman ko na may paulit-ulit na humahalik sa labi ko kaya dahan-dahan akong napamulat. Bumungad agad sa akin si Douglas na nasa ibabaw ko. “Douglas…” Ipinikit ko muli ang mga mata ko nang maramdaman ko naman siya na nagsumiksik sa leeg ko. Tumingala pa ko para bigyan siya nang malawak na access. Inaantok pa ko at parang mas lalo kong inaantok dahil sa paghaplos ng ilong ni Douglas sa leeg ko. Ang naaalala ko lang ay nakatulog na ko sa sasakyan ni Douglas at naramdaman ko pa na binuhat niya ko palabas ng sasakyan. “Sweety, wake up… We will eat dinner.” Napamulat agad ako ng mata at itinaas ko ang kaliwang braso ko para sana tignan ang oras na dapat hindi ko pala ginawa. “Ouch!” “Blaire!” Mabilis na umalis sa ibabaw ko si Douglas at napaupo siya sa gi