Blaire Mackenzie’s POV “Pasensya na, hindi ko sinasadya. Hinahabol kasi namin ‘yong kriminal.” Kitang-kita ko sa pulis ang pagsisisi sa mukha niya. Tumama ang bala sa braso ko pero daplis lang naman at ginagamot na ngayon ng nurse. Sinira pa nga niya ang manggas ng kaliwang braso ko para magamot ng maayos ang sugat ko. “Ayos lang, nahuli niyo ba ‘yong kriminal?” tanong ko pa. Nakaupo ako sa hospital bed habang nakasandal ang likod ko sa kama na naka-arkong pasilya. May mga kurtina rin na nakasara sa paligid namin kaya ang nurse at ang pulis lang ang nakikita ko. Sa itsura ng pulis mukhang nasa 30s na siya. Nang matamaan ako, tumulong agad sa akin ang ibang pulis na naghahabol sa kriminal at dinala na agad ako rito sa ospital. Medyo masakit pa pero ayoko na lang isipin dahil baka mas