Chapter 02

1145 Words
Blaire Mackenzie’s POV Maayos na natapos kagabi ang party ni Aubrey pero hindi ako pinatulog ng mga titig ni Douglas sa akin kagabi. Hindi ako mapakali hanggang sa makarating ako sa unit ko kagabi. Naaalala ko pa rin ang mga titig niya sa akin sa table namin na parang ako lang ang tao sa paligid niya kahit na may mga kasama naman talaga kami. May quiz ako ngayon sa isang subject ko pero ito ako ngayon at parang lutang pa. Hindi na ko nag-almusal pa at umalis na agad ako sa condo ko para pumunta sa university. Naramdaman ko ang pagtunog ng phone ko na hawak ko lang habang naglalakad kaya napatingin ako para-i-check. Isang message mula sa unregister number na hindi na bago sa akin dahil madalas akong nakakatanggap ng mga message mula sa unregister number. Hindi ko nga alam kung kanino nila ‘yon nakukuha. From: Unknown Number ‘How are you, sweety?’ Sino naman kaya ‘to ngayon? Bakit pakiramdam ko kilala ko siya? O baka kulang lang ako sa tulog? I am curious pero may quiz pa ko na dapat intindihin sa first subject ko kaya pinatay ko na lang ang phone ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Ilang minuto lang din at narating ko na ang gate ng Stonehill International School. Malapit lang ‘to sa condo unit ko kaya walking distance lang ako araw-araw. “Good morning po,” bati ko sa guard. Ngumiti naman agad sa akin ang guard at nagtuloy-tuloy na ko sa pagpasok. Inipit ko ang buhok ko sa likod ng tenga ko at napatingin sa paligid ko. Kanina ko pa nararamdaman na may nakatingin sa akin o baka dahil na naman ‘to sa kulang ako sa tulog. “Blaire!” Napatingin ako sa harapan ko at nakita ko si Aubrey kaya nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad. Humalik agad siya sa pisngi ko nang makalapit sa akin. “Nag-review ka naman ‘di ba? Pakopya hah!” aniya at sinukbit ang braso niya sa braso ko. Natawa na lang ako at tumango. Same course kami ni Aubrey at hindi na bago sa akin ang pangongopya niya. Minsan lang naman tsaka kaibigan ko siya. “And dalawa lang ang klase natin ngayon. 8:30 am then mamayang 4:30 am pa ang sunod. Maganda siguro kung pupunta muna tayo ng mall at doon muna magpapalipas ng oras.” “Pero balak ko sana na subukan maghanap ng part-time job,” saad ko. “Hah?!” gulat na tanong niya at napatigil pa sa paglalakad. “Bakit ka naman magtatrabaho? Aral na aral ka na nga tapos pahihirapan mo pa ang sarili mo sa work! Mag-focus ka na lang muna sa school mo, Blaire. Baka mamaya magkasakit ka pa!” inis na sambit niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na matawa ulit dahil para siyang magulang ko na nagagalit sa akin. Alam kong concern lang siya sa akin. “Aubrey—” “No,” mabilisi na putol niya sa sasabihin ko. “Nandiyan naman ang mama mo hah! Aalin mo ang mga pinapadala ni Tita kung hindi mo gagamitin?” Napakibit balikat na lang ako at nagpatuloy na muli sa paglalakad at sumabay naman agad si Aubrey. Nahihiya na rin kasi akong tanggapin ang pera ni mama o mas mabuting sabihin na pera ng asawa niyang Koreano. Masyadong kumplikado ang mayroon sa amin ng mama ko kaya iwas na iwas din akong pinag-uusapan. “Blaire, ‘wag ka na magtrabaho. Kung kailangan na kailangan mo ng pera, pwede naman kitang bigyan.” Mayaman talaga si Aubrey kaya wala lang sa kanya ang pera kung bibigyan niya man ako pero ayoko ng gano’n. Ayokong binibigyan ako ng bagay na hindi ko pinaghihirapan lalo na ng pera. “Okay lang talaga ko,” sambit ko kay Aubrey. Hindi na siya nagsalita pa pero nakita ko pa ang pag-irap niya sa akin. Hindi na lang ako nagsalita at pumasok na kami sa building namin. Pero hanggang makapasok kami ng building, pakiramdam ko pa rin ay may nakatingin sa akin. “Mauna ka na, Aubrey. Punta muna ko sa vending machine,” ani ko kay Aubrey. “Dalhin ko na ‘yong bag mo.” Tumango naman ako at binigay sa kanya ang tote bag ko. Nasa bulsa ko naman ang wallet ko kaya lumiko na ko sa kanan ko habang sa kaliwa naman si Aubrey kung saan papunta ang room namin. Sa dulo ng pasilyo ay ang vending machine. Walang katao-tao at tahimik pa ang building pero pakiramdam ko ay may nanonood sa bawat galaw ko. Paglapit ko sa vending machine, nilabas ko agad ang wallet ko at kumuha ng barya. Naghulog lang ako ng barya at lumabas na ang isang maliit na styro cup. Hinayaan ko lang bumagsak ang kape mula sa taas. Nang matapos ay dahan-dahan kong kinuha ang kape dahil mainit. Huminga ako ng malalim at napatingin sa gilid ko ng makita ko bigla ang isang lalaki. Napatalon ako sa gulat at natapunan ang kamay ko ng kape. Sa sobrang pagkabigla ko dahil sa init, nabitawan ko ang styro cup at tumapon sa lapag. Tumalsik ang mainit na kape at natamaan agad ang binti ko dahil naka-skirt lang ako kaya napaatras ako at napahawak agad sa bitni ko. “Ang init! Ouch!” natatarantang saad ko habang hinahaplos ang balat ko na parang nalapnos. Sobrang init ng tubig at talagang hindi pa nahahanginan ng matagal. “Let’s go to the clinic.” Napatingala ako at doon ko lang naalala kung sino ang lalaking nasa harapan ko. Si Douglas… “I’m sorry.” Tumayo agad ako ng maayos at tinago ang dalawang kamay ko sa likod ko. “Okay lang ako.” Kahit gusto ko pang hawakan ang binti ko. Nawala bigla ang antok ko dahil sa mainit na tubig na tumapon sa akin at sa kanya na bigla na lang sumulpot sa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit siya nandito. Professor kaya siya? “Liar.” Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa sinabi niya. Para akong bigla na lang nahuli sa maling nagawa ko. “Sorry.” “Let’s go to the clinic.” Humakbang siya palapit sa akin at kinuha ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makaramdam ako ng kuryente kaya agad kong hinatak ang kamay ko mula sa kanya. “S-Salamat,” nautal na sambit ko. “Pero kailangan kong pumasok agad. May quiz pa ko ngayon sa subject ko.” Bawal pa naman ma-late dahil kapag nagsimula na ang quiz, bawal ng humabol. Ayoko naman na masayang ang inaral ko kagabi. “Sige, mauna na ko.” Umiwas ako ng tingin kay Douglas at humakbang na paalis pero nakakaisang hakbang pa lang ako ng biglang may bumuhat sa akin na pang-kasal. Nanlalaki ang mga mata ko sa kanya dahil sa ginawa niya. “Little hard-headed.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD