Naging maganda naman ang unang araw ni Noraine sa kompanya kahit na wala si Andrei. Nagawa niya ng maayos ang mga kailangan niyang gawin, oras-oras din siyang pinupuntahan ni Mrs. Amy para kumustahin siya at tingnan kung tama lang ba ang kaniyang ginagawa. Napangiti si Noraine sa naging resulta ng trabaho niya. Kahit paano aya ayaw niya ring mapahiya kay Andrei at lalong lalo na si Mr. Edwards lalo pa ipinagmamalaki siya nito sa binata. Masayang nag-ayos ng working table si Noraine at nagdesisyon umuwi na. Nang makauwi sa mansion si Noraine ay agad siyang napatingin kay Mr. Edwards nang marinig niya ang pagtawa nito. Nakita niyang nasa tenga ng matanda ang telepono, mukhang may kausap ito sa kabilang linya. “Of course, son, Noraine is doing well,” rinig niyang sambit ng lalaki. Tama an