Ilang ulit niyang binasa ang background ni Mr. Holmes, nalaman niyang hindi nagkakalayo ang edad ni Mr. Holmes at ni Andrei kaya sigurado siyang magiging madali sa kaniya ang pakikipag-usap sa lalaki. Nakita niya rin ang mukha nito dahil sa picture na pinadala sa kaniya ni Mrs. Amy sa kaniyang e-mail kaya nakahinga na siya nang maluwag at nakatulog nang payapa kagabi. “Kinakabahan ka ba?” tanong ni Mrs. Amy habang inaayos ang mga folder na dadalhin niya mamaya sa conference room. Kanina pa nanlalamig ang mga kamay ni Noraine, kung kailan malapit na ang meeting ay saka pa siya biglang nilukob ng kaba kaya hindi alam ni Noraine kung paano pakakalmahin ang kaniyang sarili, kung ano ang gagawin niya kapag kaharap na ang kliyente. Tumango siya ng marahan at pinakitang ha da na siya. Ayaw niy