bc

MADRASTA(SPG) - Falling in love with my stepmom

book_age18+
1.9K
FOLLOW
20.4K
READ
revenge
HE
love after marriage
age gap
powerful
stepfather
bxg
lighthearted
musclebear
like
intro-logo
Blurb

⚠️‼️???‼️⚠️Kahit napakalaki ng agwat ng kanilang edad ay pumayag na magpakasal si Noraine Guingab sa isang matandang mayaman at malapit ng mamatay. Totoong minahal niya ang matanda dahil sa kabutihan nito sa kanya, maasikaso, maalalahanin at higit sa lahat ay napakabait naman talaga nito sa kanya. Kung bumata nga lang ito ng kahit dalawampung taon ay masasabi niyang napakatikas ng matanda.Ipinakilala siya ng matanda sa binata nitong anak na si Andrei pero napaka-arogante, bastos at magaspang ang ugali nito taliwas sa ugali ng matanda. Hindi boto sa kanya si Andrei at desidido itong palayasin siya sa mansion ng ama sa kahit anong paraan.Handa ba siyang pagtiisan ang kagaspangan  ni Andrei kapalit ng karangyaan ng buhay na binibigay sa kanya ng matandang asawa?

chap-preview
Free preview
M1: SURPRISE
“Son, how's your trip?” Tanong ni Mr. Edwards sa anak nitong binata na si Andrei habang hinihila nito ang silya upang umupo. Fifty-seven years old lamang ang kanyang ama ngunit maaga siya nitong isinabak sa trabaho bilang paghahanda sa nalalapit na pagreretiro nito sa posisyon bilang CEO ng kanilang kompanya. “As usual, everything is just fine and I made it,” sagot naman ni Andrei sa ama habang papalapit ito at nakangiti. Malakas pa naman ito ngunit may mga karamdaman na madalas idaing kung kaya naman napapadalas na ang pagliban nito sa opisina. “Hijo, I have a surprise for you this weekend so be prepared.” Nakangisi nitong sabi at inabot ang tasa ng kape. Bahagyang humigop at muling ibinalik ang tasa sa ibabaw ng saucer. “Can I guess?” Curious na tanong niya sa ama at hinaplos ang konting buhok. Marahan niyang nilaro ang tumutubo ng buhok sa kanyang baba ito at matamang nag-isip kung ano ang posibleng sorpresa ang tinutukoy ng ama. Bata pa lang si Andrei ay nakasanayan na niya ang ganitong pakulo ng ama sa tuwing ito ay may gustong sabihin. Mas madalas, dinadaan sa sorpresa kahit hindi naman kailangan. Marahil ito ay isang paraan lang ng paglalambing ng kanyang ama na ikinatutuwa naman niya. “Dad, you never failed to surprise me,” sagot niyang natatawa habang iniisip kung ano nga ba ito. “Tiyak na sa pagkakataong ito mahihirapan kang hulaan but I know na magugustuhan mo.” sabi pa nito at nagsimula ng isubo ang pira-piraso ng bacon. “Whatever that is, I will surely like it Dad.” nakangiting sagot ni Andrei at nagsimula na rin itong kumain. Nang matapos, nagpaalam na sa ama si Andrei upang mag-report sa opisina. Dahil pagod pa siya sa byahe at may jetlag pa, pinaubaya na muna n'ya ang pagmamaneho sa kanilang family driver. Ipinikit niya ang mga mata habang nakasandal ang ulo sa headrest. Iniisip ang kalagayan ng ama. Hindi man ito nagsasabi ngunit alam niyang hindi okay ang kondisyon ng kalusugan ng ama. Maya-maya lamang ay biglang napatigil ang sasakyan at halos naumpog ang kanyang noo sa headrest ng upuan sa kanyang harapan. Mabuti na lamang at naka-seatbelt siya. “Baldo, what's wrong?” tanong niya sa kanyang driver. “Sir, meron po kasing babaeng biglang tumawid sa loading area, absent-minded yata,” sagot ng driver habang kinakamot ang ulo nito. Natanaw ni Andrei ang babaeng tumawid. Nakayuko na ito bilang paghingi ng paumanhin. Hindi pamilyar ang mukha ng babae ngunit kung susuriin, napakaganda nito at mukhang bata pa. Dahil tinted ang sasakyan, matamang pinagmasdan ni Andrei ang babae at lalo na nang matapat ito sa kayang bintana ay napaawang ang kanyang bibig. Nakasuot ito ng puting blusa na naka-tucked in sa black pencil cut skirt, paired with black doll shoes at black backpack? Napakunot ang noo ni Andrei. She's beautiful but stupid! She should at least be cautious, bulong ni Andrei sa isip niya. Napailing na lamang si Andrei na sumenyas sa driver upang ipagpatuloy ang pagmamaneho patungong basement. Hindi sanay si Andrei na nakikipagsabayan sa mga empleyado ng kanilang kompanya kung kaya naman meron siyang provided private parking lot na malapit sa lift kung saan ito ay diretso na sa top floor kung saan naroroon ang kanyang opisina. “Good morning, Sir.” Magalang na bati ng kanyang sekretaryang si Mrs. Amy. “Good morning. Any news?” sagot niya sa kalihim na nakasunod sa kanya papasok ng kanyang opisina. Matagal na kalihim ng kanilang kompanya si Mrs. Amy kung kaya naman maging si Andrei ay magaan ang loob dito. “How's Mr. Edwards, Sir?” tanong muli nito. “Well, that is why I am here. But he is good, thank you for your concern,” nginitian nya ang sekretarya. “Great, Sir. By the way, Mr. Edwards hired a new clerk. Do some errands and so on.” “Clerk? Do we need that?” nakakunot ang noo na tanong niya. “Kilala mo naman ang tatay mo, Andrei.” sagot ng sekretarya habang chine-check isa-isa ang file na hawak niya. “I don't understand my Dad sometimes.” nakasandal na sagot ni Andrei sa kanyang swivel chair. “Extend your patience, Andrei. Here is the list of the newly hired employees at kung may kailangan ka, give me a ring.” iyon lamang at tumalikod na si Mrs. Amy. Nabuhos ang oras ni Andrei sa pagpirma ng mga dokumento na kailangan na tapusin sa araw na iyon. Halos hindi niya namalayan ang oras, lunch break na pala. Katatayo pa lamang niya nang biglang mag-ring ang kanyang mobile phone. “Ron! Hey, wazzup!” Excited na sinagot niya ito at nagsimula ng maglakad palabas ng opisina. Pinakikinggan niya lamang ang kaibigan sa kabilang linya subalit nakasalubong na naman niya sa hallway ang babaeng nakita niya kanina at muntik ng mabangga sa loading area. “Ron, wait. Gonna call you later.” sabi niya sa kausap sabay pindot sa end button ng call. “Excuse me?” tawag niya sa nakasalubong na babae. Lumingon ito at sinagot siya, “Yes, Sir?” Marahil ay bago lamang ito at hindi pa kilala ang mga taong nasa posisyon sa kompanya kung kaya naman lumampas lamang ito. “Do you know me?” tanong ulit ni Andrei sa babae ngunit umiling lamang ito. Halata sa mata ng babae ang pagkalito at mukhang hindi mapakali. Napaawang na lamang ang bibig ni Andrei sa pagkadismaya. “May I know your name?” tanong niyang muli dito. Hindi maintindihan ni Amdrei ang sarili kung bakit magsasayang siya ng oras dito. “Bakit po? Why do I have to introduce myself to you?” tanong naman ng dalaga sa kanya na lalong ikinagulat niya. Bahagyang napamura si Andrei sa sarili. Damn it! She's gonna be kidding me! Hindi niya ba talaga ako kilala at kung sino ako sa kumpanya na ito? Fvcking hell! “Hey, look. Are you sure you don't know me?” tanong niyang muli, nakakuyom na ang kanyang mga kamay sa sobrang inis sa kausap. Imbes na sumagot ang dalaga ay tumingin ito sa relong suot at nagsalita. “I'm sorry pero malapit ng matapos ang breaktime ko. I need to eat my lunch,” sagot nito at yumuko lamang bilang paggalang. Pagkatapos ay tumalikod na ito at iniwan siyang nakatulala. Unbelievable! Awang ang mga labi niyang sambit. Hindi makapaniwala si Andrei. Sa unang pagkakataon, ngayon lamang siya nakatagpo ng babaeng hindi man lang nagkaroon ng interes na alamin ang pangalan niya o kilalanin kung sino siya. Niluwagan na lang niya ang buhol ng necktie sa pagkadismaya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.3K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.9K
bc

His Obsession

read
91.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook