Napaigtag naman sina Noraine at Mr. Edwards nang bigla na lang ibagsak ni Andrei ang kaniyang hawak na mga kubyertos. Nakatingin sa kaniyang plato ang lalaki habang nagpupunas ng kaniyang bibig. Nandidiri si Andrei, kinikilabutan siya habang nakatingin sa dalawang tao na naglalambingan sa kaniyang harapan. Gusto niyang masuka habang nakikita ang ama at si Noraine na malambing na nag-uusap kaya mas minabuti niyang iwan na lang ang mga ‘to sa hapag-kainan at umalis ng bahay. Kahit na anong pagpipilit niyang maging kalmado sa harap ng mga ‘to ay hindi niya magawa dahil sa tuwing nakikita niyang gano’n ang dalawa ay kumukulo ang dugo niya. ‘Nakakadiri ang mga ‘to.’ Habang naglalakad palabas ng bahay ay tinawagan niya ang numero ni Lorebel upang tanungin kung nasaan ang babae. “Hello, babe