Kinabukasan ay maagang nagising si Noraine, agad siyang naghanda at naligo, pagkatapos ay saka siya bumaba sa sala kung saan naabutan niya si Mr. Edwards na kanina pa pala naghihintay sa kaniya. Sinalubong siya nito na may ngiti sa labi. “Good morning, hija,” nakangiting bati ng lalaki sa kaniya. “Good morning din, Mr. Edwards. Ang aga mo naman nagising, nakatulog ka ba nang maayos?” tanong ni Noraine nang makalapit na siya sa lalaki. “Of course, talagang maaga na akong nagigising--- you know, oldies things.” Sabay silang natawa dahil sa biro na sinabi ni Mr. Edwards. “Let’s go in the dining area, kumain ka na muna para marami kang energy mamaya sa company and also nagpaluto ako ng mababaon mo mamayang lunch.” “Dapat hindi mo na ginawa ang bagay na ‘yon, ako na lang sana ang naghanda