Tahimik lang habang nakatingin si Noraine sa repleksyon ng kaniyang sarili sa salamin. Ginagamot niya ang sariwang kalmot ni Lorebel sa kaniyang braso, napapangiwi na lang siya sa tuwing nakakaramdam siya ng hapdi. Hindi inaasahan ni Noraine na makikita na niya kanina si Andrei, hindi niya alam na ngayong araw pala ang uwi ng lalaki, ni hindi man lang ito nag-abiso sa ama kaya nagulat siya nang makitang nasa mansion na ito. Hindi nga alam ni Noraine ang kaniyang mararamdaman dahil hindi niya masabi kay Andrei ang nangyari sa kanila ni Mr. Holmes, hindi niya masiguro ang magiging reaksyon ng lalaki kapag nalaman ang tungkol sa bagay na ‘yon. Baka mas lalo lang magalit sa kaniya ang lalaki. Wala pa ring nakakaalam sa nangyari sa kanila ni Mr. Holmes bukod kay Mrs. Amy na nakita ang review