D*mn it! Napakalaking kliyente ni Mr. Holmes, napakalaking project ang nasayang! T*ngina, masyado kasi siyang nagtiwala sa Noraine na ‘yon, masyado siyang nagpakakampante, hindi niya inisip na tatanga-tanga ang babae na ‘yon! Hindi dapat siya masyadong naging kampante--- t*ngina! What you have done, Noraine! Fvck! “Dalawang araw na…” mahinang sagot sa kaniya ng matandang kausap. Kinuha agad ni Andrei ang kaniyang telepono sa bulsa niya upang tawagan ang numero ni Mr. Holmes, baka sakaling mahabol niya pa ang lalaki, nanghihinayang si Andrei sa engagement na makukuha ng kanilang kompanya kung sakali mang maico-close ni Noraine ang deal, magiging masaya sana ang kaniyang ama pero tingnan niyo kung ano ang nangyari ngayon! “Andrei---” Hindi na hinintay pa ni Andrei na makapagsalita si Mrs