M13: HINDI INAASAHAN

1004 Words

“Ano na naman ba ang problema mo?” takang tanong ni Noraine pero hindi maiwasang mapasulyap sa katawan ng lalaki. “Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo?” tanong ni Andrei at nandidiring tiningnan ang babae sa kaniyang harapan. “Bigyan mo nga nang kaunting kahihiyan ‘yang sarili mo.” Nangunot ang noo ni Noraine dahil sa sinasabi ni Andrei. “Bakit ba ganiyan ka magsalita sa akin? Bakit ba galit na galit ka sa akin?” lakas loob niyang tanong sa lalaki. Tumaas ang isang kilay ni Andrei habang nakatingin sa babae. Humakbang ng isa si Andrei palapit sa babae saka siya sumandal sa pintuan upang mataman na tingnan si Noraine. “You are asking an obvious question,” tamad na sagot ni Andrei. Hindi niya alam kung bakit pinapatulan niya pa ang babae na ‘to kung p’wede namang pagsaraduhan na lang niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD