Makailang ulit na napabuntonghininga si Noraine habang nakatulala sa magandang garden sa likod bahay. Naiinip na siya sa loob ng bahay. Nasanay na siyang nagtatrabaho siya araw-araw at abala siya kada oras pero no’ng makilala niya si Mr. Edwards, bigla ay para siyang naging prinsesa. Gusto niya sanang magtrabaho na pero hindi niya alam kung saan, isa pa ay pinagbawalan siya ng matanda na umalis muna sa mansion dahil may kailangan muna raw itong ipaliwanag sa kaniya, sa magiging trabaho niya. Muli siyang napabuntonghininga nang maalala niya ang minsan na umagang pag-uwi ni Andrei sa mansion. Nagkasagutan na naman silang dalawa pero kinikilabutan siya sa tuwing naaalala niya ang mga pinagsasasabi ng lalaki sa kaniya at kung paanong hinaplos nito ang kaniyang pisngi at sabihin ang mga salit