“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Mr. Edwards. Nahihiya namang napakamot sa kaniyang ulo si Noraine. Hindi niya kasi alam kung paanong sasabihin sa matanda na naligaw siya sa loob ng mansion at nagkamali ng k’warto na kinatok. “Hinahanap ko kasi ang k’warto niyo pero k’warto pala ito ni Andrei, siya ang nakatok ko…” nahihiyang k’wento ni Noraine at ilang saglit lang ay malakas na tawa na ni Mr. Edwards ang kaniyang narinig dahilan upang mas lalong mag-init ang kaniyang mga pisngi. “Ikaw talagang bata ka, sa susunod ay ililibot kita rito sa mansion para maging familiar sa ‘yo ang bawat sulok nito dahil dito ka na rin naman titira.” Tumingin si Noraine kay Mr. Edwards. “Medyo malaki ang mansion kaya siguro kulang ang isang araw,” dagdag pa ni Mr. Edwards saka marahang humalakhak. “Okay