Nakatitig lang si Noraine sa kisame habang paulit-ulit na binabalikan ang kaniyang nakita at narinig nang mapadaan siya kanina sa k’warto ni Andrei. Kauuwi niya lang galing opisina nang mapadaan siya sa k’warto ni Andrei dahil pupunta siya sa k’warto ni Mr. Edwards para kumustahin ang lalaki. Hindi naman sinasadyang nakabukas pala ang pinto ng k’warto ni Andrei kaya nang mapadaan siya rito ay napahinto siya dahil narinig ni Noraine na nagsasalita ang lalaki, saglit siyang tumigil at nagtago sa likod ng pader upang pakinggan ang lalaki. Ang akala niya noong una ay nasa telepono ang kausap ng binata pero nang marinig niyang tinawag nito ang Ina ay ro’n lang napagtanto ni Noraine na kinakausap ni Andrei ang Ina nito na nasa litrato. Hindi na nakakilos pa si Noraine sa kinatatayuan niya at