Ilang minuto pang nakipag-usap si Andrei sa kaniyang namayapang Ina. Sa tuwing nakakaramdam siya ng pagod, ang Ina niya ang kaniyang takbuhan kahit na wala siyang natatanggap na sagot dito, gusto lang naman ni Andrei nang mapagsasabihan ng kaniyang mga problema at ang kaniyang Ina lamang ang napagsasabihan niya ng mga ‘yon, ang Ina niya ang tanging tao na nakakaintindi sa kaniya. Nang gumaan na ang pakiramdam niya ay napagpasyahan na niyang maghanda sa kaniyang pag-alis. Si Ron na ang naghatid sa kaniya sa airport. “Mag-iingat ka ro’n at kung pup’wede lang kung may makikita kang magandang babae ay iuwi mo na sa akin,” bilin ng kaniyang kaibigan. Napangisi na lang si Andrei bago ibaba ang mga gamit niya. “Hanggang dito ba naman ay babae ang nasa isip mo, bakit kasi hindi ka sumama sa aki