“Zup, man,” bati ni Andrei sa kaibigan nang makalapit na siya nang tuluyan dito. Napaka-supportive talaga ni Ron sa kanya at marami na silang pinagsamahan kaya ganito sila ka-dikit ng lalaki. Kahit pa nga magpalitan sila nang masasakit na salita ay ayos lang at patunay lang ito na kilala nila ang isa't isa noon pa. “Pambihira, dapat pala ay hindi na lang ako nagbitaw ng salita sa ‘yo. I regret it, Andrei. Bakit kasi ganitong oras mo naisipan na umuwi? Hindi ba p’wedeng bukas na ng umaga?” magkasalubong ang mga kilay na tanong ni Ron. Halata ang pagkairita sa mukha pero nakangisi naman. Umiling si Andrei. “Alam mo naman na kailangan kong magtrabaho bukas.” Mahinang paliwanag ni Andrei na ipinagtaka ng kaibigan. Bakas sa kanyang mukha ang hindi makapaniwalang mga mata ni Ron. “Andrei, ika