“Ano ba?! Bitiwan niyo nga ako!” sigaw ni Lorebel habang nagpupumiglas sa kamay ng mga guard na nakahawak sa kaniya. “Sige na, ilabas niyo na siya,” malumanay na utos ni Mrs. Amy na pumasok na rin sa loob ng opisina. Hinihingal na tiningnan ni Noraine ang matanda na nag-aalalang nakatingin sa kaniya. “Bitawan niyo ako!” sigaw ulit ni Lorebel at malakas na binawi ang sarili sa mga guard, binitawan siya ng mga ‘to para hindi na magkasakitan pa. Matalim ang mga tingin na ibinigay sa kaniya ng babae bago magmartsa at kuhanin ang bag nito na inihagis nito kanina sa kung saan. Muli siyang tiningnan ni Lorebel na magkasalubong na ang mga kilay. “Hindi pa tayo tapos na dalawa,” banta ni Lorebel sa kaniya bago kusang umalis ng opisina. Nang mawala na sa kanilang paningin si Lorebel ay nanghih