Ngumisi si Lorebel at matapang siyang tiningnan. “Higad ka, totoo naman, ‘di ba? Andrei is right, you’re a gold digger. Halata namang kating-kati ka na at pati ang Daddy ni Andrei ay pinatulan mo na, gano’n ka na ba kadesperada para humanap nang ‘tulad ng Daddy ni Andrei? Matandang mayaman na malapit nang mamatay?” “Lorebel!” malakas na tawag ni Noraine sa babae dahil sa huling sinabi nito. “Ano ba ang sinasabi mo? You don’t know me, okay? Hindi mo ako kilala para pagsabihan nang mga kung ano-ano! Wala ka ring karapatan na husgahan ako dahil una sa lahat, sino ka ba?” Umayos nang tayo si Noraine at matapang na hinarap ang babae. Matangkad lang ito nang kaunti sa kaniya pero hindi ito dahilan para makaramdam siya ng takot. Kung si Andrei nga na lalaki at anak pa mismo ni Mr. Edwards ay hi