“Stop! Please! Stop!” sigaw ng Daddy ni Andrei dahilan para matahimik silang dalawa. Niluwagan nito ang kurbata at magkasalubong ang mga kilay na tiningnan sila. Kita ang galit sa mga mata nito kaya napatutop na lang dahil sa hiya si Noraine. “Ano ba kayong dalawa?! Unang beses niyo pa lang magkikita pero hindi na kayo nagkakasundo! Paano pa kung titira tayo sa iisang bubong at araw-araw kayong magkikita?!” galit na tanong nito. Napayuko na lang dahil sa hiya si Noraine. Ayaw niya lang kasi na kung ano-ano ang sinasabi sa kaniya ng isang tao lalo na at hindi naman siya kilala nito nang lubusan. “Andrei, p’wede ba? P’wede bang bigyan mo ng kahit na kaunting respeto si Noraine? Makakasama mo siya sa iisang bahay, sa ilalim ng iisang bubong, kaunting respeto na lang ang hinihingi ko sa