“ANDREI!” Nabalik sa kaniyang ulirat si Noraine nang tawagin ng malakas ni Mr. Edwards ang anak nito na kabababa lang galing sa k’warto. Tiningnan ni Noraine ang lalaki na dire-diretsong naglakad palabas ng mansion na para bang hindi narinig ang pagtawag ng sariling ama. Napailing na lang si Mr. Edwards. Nagi-guilty talaga si Noraine dahil mukhang magkakalamat pa ang samahan ng mag-ama dahil sa kaniya. Napakalaki nga naman ng age gap nila ni Mr. Edwards, mas bata pa siya kay Andrei. Huminga na lang nang malalim si Noraine at saglit na ipinagpahinga ang isip dahil sumasakit na ang ulo niya kakaisip sa mga bagay-bagay na nangyayari sa kaniyang paligid. Kahit siya ay nabibigla rin sa sitwasyon na napasukan niya. Magkasalubong ang mga kilay ni Andrei habang naglalakad siya papasok sa kan